Chapter 30

1.7K 32 4
                                    

**

So here's Angel and Madie. 👭💙

Chapter 30 "Ayson Guillermo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 30 "Ayson Guillermo"

Wala siya dito..

Ugh. Napakamot ako ng ulo nang bigla ko na naman maisip ang sinabi ni Ed. Wala si Marco noong isang araw sa gym at sa mga sumunod pang araw. Ano kayang nangyari sa kaniya? Tsk. Pero bakit ko nga ba siya iniisip?

Bumuntong hininga ako. Ayoko talagang nag-iisa ng ganito dahil nakakapag-isip lamang ako ng kung ano-ano.

Tumunog ang aking cellphone at mabilis ko itong sinagot.

"Papunta na." Sambit ko saka na ako nagmadaling lumabas ng apartment.

Ito ang unang beses na makakasama ko si Madie at Alec sa labas ng unibersidad. Isasama daw nila akong mamimili ng susuotin sa Students' Night at dahil ayaw ko naman na magmukmok lamang dito sa aking apartment ay pumayag ako.

Mahalaga ang Students' Night sabi ni Madie. Kailangan ay maganda at kaakit-akit daw kami sa gabing iyon. Naisip ko na baka tulad ito ng J.S. Prom noong highschool ngunit hindi ko naman naranasan na sumali noon dahil wala naman sapat na pondo ang ampunan upang tustusan kaming lahat na mga nasa ikatlo at ika-apat na baitang.

Pagpasok ko sa coffee shop na aming meeting place ay nandoon na si Madie at Alec at agad na naming inasikaso ang aming lakad.

Dala ni Alec ang kaniyang kotse. Kulay itim itong Toyota Corolla at hindi ko maiwasang mamangha sa kanilang dalawa ni Madie dahil pareho silang may kotse. Sumakay si Madie sa front seat samantalang ako naman ang sa backseat.

"Okay. Let's go, driver." Ngumisi si Madie kay Alec.

"I knew it, Hindi na dapat ako sumama." Ipinaikot niya ang mata niya.

"Just kidding." Hinampas niya si Alec sa balikat. "You know we need your opinion. You're good at fashion."

"Naku. Binola mo pa'ko Madison."

Napailing na lamang ako at natawa sa kanila.

Sa huli ay tumulak na kami sa sinasabing dress shop ni Madie. Tahimik lamang si Alec habang nagmamaneho at ganoon din si Madie. Huminga ako ng malalim at sumandal sa aking upuan.

Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ni Madie. Sinagot niya ito..

"Ako nga. Who's this?"

"Do you mind if I'll ask her first?"

"Okay, no problem. Bye."

Pagkababa ni Madie sa kaniyang cellphone ay mabilis siyang humarap sa akin.

"Ayson Guillermo wants to get your number. Bibigay ko ba?"

Kumunot ang noo ko. "Ayson Guillermo? Sino 'yon?"

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon