Chapter 34

1.9K 39 8
                                    


***

Chapter 34 "Nakalimutan"

Maingay ang paligid at napaka raming estudyante. Ngayon ang unang araw ng intrams at halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Naeexcite ako dahil makakapag tanghal na ako kasama ang cheerleading squad ngunit sa parehong pagkakataon ay kinakabahan ako dahil ito ang unang beses kong makasali.

Kumabog ang puso ko ng makita ko ang gymnasium na punong-puno ng mga manunuod. Pagkatapos nitong opening speech ng dean ay kami na ang susunod na aangkin sa mga mata ng mga naririto kaya naman kinakabahan na talaga ako.

''Are you nervous?'' Tanong ni Madie.

Tumango ako. I can't hide it. Kabadong kabado ako.

She chuckled. ''Relax. No need to be nervous.''

Nang matapos na ang speech ng dean ay nagpalakpakan ang lahat. Napalunok ako.

''And now, Let's all welcome our University's pride! The San Antonio Cheering Squad!''

Naghiyawan ang mga manunuod nang ipakilala na kami.

We all jog to the center of the gym and positioned ourselves. The next thing I know, nag-eenjoy na ako habang humihiyaw at nagpapalakpakan ang lahat sa amin.

''Congrats guys! Nice one! That was perfect!'' Sinalubong kami sa backstage ng aming choreographer nang matapos na kami.

''Good job, Angel. You did great kahit na baguhan ka palang. Keep it up.'' Tinapik ako ng choreographer sa aking braso.

Everything's so good. Napaka saya ko na nagawa namin iyon ng maayos. Finally, I just fulfilled one of my dreams.

''Congrats sa'tin!'' Yumakap si Madie sa akin.

''Oo nga. Congrats sa'ting lahat.'' Masaya akong yumakap din sa kaniya.

''Let's go. Alec's waiting outside.''

At nang makalabas na kami ng backstage ay sinalubong kami ni Alec.
''I'm so proud of you, girls!''

''Thanks, Lec!''

Hindi ko agad napansin na may kasama pala si Alec. Lumapit si Edward at si Kenjie sa amin. Pareho silang may hawak na bouquet ng bulakbak. Natigilan ako nang iabot ni Ed sa akin ang hawak niya.

''Thanks, Kenj. So sweet of you.'' Sambit ni Madie.

''Congrats.'' Ngiti ni Ed sa akin.

''S-salamat, Ed.''
Inabot ko ang bulaklak saka umiwas ako ng tingin at tumitig na lamang sa bulaklak. Hindi naman niya kailangang gawin ito dahil nagpapanggap lang kami. Ugh. Mas naiilang lamang ako sa kaniya.

''Napaos ako sa kakasigaw kanina sa inyo, girls. Ako naman ipagcheer niyo mamaya, okay?'' Ani Alec.

''Oo naman no. What time is your game?'' Tanong ni Madie.

Tumingin si Alec sa kaniyang wrist watch.
''It will start after an hour.''

''An hour? Eh bakit nandito ka pa? You should be with your team right now at nagpapraktis dapat kayo kahit papaano.''

''Hayaan mo sila. Magaling naman na ako. Ako ang magpapanalo sa'min'' At tumawa pa si Alec.

Muntikan ko nang makalimutan ang presensya ni Ed sa aking tabi. Lumingon ako sa kaniya. His very enticing eyes met mine.

''Ngayon din ba ang laro niyo?'' Sinubukan kong makipag-usap sa kaniya. That isn't a bad question to start a conversation, right?

Tumango siya sa sa akin ng may niti.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon