Chapter 15

2.9K 47 0
                                    

***

Chapter 15 "Cheering Squad"

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga upang makapaghanda sa pagpasok sa eskwelahan.

Nagtaka ako dahil wala pa rin si Ruth sa apartment. Hinintay ko siya kagabi sa bar ngunit huli na ng mabasa ko ang kaniyang text na mauna na daw akong umuwi.

Panay ang pag-iisip ko sa kaniya habang nag-aayos ako. Nasaan kaya siya? Hanggang sa makaalis na ako ng apartment ay hindi pa rin siya dumarating kaya naman tinext ko na lamang siya at tinanong kung nasaan siya.

Pagdating ko ng unibersidad ay nagtungo agad ako sa aking classroom. Pangalawang araw ko pa lang ngayon at pakiramdaman ko ay hindi na ako kinakabahan dahil may mga bagong kaibigan naman na ako.

Kaunti pa lamang kami sa loob ng classroom at kahit na si Madie ay wala pa rin. Naupo ako sa may bandang harapan. Ang magkabilang upuan sa tabi ko ay bakante pa kaya naman tumahimik lang ako habang nakaupo.

Hindi nagtagal ay parami na ng parami ang mga dumarating kong classmate hanggang sa may bigla na lamang lumapit sa akin.

"Hi, can I sit here?"
Tumingala ako sa nagsalita. Sobrang tangkad niya at nakangiti siya sa akin. Malalaglag na sana ang panga ko ng makita ko ang gwapo niyang mukha pero buti na lamang ay napigilan ko ito saka tumango na lamang.

"Thanks." Siya ulit.

Muli akong sumulyap sa kaniya upang ngitian siya. Nagtama ang mga mata namin at bigla naman napawi ang ngiti sa kaniyang labi. Umawang ang bibig niya at nanlaki ang kaniyang mga mata.

"A-angel? Ikaw ba yan?"

Nagkunot na rin ako ng noo at pinilit na kilalanin siya. Ilang segundo bago ko siya tuluyang natukoy.

"Ed?" Tanong ko.

"Oo ako nga." Tumatango pa siya habang nanlalaki na ang ngiti sa kaniyang labi.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit. Nakakunot pa rin ang noo ko. Bakit siya nandito? Bakit nag-aaral ang isang tiga bahay ampunan dito sa mamahaling unibersidad? Bakit parang lumaki ang patpatin niyang katawan? Ang laki ng pinagbago niya.

"Nag-aaral." Mabilis niyang sagot at natatawa pa rin. "Ikaw? Kamusta ka na? Bakit tumakas-" Napatikom siya ng bibig at napatingin sa paligid. Mabuti na lamang at wala naman nakikinig sa amin.

"Sorry." Mahina niyang sabi.

"Okay lang." Sagot ko sabay tingin sa ibaba.

"Kamusta ka na? Si Ruth? Magkasama pa rin ba kayo?" Nanatili ng mahina ang kaniyang boses.

Hindi ko siya matignan ng diretso. Nahihiya ako dahil hindi pa rin pala nila nakakalinutan ang pagtakas namin noon sa ampunan.

"O-okay naman. Magkasama pa rin kami." Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

"Mabuti naman." Narinig kong bumuntong hininga siya. "Nag-alala kaya kaming lahat sa inyo."

Parang may naramdaman akong kirot sa puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot kaya naman ngumiti na lang ako.

Pagpatak ng alas dose ng tanghali ay natapos na ang pasok namin sa umaga. Whole day ang klase namin dito at mayroon lamang kaming isa at kalahating oras para maglunch break kaya naman ay nag-ayos na ako ng gamit ko upang makapag tanghalian na.

"Saan ka maglulunch Angge?" Nagsalita si Ed sa aking katabi at pagtingin ko sa kaniya ay nadatnan ko siyang nakatingin sa akin.

"Angge?" Tanong ko.

Ngumiti siya at tumango. "Nakalimutan mo na ang nickname mo?"

Hindi na ako nakakibo pagkatapos noon. Oo nga pala at Angge ang tawag sa akin sa ampunan.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon