Chapter 12

3.2K 59 2
                                    

Hi guys! Thanks sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta ng book ko. Tapos yung mga silent reader dyan paramdaman naman kayo pag may time. Haha

***

Chapter 12 "Panyo"

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako ngayon sa pinapangarap kong eskwelahan. Noon ay dinadaanan ko lang ito at hanggang tingin lamang ako dito pero ngayon ay nakakapasok at nakakapag-aral na nga talaga ako dito.

Pagbaba ko sa taxi na sinasakyan ko ay agad kong nilingon ang malaking unibersidad sa aking harapan. Nararamdaman ko ang pagkabog ng puso ko sa bawat paghakbang ko palapit sa malawak na gate.

Maraming estudyante sa paligid. It was really breath taking to walk alone in this crowded corridor knowing somebody's staring at me.

Nailang ako sa mga tumititig sa akin. Ano kaya ang nasa isip nila? Parang gusto ko na tuloy na maglaho ngayon dito kagaya ng isang bula.

Nagbuntong hininga ako at kinagat ko ang labi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Kung sanang nandito lang si Ruth. I got used of being with her everywhere. Hindi ko inakalang ang hirap pala ng mag-isa. Lalo na ngayon, Wala akong kilala ni isang tao dito.

Biglang naputol ang pagmumuni muni ko ng may naramdaman akong bumunggo sa akin mula sa likuran.

"Ouch." Napabulong lamang ako dahil nanunuyo ang aking lalamunan.

"Oh my god sorry."

Nilingon ko ang nagsalita sa aking likuran.

"Sorry, sorry. Okay ka lang?"

Bahagya akong natigilan pero gayunpaman ay tumango ako. He smiled a little as he sighed in relief. Malambot at malumanay ang kaniyang boses kaya medyo naguluhan ako. Tinignan ko siya mula sa itaas hanggang sa ibaba.

"Uhm, stop staring me like that. Alam kong maganda ako." Tumawa siya at hinampas ako ng mahina sa braso. Pinilit kong matawa din. Oh my god. Hindi ko akalain na pwede rin palang lumambot ang ganito kagwapong lalake.

"I'm Alec Villamayor by the way." Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Uh, Angel de Vera." At iniabot ko ang kamay ko para makipag kamay.

"Well, nice to meet you Angel." Saka kami nag-ngitian sa isa't isa.

Pakiramdam ko ay unti-unti ng nawawala ang kaba ko dahil may nakilala na ako sa unibersidad. Alec is very good looking. And if he was straight, I am sure there'll be many girls that will run after him. Sayang nga lang at napalihis siya ng landas.

"Alec!" May sumigaw mula sa likuran ko at sa isang iglap ay nasa tapat ko na siya.

"Madie! I miss you!" Nagyakap sila ni Alec at mukhang napaka tagal nilang hindi nagkita.

"I miss you too! Uhm! Ang dami kong ikukwento sayo!"

Naging bato na ako sa kinatatayuan ko bago pa sila pumiglas sa pagkakayakap sa isa't isa. Napalunok ako ng nilingon ako ng babaeng nagngangalang Madie.

"Madie, si Angel nga pala." Tumabi sa akin si Alec at pinakilala ako sa kaniya. Agad naman akong ngumiti.

"Hi, I'm Madie. Nice to meet you." Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng nakipag beso-beso siya sa akin.

"Uhm, Nice to meet you din."

At hindi rin nagtagal ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nalaman nilang bago ako dito kaya inalok nila akong sumama sa kanila. Nalaman ko din na haysul pa lamang ay dito na sila nag-aaral kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na tumanggi.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon