Chapter 29

1.9K 40 7
                                    

***


So eto si Angel kapag nasa university. :)

 :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


***


Chapter 29 "Students' Night"



Habang naglalakad ako ay parang bumalik ang pakiramdam ko noong unang araw ng pasok ko sa unibersidad.


Tahimik ang bawat corridor na madadaanan ko. Dalawang oras na akong late kaya naman wala ng mga estudyante ang makikita sa paligid.


Papaano nga ba ang gagawin ko kung wala si Ruth? Tama ang bawat sabihin niya. Kailan kong mag-aral. Hindi ako papayag na habang-buhay na lamang na manatiling ganoong klaseng babae.


Nang marating ko ang pintuan ng aking classroom ay nanginig pa ang kamay ko. Huminga ako ng malalim saka pinilit na pakalmahin ang kinakabahan kong puso.

Hinawakan ko ang doorknob at nang bumukas ang pintuan ay umangat ang tingin ko sa loob ng kwarto.

Lahat ng mga mata ay sa akin na nakatitig. Kumabog ang dibdib ko at dahan-dahan na pinasok ang classroom. Yumuko na lamang ako upang mawala ang aking kaba.

Napansin ko din na walang prof kaya bahagya akong nakahinga ng maayos ngunit ng magtama ang mga mata namin ni Ed ay muling nagharumentado ang puso ko.

Magkatabi nga pala kami ng upuan at habang papalapit ako sa kaniyang kinaroroonan ay hindi ko maisip kung paano kikilos ng maayos.


Nang maka-upo na ako ay parang nagkusa ang mga mata ko na mapatingin kay Ed. Tumango siya sa akin at ngumiti ng maliit.


"Mabuti na lang pumasok ka na."


Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

"Kanina ka pa tinatanong ni Madie sa akin. Nag-usap na ba kayo ulit? Bakit ako ang tinatanong niya?"


Napakagat ako ng labi. Muntikan ko ng makalimutan. Wala pang alam si Ed. Siguro ay nagtataka siya kung bakit tinatanong siya ni Madie. Tsk.


Bumuntong hininga ako.

"Anong sinagot mo?"


"Wala.."


Muli lamang akong napakagat ng labi. Mabuti na lang..

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon