Chapter 22

2.5K 44 2
                                    

***

Chapter 22 "Chess"

Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Sabado naman kaya bumawi talaga ako ng maraming tulog.

Pagtingin ko sa aking tabi ay nahagip ng mga mata ko si Ruth. Masarap pa ang kaniyang tulog kaya hinayaan ko na muna siya.

Nagpunta ako sa kusina at tumingin sa loob ng fridge para maghanap ng pwedeng mailuluto ngunit kumunot ang noo ko ng makita kong wala na pala kaming stock.

Sa huli ay nagpasya na lamang akong magpunta sa palengke habang tulog pa si Ruth. Ako naman ang magluluto para sa kaniya.

Alas-dose na ng tanghali ng makabalik ako sa apartment. Sakto lamang ang aking pinamili kaya hindi ako masyadong natagalan.

Nadatnan ko si Ruth sa sala.

"Bakit di mo ako ginising? Di tuloy kita nasamahan." Aniya saka tinulungan ako sa pagbitbit ng kaunting pinamili ko.

"Okay lang. Balak kasi kitang ipagluto ng almusal eh."

Ngumiti siya sa akin at inakbayan niya ako.
"Ang sweet naman ng kaibigan ko."

Nginitian ko din siya saka na nag-umpisang maghanda ng aking iluluto at dahil tanghali na din ay magluluto na lamang ako ng sinigang na baboy.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone mula sa bulsa ko ngunit hindi ko ito pinansin. Ayaw kong maistorbo sa aking ginagawa kaya pinabayaan ko lamang ito hanggang sa paulit-ulit na itong nagvibrate.

Nagkunot ako ng noo. Sino ba kasi itong nagtetext sa akin? Pagtingin ko ay may limang message na galing sa hindi ko kilalang numero. Bubuksan ko pa lamang sana ang isang message ng biglang may tumawag.

Sinagot ko ito kahit hindi ko kilala ang numero.

"Hi Tin. Kamusta?"

Nagharumentado ang puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Marco.

Inilapag ko ang cellphone sa mesa at inilagay ko ito sa loudspeaker upang makapagluto pa rin ako ng maayos.

"Uhm, o-okay naman. Saan mo galing ang number ko?" Mahina kong sagot.

"Kay Ruth. I went to your apartment a while ago. Gusto sana kitang kamustahin pero wala ka."

Nagtama ang mga mata namin ni Ruth habang siya ay nakaupo sa dining area at pinapanuod akong magluto.

"Bakit hindi mo sinabing nanggaling dito si Marco?" Pabulong kong sabi kay Ruth.

"Oo nga eh, Nakalimutan ko." Sagot niya at kinamot niya ang ulo niya.

Napailing ako at muli kong kinausap si Marco sa kabilang linya.

"What are you doing? Are you busy?" Muling umimik si Marco sa kabilang linya.

"Uh, Hindi naman. Nagluluto lang ako."

"I see. What are you cooking?"

"Sinigang na baboy."

"Wow. My favorite." Magana niyang sagot.

"Talaga Marco Polo? Alam mo ba masarap ang sinigang ni Ange- Kristine?" Sumingit si Ruth at nagkatinginan pa kami nang muntikan niyang mabanggit ang tunay kong pangalan.

"Really, Ruth? I didn't know she can cook." Muling sumagot ng magana si Marco.

"Naku, You should taste it. The best talaga."

"Ruth." Pinagdilatan ko siya ng mata.

"Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo." Ngumingisi pa siya.

Narinig ko ang pagtawa ni Marco mula sa kabilang linya.
"Mukhang ayaw naman akong patikman ni Tin eh."

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon