***
Chapter 32 "My Date"
Nang magising ako ay agad akong bumangon sa kama. Nahagip ng aking mga mata si Ed na nakaupo sa pwesto niya kanina. Namula ang aking pisngi. Siguradong nakita niya akong natutulog. Ugh.
Naglibot ang aking mga mata sa tahimik na paligid. Wala ng ibang tao maliban sa amin ni Ed. Nang tumingin ulit ako sa kaniya ay nagtama ang aming mga mata.
"Okay na ba ang paa mo?"
Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ko siya. Kalmado na ang kaniyang boses. Hindi na rin siya mukhang galit at naiinis.
Napatingin ako sa aking paa. Bigla akong napamangha ng mapansin kong hindi na ito mahapdi. Naigagalaw ko na din ito ng maayos.
Tumango ako sa kaniya ng may ngiti.
Bumuntong hininga.
"Dahil sa'ken kaya nangyari yan. Pasensya ka na."
Kumunot ang noo ko.
"Wala ka naman kasalanan. Bakit mo sinisisi ang sarili mo?"
"Kung wala sana ako doon, Hindi mangyayari yan."
"Kung wala ka doon, Sinong magdadala sa akin dito? Wag mo na ngang sisihin ang sarili mo. Okay naman na ako."
Yumuko siya ngunit nakita ko pa rin ang pag-igting ng kaniyang panga. Bakit ba sinisisi niya ang sarili niya? Tsk.
Hapon na ng pinayagan na akong makalabas ng clinic. At kagaya ng kanina ay panay na naman ang pagsulyap sa aming dalawa ni Ed ng mga estudyanteng madaanan namin. Bumuntong-hininga ako. Siguro ay kailangan ko na lamang masanay.
Ngunit ng mapadaan na kami sa bulletin board ay kumunot ang noo ko. Nakadikit ang larawan ko at ang larawan ni Ed. Nalaglag ang aking panga ng basahin ko ang nakasulat sa taas ng mga larawan..
San Antonio's official date on Students' Night - Angel De Vera
"Ed, ano 'to?" Nakakunot ang noo ko sa kaniya.
"Ngayon ko lang din nakita 'to.." Kumunot na rin ang noo niya.
"Kaya pala pinagtitinginan na naman tayo ng mga estuyante. Hindi mo ba pwedeng tanggalin yan? N-nakakahiya."
"No, you cannot remove that."
Biglang nagsalita si Alec sa likuran namin.
"Bawal tanggalin ng kahit na sino ang mga nakapost dyan."
"Right." Masaya silang nag-apir ni Madie.
Alam kong ito ang gusto nila. Gusto nilang malaman ng lahat na kami ni Ed ang magkasama sa Students' Night. Ugh. Kung sino man ang gumawa nito ay siguradong malaki ang pasalamat nila.
"Alec, tanggalin mo yan." Matigas na sambit ni Ed. His voice was authoritative.
"Why would I?" Sagot niya.
"Kayong mga journalist lang ang pwedeng gumawa niyan." Nagsisimula ng magalit si Ed.
"Gusto mo bang ireport kita sa Guidance councilor? Hindi ka dapat gumagawa ng maling balita.""What? Hindi ako gumagawa ng maling balita. Madie comfirmed it. Sabi niya totoo iyon."
Lumipat ang mga tingin namin kay Madie.
"A-actually, I lied.." Napakagat siya ng labi.
"Psshh. Then it's all your fault." Nag-ekis ang mga kamay ni Alec.
"Tatanggalin mo o irereport kita?" Si Ed ulit. Natalim ang titig niya kay Alec.
"Teka Ed, hayaan mo na." Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Si Ed ay parang sasabog na. Hindi ko kayang nakikita silang ganito ng dahil sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/59488758-288-k889670.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...