Chapter 3

6K 64 2
                                    

***

Chapter 3 "Strawberry Jam"

"Kristine!" Nginitian ako ng matandang mama na aking nilapitan.

Kumuha siya ng pera sa kanyang makapal na wallet na nakalapag sa mesa.
"Heto, doon na muna kayo."
Binigyan niya ng pera ang dalawang katrabaho ko na kasama niya sa table at umalis sila pagkatapos nun.

"Halika nga dito. Namiss kita. Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita pinatatawag." Hinila niya ako saka inupo sa kanyang hita. Inamoy amoy niya pa ang aking leeg.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Malungkot kong sabi.

"Naging busy ako sa trabaho nitong linggo. Namiss mo rin ba ako?"

"Oo naman. Miss na miss!"
At hinalikan niya ako sa leeg. Mula sa likuran ko ay niyakap niya ako habang nakaupo pa rin sa kanyang hita.
Gusto kong maduwal sa ikinikilos ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ako papatol sa matandang ito.

"Labas tayo." Bulong niya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at humarap sa kanya.
"Gustong gusto kong ilabas mo ako pero hindi pwede."

"Bakit? Meron ka? Okay lang yan." Sabay buga sa usok ng yosi mula sa kanyang bibig.
"Mahilig naman ako sa strawberry jam." Dugtong niya habang natatawa.

Sinabayan ko siya sa pagtawa.
"Alam mo naman ang patakaran namin dito di ba? Kapag inilabas ako ngayong gabi, hindi ako pwedeng magpalabas the next day."

Kumunot ang noo niya.
"Hindi ba't nagkausap na tayong ako lang ang maglalabas sayo?"

"Oo pero isang linggo ka ng hindi nagpaparamdam. Alam mo namang nag-iipon ako para makapag-aral ngayong taon."

Bumuntong hininga siya.
"Kristine iyan na naman tayo. Ako nga ang bahala sa pag-aaral mo di ba?"

Lagi niyang sinasabi na siya ang bahala sa pag-aaral ko pero tinatanggihan ko ito. Ganyan talaga, kunyari pakipot. Iyan kasi ang gusto ng mga 4M. Or should I say, Matandang, mayamang, madaling mamatay.
Ang gusto nila sa babae yung pakipot kasi pakiramdam nila ay bumalik sila sa pagkabata at para bang nanliligaw sila ulit. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng mga 4M ang makapangligaw ulit ng babaeng maganda pa sa kanilang asawa.

"Alam mo namang hindi ako papayag dyan di ba?" Malungkot pa rin ang tono ng boses ko.

"Hindi! Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo!" Matigas niyang sinabi sa akin at hinatak niya ako palabas ng bar.

Dinala niya ako sa parking lot. Pumasok siya sa kanyang kotse at naiwan naman ako sa labas. Paglabas niya ay may dala na siyang ballpen at isang makapal na pahabang papel.
Inilapag niya sa kanyang kotse ang papel at sinulatan. Pagkatapos ay binagay niya ito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong isa itong tseke.
"Fifty thousand pesos?!" Napalakas ang boses ko.

Ngumiti siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Utang to ah. Babayaran din kita pangako." Sabi ko.

"Bayaran mo na ako ngayon." Sagot niya at isinandal niya ako sa pintuan ng kanyang kotse at dahan dahan kaming naghalikan.

Sa kalagitnaan ng aming paghahalikan ay narinig kong bumukas ang pinto ng kotse sa harapan ko. Habang naghahalikan pa rin ay tinignan ko ito at muling nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang lalakeng nakatitig na rin pala sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalakeng nakasama ko kagabi sa hotel!

***
Sa wakas at tapos na ang trabaho namin ngayong gabi. Ito ang pinaka masayang parte ng trabaho ko. Ang matapos na ang isang gabing punong puno ng kasalanan.
Nasa tapat ako ng bar habang nagyoyosi at hinihintay si Ruth na lumabas.

"Tara?" Ani Ruth pagdating sa aking harapan.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami pauwi. Malapit lang ang aming apartment sa bar kaya nilalakad na lamang namin.

"Uy friend! Pahiram naman ng stapler!" Ani Ruth.
Tinitigan ko lang siya. Tinignan din niya ako at parang nabasa naman niya sa mukha ko ang pagkalito.

"Kasi naman ang tahimik mo! Na-stapler ba yang bibig mo huh?"

Hindi pa rin ako umimik sa sinabi niya at sa halip ay humugot na lamang ng yosi sa aking bag at sinindihan ko ito.
Mabilis naman akong hinarapan ni Ruth at hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga braso.

"Ikaw na Angel ka sabihin mo nga sa akin kung kaibigan ba talaga kita! Kanina pa kita kinakausap at ni hindi ka man lang sumagot! Kung may bibig lang siguro ang hangin ay kanina pa niya ako kinausap! Parang timang ako dito my god! Kaibigan ba talaga kita?!" Sumisigaw siyang nagsasalita habang niyuyugyog ako.

Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Alam kong galit na siya dahil tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.

"Sorry friend. Ang lalim lang talaga ng iniisip ko. Mag-inuman kaya tayo?"
Alam ko ang kahinaan nitong si Ruth. Kapag nakarinig ng inuman, nagiging siyang Globe. Go lang ng go!

Sandali siyang natigilan bago nagsalita.

"Okay." Mabilis niyang sabi at hinatak niya ako kung saan.

Sa huli ay napunta kami sa paboritong restobar ni Ruth.

"Ano ba naman kasi yang iniisip mo friend? Tungkol ba yan kay DOM?" Nag-aalalang tanong ni Ruth.

"Sinong DOM?"

"Yung kasama mo kanina. Si Dirty Old Man." Aniya at napalakas ang tawanan naming dalawa.

"Ano na? May nangyari bang hindi maganda? Kitang kita ko pa lang kanina ang sweet niyo sa isa't isa." Dugtong niya.

"Ruth alam mo namang napipilitan lang ako dun sa DOM na yun."

"I know. Pinapatawa lang kita. Ano ba naman kasing problema?"

"Binigyan niya ako ng fifty thousand." Mahina kong sabi sa kanya.

"Whaaaaaat???!!!!" Sa sobrang gulat ay napasigaw na naman siya.

Tumingin kaming pareho sa paligid at lahat ng tao sa restobar ay nakatingin sa amin.
"Pssshh wag kang maingay Ruth."

At ikinwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari kanina pati noong nakita ko ulit yung lalakeng nakasama ko sa hotel kagabi.

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon