Chapter 18

2.8K 44 0
                                    

***

Chapter 18 "Payback"

Pagkatapos kong ihatid sa labas ng bar si Mr. Romero ay agad din akong bumalik sa loob.

I still remember how Marco Polo stared at me awhile ago. Nababalisa ako sa aking nararamdaman na tila bigla na lamang sumikip ang dibdib ko ng makita ko siya na kaharap kaming dalawa ng matandang iyon.

It really felt weird that I got so affected when our eyes met. Nagsalubong ang aking mga kilay. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko?

Bumuntong hininga ako at napailing.

"Hoy! Anong iniiling-iling mo dyan?"

Biglang sumulpot sa aking tabi si Ruth.

Napahawak ako sa aking dibdib ng sandaling maramdaman ko itong nagharumentado.

"Ginulat mo ako, Ruth."

"Sarreh.." At nagpeace sign siya. "Wala na si dirty old man?"

"Um, umalis na."

"Mabuti naman." Saka siya bumuga ng malalim na hininga.

Ngumiti ako bilang sagot.

"Oo nga pala, pinapasabi ni mama Liza na may gustong magtable daw sayo. Hanapin mo na lang sa may bar counter. Andun daw siya." Kumunot ang noo ko sa bilis ng pananalita ni Ruth. Tila hindi man lang niya inalintana ang hindi paghinga sa pagitan ng kaniyang mga salita.

"Sino daw?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya.
"Basta puntahan mo na lang daw doon dahil kanina pa yun naghihintay."

"Huh? Kanina pa naghihintay? Bakit hindi na lang ikaw ang nagpatable?"

"Ayoko nga. Hinihintay ko si Ron no, saka ikaw kaya ang gusto niya."

Natigilan ako ng bigla kong napagtanto ang sinambit ni Ruth. Hindi kaya si Marco Polo?

Hindi nagtagal ay agad na akong dumeretso sa may bar counter. Malayo pa lamang ay agad ko ng nasisilayan ang nag-iisang lalake na nandoon. Nakatalikod siya sa aking direksyon ngunit alam ko na siya nga iyon.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay lumunok ako. Umawang ang bibig ko ngunit parang hindi ko alam ang sasabihin. Bahala na nga.

Umupo na lamang ako ng walang imik sa kaniyang tabi at sa sandaling iyon ay agad din akong nilingon ng kaniyang mapupungay na mata.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Pakiramdam ko ay may parte sa akin na naaapektuhan pa rin nang makita niya ako kanina kasama si Mr. Romero. Lahat ng mga bagay na nangyari kanina. Si Madie, si Ed.. Hindi pa rin nagsi-sync in sa isip ko na totoo nga talaga ang mga iyon.

"Hi," Mahina niyang sambit. Kumabog ang dibdib ko. Nasaan na ang matigas niyang boses gaya ng kanina?

Ngumiti na lamang ako ulit bilang sagot.

"Do you drink?" Aniya.

Tinatanong niya kung umiinom ako? Napalingon ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata.

"Oh, Of course you do." Saka siya ngumisi sa akin.

Kinagat ko ang aking labi. Bakit ba ganito siya umasta ngayon? Para bang wala siyang nakita kanina. Napaka misteryoso niya.

At sa isang iglap ay hinawakan niya ako sa aking palapulsuan.
"Tara." Aniya.

Idinala niya ako kung saan habang ako ay tahimik na nakasunod sa kaniyang likuran.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa kaniyang kotse at nang makapasok na rin siya ay agad na kaming tumulak.

Bumalot sa amin ang katahimikan. Hindi ko na tinangkang magtanong pa kung saan kami pupunta at baka hindi naman siya sumagot. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon