Chapter 5

5.1K 61 0
                                    

***
Chapter 5 "Mayamang Pipe"

Angel's POV

Nang matapos kaming magshopping ni Ruth ay niyaya ko siyang gumimik at pumayag naman siya. Treat ko na din sa kanya dahil sinamahan niya ako sa pag-aasikaso ng aking pagbabalik aral.

"Friend tara magsayaw na tayo!" Hinatak niya ako papunta sa dance floor at nagsayaw kaming dalawa.

Patuloy pa rin kaming nagsasayaw hanggang sa may lumapit na sa aming mga nagsasayaw din. Napatingin ako kay Ruth at nakita kong enjoy na enjoy siya sa kasayaw niyang lalake na halos magsunggaban na sa sobrang dikit nila sa isa't isa.
Gusto ko sana siyang kausapan ngunit hindi ko na siya inabala. Bumalik na lamang akong mag-isa sa aming table pero bago pa ako makarating doon ay may humarang na lalake sa akin.

"Saan ka pupunta sexy? Isasayaw pa kita." Aniya at hinawakan ako sa pulsuhan.

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko at hinatak ko ang aking kamay para mabitawan niya saka tumalikod na sa kanya para ipagpatuloy ang aking paglalakad.

"Maarte!" Sigaw niya sa akin at hinipo niya ako sa puwet.

"Bastos ka!" Humarap ako ulit sa kanya para sampalin siya ngunit napigilan niya ito.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay napasigaw na lamang ako bigla ng may sumuntok sa lalakeng nanghipo sa akin.

"Problema mo pare?! Bakit ka nanununtok?!" Aniya at lumapit sa isang lalaki upang gumanti ng suntok ngunit bago niya pa nagawa iyon ay may dumating ng bouncer at inawat sila.

Parang bato na ako sa aking kinatatayuan dahil sa bilis ng mga pangyayari hanggang sa nilapitan na ako ni Ruth.

"Friend? Okay ka lang?" Pag-aalala ni Ruth.
Tumango lamang ako at inalalayan niya ako papunta sa aming table.

Pinaupo ako ni Ruth at nag-order ng maiinom para ako ay mahimasmasan. Nang okay na ako ay tinanong niya ako agad.

"Ano okay ka pa ba? Gusto mo na bang umuwi na?"
Tinignan ko siya saka umiling.

Ayaw kong masira ang gabing ito ng dahil lang sa nangyari.

"Sure ka?" Ani Ruth.

"Oo Ruth okay lang ako." Sagot ko.

"Oh tara na! Magsayaw na ulit tayo!" Sigaw ni Ruth kasabay ng paglakas ng tugtog sa dance floor.

"Sige mauna ka na! Pupunta lang ako sa CR!" Sinigawan ko din siya para marinig niya ako.

At nagpunta na nga siya sa dance floor. Ako naman ay dumiretso sa CR.
Nang marating ko ang hallway papunta sa CR ay humina ang tugtog na nagmumula sa dance floor dahil kulob ang hallway.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa aking likuran dahil parang may naramdaman akong sumusunod sa akin.
Pagtingin ko ay wala naman pala kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok ng CR.

Pagkatapos jumingle ay humarap ako sa salamin. Nagretouch ako kahit na ang kapal kapal na talaga ng make-up ko.
Ngumiti ako sandali habang nakatitig sa aking sarili sa salamin saka na lumabas.

Paglabas ko ng CR ay may kung sinong tumambad sa aking harapan. Hinila niya ako ng mabilis at isinandal sa pader. Ako naman ay hindi na nakaimik sa ginawa niya.

Inilapat niya ang kanyang labi sa aking labi. Nanlaki ang aking mga mata habang siya naman ay pikit na pikit. Tinitigan ko siyang mabuti at ikinurap kurap ko pa ang aking mga mata para makasigurado sa aking nakikita.

"Hindi ako nagkakamali, siya yung lalakeng nakasama ko sa hotel na nakita ko din sa parking lot!" Sabi ko sa isip ko.

Iginagalaw niya ang kanyang labi habang nakalapat pa rin sa akin. Gusto ko siyang pigilan, itulak at sampalin pero may parte ng utak ko ang hindi sumasang-ayon.
Sa huli ay tumutugon na rin pala ako sa kanyang mga halik. Napapikit ako ngunit bago pa ako tuluyang madala ay unti-unti siyang tumigil at inialis ang kanyang labi. Lumakad siya palayo habang ako ay naiwang tulala.

Ilang minuto din akong natulala bago nakabalik sa tamang katinuan.

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Para kang nakakita ng multo!" Si Ruth na papalapit sa akin.

"Ruth.. May nakahalikan ako." Mahina kong sabi sa kanya.

"Sus yun lang?! Akala ko naman kung ano na!" Nakakunot ang noo niya.

"Tara na nga!" At hinila niya ako palabas ng hallway.

"Ruth iba to. Alam mo ba kung sinong nakahalikan ko?"

"Bakit ba kung makapag react ka diyan parang virgin pa yang labi mo." Saka siya natawa.

"Ruth naman eh!"

"Alam mo, ako nga dalawa na ang nakahalikan ko kanina eh. Hayaan mo na yun!"
Hindi na lamang ako umimik sa sinabi niya. Parang wala din naman siyang balak na makinig eh.

Nakipag sayawan ulit si Ruth sa dance floor at ako naman ay naiwan lang sa aming table na mag-isa.

"Woah! Nakakapagod pero enjoy naman! Thanks sa treat friend!"
Niyakap niya ako.

Alas-tres na ng madaling araw at pauwi na kami ngayon.

"Basta ikaw! Kahit na hindi mo ako pinapakinggan kanina." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Hahaha! Eh bakit ba kasi ang OA mo? Hindi ka naman ganyan dati ah."

"Ruth iba nga to. Yung nakasama ko sa hotel nung isang gabi, siya yung nakahalikan ko."

"Ah si MP." Aniya

Nagkunot ang noo ko.
"Anong MP?"

"Mayamang Pipe. Eh di ba hindi yun nagsasalita?" Mabilis niyang sagot.

"Ikaw talaga ang hilig mong magbigay ng pangalan."
"Anong ibig sabihin non Ruth? Bakit niya ginawa yon? Bakit ko na naman siya nakita?"

Pagkasabi ko nun ay biglang nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig sa kanyang mga kamay. Parang gulat na gulat lang.

"Hala ka friend! Nagkita na naman kayo?! Iba na yan ah. Mag-iingat ka baka masamang tao yan!"

Agad naman akong natakot sa sinabi niya.

"Hahahaha! Ikaw talaga agad kang nagpapaniwala. Joke lang yun!" dugtong niya habang nakahawak sa tiyan at tumatawa.

"Hindi ka nakakatawa Ruth! Tinakot mo ako!"

Hindi pa rin siya tumitigil sa paghalakhak.
"Siguro type ka lang nun friend!"

"Ewan ko sayo. Hindi na ako maniniwala sa sasabihin mo gaga ka!"
Ipinaikot ko pa ang mga mata ko sa kanya.

"Hahahaha! Aba bakit ka nagagalit? Type mo na din ba siya?" Tinignan niya ako ng nakakaasar.

Sinigawan ko siya.
"Che! Hindi ko magugustuhan yon no!"

"Mabuti naman. Akala ko magkakagusto ka na sa pipe eh. Hahahaha!"

Hindi ko na siya sinagot. Puro pang-aasar lang naman kasi ang sasabihin niya pag nagpatuloy pa ang pag-uusap namin.

Nang makauwi na ay agad din kaming nagpahinga.
Sa kalagitnaan ng aming pagtulog ay nagising ako dahil sa lakas ng hilik ni Ruth.
Ginigising ko siya para matanggal ang kanyang paghihilik pero ayaw niyang patinag. Sa inis ko ay tinapik ko na lang siya ng malakas sa puwet. Hindi pa rin siya natinag pero ako ay biglang may naalala.

Yung lalake na humipo sa puwet ko kanina at yung lalakeng sumuntok sa kanya. Kahit papaano ay nakaganti ako sa bastos na yon sa ginawa niya sa akin. Sayang lang at hindi ko siya napasalamatan pero bakit ganoon? Kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko maalala ang itsura niya.

Hindi na tuloy ako nakatulog!

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon