***
Chapter 13 "Park"
Pagka-uwi ko sa apartment ay sinalubong agad ako ni Ruth. Hindi na daw kasi siya makapag hintay dahil alam niyang may mga pasalubong akong kwento sa kaniya.
Ikinwento ko sa kaniya sina Alec at Madie na mga bago kong kaibigan at ang mga una kong nakilala sa unibersidad. Nakikita ko ang ningning sa mga mata ni Ruth habang nakikinig siya na wari'y sobrang saya niya talaga para sa akin.
"Eh boys wala kang nakilala?" Tanong niya pagkatapos kong magkwento.
"Si Alec." Sagot ko naman.
"Hindi naman yun boy di ba?" Nagkamot siya ng ulo.
Bahagya akong natawa sa kaniyang naging reaksyon ngunit mabilis din itong napawi ng maalala ko si Marco Polo. Napalunok ako.
"Malaking university yon kaya siguradong marami din gwapo don, hindi ba?"
Tumango ako.
"Oo naman.""Oh, Yun naman pala. Magkwento ka pa dali." Magana niyang sabi sa akin habang excited na talagang makinig.
"Uhm. Si Marco Polo, nagkakilala kami dun kasi magkapatid sila ni Madie."
At unti-unting nanlaki ang mga mata niya sa akin.
"Talaga?!" Napatakip siya ng bibig. "What a small world!"Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lamang siya kagulat dahil ako man ay hindi makapaniwala sa pangyayaring iyon. Bakit nga ba lagi kaming nagkikita ng lalakeng iyon? Oh oo nga pala, small world.
"Anong nangyari nang magkita kayo ulit kanina?" Muli siyang nagtanong at talagang titig na titig sa akin ang mga pilit na pinapalaking niyang singkit na mata.
Nagkunot ako ng noo. "Wala.. Reporter lang ang peg, Ruth?"
Muli siyang nagkamot ng ulo. "Ano nga? Binibitin mo naman ako eh."
"Wala nga.. Hindi naman kasi niya ako nakilala." Sagot ko.
Natigilan siya sandali at nakit ko ang dahan-dahang pagkunot ng kaniyang noo.
"Oh my god." At napailing na lamang siya.Mabuti naman at wala ng naitanong pa noon si Ruth tungkol doon. Sa totoo lang din kasi ay pinagkibit-balikat ko na lang ang pagkikita naming muli ng lalakeng iyon. Siguro ay hindi naman isinasadya ng tadhana na pagtagpo ulit kami. At isa pa ay wala naman na akong pake sa kaniya, di ba?
Pagkatapos namin magkwentuhan ni Ruth ay nagtanghalian na kami. Siya ang naghugas ng mga pinagkainan namin kaya nauna na akong umalis sa kusina at pupunta na muna ako sa sala para manuod ng tv.
Bago pa ako makarating ng tuluyan sa sala ay napatingin ako sa salamin na nakasabit sa pader. Linapitan kp ito at pinagmasdan ang babae sa aking harapan.
Una kong napansin ang kaniyang manipis na labi. Natural ang pamumula nito ngunit pakiramdam ko ay ngayon ko lamang ito nakita dahil panay ang paglalagay ko ng lipstick. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka napatingin naman sa kaniyang mga mata, Namumungay ang mga malalim na mata nito. Nagbuntong hininga ako sabay masid naman sa kniyang pisngi. Ganito ba talaga kaputla ang aking balat kapag hindi makapal ang foundation ko? Kakaiba nga talaga ang itsura ng babae sa harapan ko ngayon. Ni hindi ko na masabing ako nga iyon dahil ako mismo ay namangha dahil malaki ang pinagkaiba ng itsura ko sa kaniya.
"Namiss kita Angel."
Napatingin ako kay Ruth sa salamin. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan na rin pala niya ang mukha ko. Nakangiti siya sa akin.
Tumalikod ako upang humarap sa kaniya.
"Ang laki nga ng pinagbago ng mukha ko ngayon."Tumango siya. Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa kaniyang labi.
"Ang tagal ko ng hindi nakita ang mukhang iyan."

BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...