Chapter 10

3.8K 41 0
                                    

***

Chapter 10 "Malaking Takot"

Angel's POV

"So kamusta naman ang mga araw mo nitong nakaraan?"

Nagtama ang mga tingin namin ni Mr. Romero ng sandaling magtanong siya.

"Okay naman." Sabay inom sa aking lemonade juice.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya umiwas ako na tingin.

Napatingin ako sa isang table malapit sa amin na kinalalagyan ni Ruth. Nakaupo siya ng mag-isa habang hinihintay ang kano na sinasabi niyang si Ron.

Dahil hindi naman kalayuan ang table niya sa amin ay nakikita ko ang mga mata niya na nakatitig din sa akin kaya nginitian ko siya.

Sumimangot lang ang itsura niya at umasta na parang nasusuka habang tinuturo ang matandang mama na kasama ko.

"Sinong nginingitian mo?" Ani Mr. Romero sa akin saka siya lumingon sa kaniyang likuran at nakita niya si Ruth mula doon sa isang table.

Umiwas agad ng tingin si Ruth ng makita niyang lumingon sa kaniya ang matanda. Napailing-iling ako habang natatawa sa ginawa niya.

"Si Ruth, kaibigan ko." Sagot ko kay Mr. Romero.

Tumayo ako sa aking kinauupuan saka lumakad patungo sa kaniya.

"Ruth."

"Oh bakit nandito ka?" Aniya sabay sulyap kay Mr. Romero na nakatalikod pa rin sa aming kinaroroonan.

"Ipapakilala kita sa kaniya." At hinatak ko ang kamay niya.

"Wait.. Ayoko nga. Nakikita ko pa nga lang siya nasusuka na ako tapos ipapakilala mo pa ako?" Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Ruth naman.. Tara na." Hinatak kong muli ang mga kamay niya hanggang sa makalapit na kami sa table namin.

"Um, si Ruth nga pala, kaibigan ko." Pakilala ko sa kaniya kay Mr. Romero.

Bahagyang ngumisi si Ruth.
"Hi."

"Oh, hello Ruth." Sagot naman ni Mr. Romero.

"Ah, Sige Kristine balik na ako sa table ko." Bumaling siya sa akin at pinisil ang kamay ko.

Tumango ako at hinayaan ko na lamang siyang magpunta ulit sa kaniyang table.

"Tara?" Napatingin ako kay Mr. Romero na nagsalita.

"Saan?" Sagot ko.

"You know what I mean." Ngumisi siya ng bahagya.

At nag-hotel nga kami. Pagkatapos namin ay inihatid niya ako ulit sa bar.

"Good night." Nginitian niya ako.

Nasa loob pa rin kami ng kaniyang kotse habang nasa tapat na ng bar na pinagtatrabahuhan ko.

"Good night." Sagot ko saka niya hinalikan ang aking pisngi. Napalunok ako.

Lumabas na ako ng kaniyang kotse. Nakatingin pa rin siya sa akin at nang sandaling nagtama ang mga tingin namin ay kinawayan niya ako saka na pinaharurot ang kaniyang sinasakyang kotse.

Sinundan ko na lamang iyon ng tingin hanggang sa nawala na siya ng tuluyan.

Kinapa ko ang aking pisngi na kaniyang hinalikan saka ito pinahiran. Nagbuntong hininga ako. Salamat na lamang talaga at magaling akong magpanggap.

Habang nasa tapat ng bar ay nagyosi muna ako.

Natulala ako habang naaalala ang mga nangyari kanina. Damn! Halos tumayo na lahat ng balahibo ko.

"Kristine may naghahanap sayo kanina dito." Bungad sa akin ng isang katrabaho ko na lumabas ng bar.

"Sino?" Kumunot ang noo ko.

"Hindi ko kilala eh. Gusto ka atang ilabas."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Ah, sige. Salamat na lang." Tumango ako sa kaniya saka na siya lumakad palayo.

Kumunot ang noo ko sabay buga sa usok ng aking yosi. Sino kaya iyon?

Pumasok ako sa bar at agad naman nahagip ng aking mga mata si Ruth na ngiting ngiti sa table niya. Lumipat ang tingin ko sa kasama niyang kano. I guess that's Ron.

Lumingon sa aking kinatatayuan si Ruth. At nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo saka tinawag ako para lumapit sa kanila.

"Uh, Ron, she's Kristine. The one I had told you awhile ago." Ani Ruth.

Tumango tango si Ron.
"Hello Kristine. Nice to meet you."

"Hi. Nice to meet you too." Nakipag kamay kami sa isa't isa.

Pagkatapos non ay iniwan ko din sila agad. Umupo na lamang muna ako sa isang bakanteng table upang hintayin si Ruth.

"Kristine!" Nang marinig ko ang pagtawag ni Ruth sa aking pangalan ay agad ko siyang binalingan ng tingin. May isang oras na din ang nakakalipas at ngayon ay siya na lang mag-isa.

"Saan na si Ron?"

"Umalis na.. Tara uwi na tayo."

Habang naglalakad pauwi ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa upang tignan.

"Oh my god. Bukas na pala ang pasok ko." Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang reminder na inilagayan ko sa aking cellphone.

Napatingin si Ruth sa kaniyang relo.
"Sorry friend ah. Napuyat ka tuloy ng dahil sa akin."

"Okay lang. 8am pa naman ang pasok ko."

Nalungkot ang itsura ni Ruth.
"Eh malapit na kayang mag 1am ngayon. Baka mapuyat ka. Hindi na lang pala dapat ako nagpahintay sayo."

"Okay lang nga. Sanay na ako sa pagpupuyat noh." At inakbayan ko siya. Nagtama ang mga tingin namin at ngumiti sa isa't isa.

Naglalakad pa rin kami sa gilid ng kalsada patungo sa aming apartment. Hindi nawawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa malayo. Naiisip ko na bukas na nga.. Bukas na nga ay makakapag balik na ako sa pag-aaral.

"Kristine!!!" Mabilis akong hinatak ni Ruth palayo sa kalsada at sa bumusinang kotse sa aking likuran. Nagulat ako at kumabog ang aking puso. Muntik na akong masagasaan. Shit!

"Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Napatingin ako sa lalakeng sumigaw mula sa loob ng kotse.

Hindi ako nakaimik. Hanggang sa sinundan na lamang namin ng tingin ang kotseng nagsimula ng humarurot palayo sa amin.

Mabilis na kumakabog ang puso ko. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili pero mas lalo kong naramdaman ang panghihina ng aking tuhod.

Hinaplos ako ni Ruth sa likuran.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ruth.

Huminga muna ako ng malalim bago tumango.

Kumapit siya sa akin saka na kami nagsimulang maglakad muli.

Tulala ako at walang imik. Nanlamig na rin ang aking palad. Hindi mawala wala sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Sobrang malaking takot na ang dinulot nito sa akin dahil pangalawang beses na itong nangyari.

Muntikan na rin akong masagasaan noon habang tumatawid ng kalsada. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagharurot ng kotse papunta sa aking tapat. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng akala ko ay tuluyan na akong masasagasaan. At sa isang iglap ay pumreno ito bago pa ako tuluyang mabangga.

Salamat na lamang talaga at naging maayos naman ang lahat pagkatapos non. Naging madali sa akin ang maging okay agad ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang matrauma na sa nangyaring iyon.

"Oh tubig. Inom ka muna." Iniabot sa akin ni Ruth ang isang baso ng tubig. Nakauwi na kami at nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama. Sinusubukan akong pakalmahin ni Ruth.

"Salamat." Ngumiti ako sa kaniya at ininom ang iniabot niyang tubig.

"Magpahinga kana. May pasok ka pa bukas." Aniya.

Sa sandaling iyon ay lumaki ang ngiti ko sa kaniya at nagyakap kami.

"Good night friend." Dugtong niya.

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon