Chapter 31

1.7K 48 11
                                    

***

Chapter 31 "Sensitive"

Unang araw ng aking training sa cheerleading squad. Pagkatapos ng pasok ko sa umaga ay sabay kaming nagtungo ni Madie sa gym. Si Alec naman ay may mga subject pang dapat pasukan kaya hindi na naman namin siya kasama.

Tahimik lamang akong nakikinig sa mga payo ni Madie. Kumakabog ang puso ko. Sana ay makapag-training ako ng maayos ngayong patuloy pa rin ang pag-ikot sa aking utak ang sinabi ni Ed.

Ganun din ba ang gagawin mo kapag ako ang nagyaya sayo?

Ngumiti lamang siya sa akin noon ng magtama ang aming mga mata. Hindi ko makita kung seryoso ba siya o inaasar lamang niya ako. Sa kabilang banda ay naiisip ko din ang alok ni Ayson. Paano ko siya matatanggihan sa tamang paraan?

"Are you listening?" Umimik si Madie.

Bumalik ako sa tamang katinuan.

"Uh, Uhm, Oo." Tumango ako pero tinawanan lang niya ako. Nanliit ang mga mata niya na para bang nahalata niya ang aking pagkabalisa.

"Really? Parang may iniisip kang iba eh." Panghihinala niya sa akin.

Eto na naman siya..

Lumunok ako. Mabuti siguro kung sasabihin ko kay Madie. Mabibigyan niya ako ng payo.

"Mads.. Kase," Huminga ako ng malalim.

"Si Ayson niyayaya niya ako na maging date niya sa Students' Night."

Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madie.

"What? Anong sabi mo sa kaniya?"

"Sabi ko pag-iisipan ko muna."

"Pag-iisipan? You wanna go with him? How about Ed-"

Pinutol ko siya.

"Hindi.. Ayoko. Ayokong sumama sa kaniya. Hindi ko lang alam kung paano siya tatanggihan."

Huminga ng maluwag si Madie.

"Tell him na ayaw mo. Straight to the point."

"Parang ang sama ko naman non.."

"You're just too sensitive, Angel. Kung gusto mo ako na lang ang magsasabi."

Agad akong umiling-iling.

"Hindi na. Ako na lang, salamat."

"Okay." Nakangiti na siya ngayon.

"I know you will choose Edward over Ayson. Tama ba ako?" Dagdag niya.

Hindi ako sumagot sa kaniyang tanong.

"Don't tell me hindi ka pa niyaya ni Edward?" Nakakunot ang noo niya.

Dahan-dahan akong tumango.

"Oh my god." At iyan na lamang ang nasabi niya.

Nasurpresa ako ng makarating kami sa gym. Tanging mga myembro lamang ng cheerleading squad ang nandito. Walang kahit na isang lalake na nakasuot ng jersey sa paligid at walang kahit na anong ingay ng tumatalbog na bola.

"There's no training for basketball today. Coach Joaquin removed Monday in their sched." Sambit ni Madie.

Bakit ba parang nabasa ni Madie ang isip ko at agad na niyang sinagot ang tanong sa utak ko?

Nang magsimula na kami ay agad naman akong nakasabay sa kanila. Mabuti na lamang ay natanggal sa isipan ko ang mga bumabagabag dito.

"Okay guys, Pack-up na. See you all tomorrow." Nagsipagtayuan na kami sa aming kumpol ng magsalita na ang aming coach. Nagpaalam ang lahat sa isa't-isa.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon