Chapter 27 "The One"
"Good morning friend!" Maganang bumati sa akin si Ruth.
Nagulat ako sa biglaan niyang pag-dalaw sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nabuhayan ako ng dugo dahil binisita niya ako sa bago kong apartment.
"Ruth!"
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya.
"Nag-almusal ka na ba? Tamang-tama kakatapos ko lang magluto."
Isang linggo na rin ang nakakalipas pagkatapos nang insidenteng nangyari sa bar. Matapos ang gabing 'yon ay pumayag ako sa alok ni Mr. Romero na lumipat sa ibang tirahan. Simula noon ay hindi na rin niya ako pinayagang mamasukan sa bar. Hindi ko alam ang aking mararamdaman. Masaya ako dahil hindi ko na kailangang magtrabaho pa sa gabi ngunit nalulungkot din ako dahil alam kong nakatali na ako sa kaniya at wala na akong ibang dapat gawin kung hindi ang makinig sa gusto niya.
Umimik si Ruth at nabasag ang katahimikan habang kami ay kumakain.
"Kamusta ka naman dito?"
Napatingin ako sa kaniya, ang kaniyang mga mata ay panay lamang ang titig sa kaniyang pagkain. Kamusta na nga ba ako? Pagkatapos ng mga nangyari.. Pagkatapos kong lumayo.. Pagkatapos kong talikuran ang lahat..
"O-okay naman.." Pinilit kong sumagot ng maayos.
Tumango-tango naman siya.
"Eh si DOM?"
Napangisi ako ng banggitin niya ang tawag niya kay Mr. Romero. Hanggang ngayon ay iyon pa rin pala ang tawag niya sa kaniya.
"Okay din naman siya."
"Dito ba siya natulog kagabi?"
Tinignan niya ako at umiling ako bilang sagot. Muli siyang tumango-tango at ngumiti. Hindi magugustuhan ni Ruth kung matutulog dito si Mr. Romero, mabuti na lamang ay hindi pa naman iyon nangyayari dahil sa tingin ko ay hindi ko rin iyon gusto.
"Ikaw, kamusta ka naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Eto maganda pa rin naman kahit na naiistres ako sa pangungulit ni Ed."
Umawang ang aking bibig ng marinig ko ang pangalan na iyon. Ang pangalan ng taong minsan kong naging kaibigan. Kinukulit pa rin niya si Ruth. Umaasa pa rin siyang makita ako at hindi ko alam kung para saan pa.
"Nakikiusap siya sa'ken na kausapin ka pero syempre hindi ako pumapayag." Dagdag niya.
"Uhm, Salamat Ruth." Sagot ko.
"Ayaw mo ba talaga siyang kausapin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/59488758-288-k889670.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prostitute
Roman d'amourKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...