Chapter 20

2.5K 40 0
                                    

***

Chapter 20 "Red-Headed Girl"

"Ganda ah?" Pumasok si Ruth sa kwarto at nadatnan niya akong nag-aayos.

Araw ng biyernes ngayon at malayang magsuot ng outside dress ang mga estudyante sa unibersidad.

Nagsuot ako ng simpleng kulay blue na v-neck tee. Tinuck-in ko ito sa aking jeans at nagsuot din lamang ako ng snickers.

"Akin na nga." Natatawang sambit ni Ruth nang mapansin niya akong nahihirapan sa pagpony-tail ng aking buhok.

"The best ka talaga friend." At iniabot ko sa kaniya ang suklay.

"Uhm friend, kamusta sa school?" Tanong ni Ruth.

"Okay naman." Ngumiti ako.

"Yung mga kaibigan mo, hindi ba sila nagtataka sayo?"

Tinignan ko siya sa salamin at nagtama ang aming mga mata.
"H-hindi naman."

Tumango siya at natahimik ang aming paligid.

"Yan, tapos na."

Muli akong bumaling sa salamin nang matapos na ni Ruth ang pag-aayos sa buhok ko. Now my hair is perfect. Ang galing talaga ni Ruth.
Binigyan ko siya ng ngiti.

Pagkatapos ko sa lahat ay nagpasya na rin akong umalis. Nagpaalam na ako kay Ruth na ngayo'y nakahilata na sa sofa at nakaharap sa tv.

"Friend?" Tinawag ako ni Ruth ng palabas na ako ng pintuan.

Hinarapan ko siya.

Lumakad siya palapit sa akin at lumapat ang mga kamay niya sa akin. Niyakap niya ako.
Natigilan ako at walang nasabi.

"Ingat ka huh? Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo." Mahina niyang sabi.

"Thanks Ruth."

Habang nasa loob ng taxi patungo sa unibersidad ay hindi ko maiwasang mapaisip. Alam kong may pag-aalala si Ruth para sa akin. She has been my only family after all. Subalit ano pa bang magagawa ko? Wala akong ibang choice kung hindi ang itago na lamang ang lahat ng tungkol sa akin.

My life is a nightmare with no way out. Hindi ko itinatago iyon dahil gusto ko kundi dahil iyon ang nakatadhanang mangyari.

Nagbuntong hininga na lamang ako at hindi nagtagal ay nakarating na ako sa unibersidad. Dahil biyernes ngayon ay halfday lamang ang pasok namin at buong hapon ay puro P.E. na ang subject ng mga estudyante.

Mabilis na nagdaan ang oras. Hindi ko pa rin nakikita si Madie simula kaninang umaga dahil kasama niya ang cheering squad sa gym. Si Alec naman ay nakatambay sa library kasama ang mga kagaya niyang campus journalist.

Wala tuloy akong ibang kasama ngayong lunch kundi si Ed. Maayos na rin naman kami pagkatapos ng nangyari noong isang araw. Ang hindi ko lamang maintindihan ay bakit panay na naman ang tingin ng mga estudyante sa amin dito sa cafeteria.

"Angge, bili lang ako ng maiinom." Nagpaalam si Ed. Tumango ako at sinundan na lamang siya ng tingin.

"Ehem."

Narinig ko ang isang boses ng babae na nakapukaw sa aking atensyon. Humarap ako sa kaniya at nagulat ako nang nakaupo na siya sa aking tabi.

Tumingin siya sa aking ID at binasa ang pangalan ko.
"De Vera, Angel, Hi."

"Hi." Naguguluhan man ay sumagot ako ng walang ekspresyon ang mukha. Sino ba siya?

"Tell me, Is he dating you?" Maarte niyang tanong.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon