Chapter 28

1.7K 41 2
                                    


***

Chapter 28 "Imposible"


"Bye girls, I really had a great time." Lumapad ang ngiti ni Madie sa aming dalawa ni Ruth. Nagkakilala na din sila at agad naman gumaan ang loob nila sa isa't-isa.


"Ingat, Mads."


Tumango siya at nagsimula ng lumakad palayo sa amin.


"Ang ganda pala talaga ni Madie." Sambit ni Ruth, tumingin siya sa akin at tumango ako bilang sagot.


"Wala siyang alam no?" Dagdag niya.


Bumuntong hininga ako at tumango ulit habang may munting ngiti sa labi.


"Sabi na nga ba." At ngumiti din siya.


"Pwede ba akong sumama muna sa apartment natin, Friend?"


Kumunot ang noo niya. "Oo naman pero baka makita ka ni Ed."


"Okay lang, gusto ko din siyang makausap."


Ikinwento ko ang lahat ng napag-usapan namin ni Madie kaninang kami lamang dalawa. Mabuti nga at agad naman dumating si Ruth noon dahilan upang mabago ang usapan namin.


Lutang ang isipan ko pagdating namin sa apartment. Hindi ko alam kung paano haharap at makikipag-usap kay Ed pagkatapos ng lahat. Huminga ako ng malalim. Bahala na nga..


Napasulyap ako kay Ruth ng tumingin siya sa kaniyang orasan.


Nagtama ang aming mga mata.


"Ganitong oras nagpupunta si Ed dito."


Hindi ako umimik at sa halip ay nag-isip na lamang ulit kung paano ko haharapin si Ed.


Maya-maya ay kumabog ang dib-dib ko ng marinig namin ang isang kotse sa tapat ng aming apartment. Siya na siguro iyon.


Tumingin sa akin si Ruth na para bang naghihintay ng aking sasabihin.


"Labas na'ko," Sambit ko saka na ako tumulak palabas ng apartment. Hinayaan ako ni Ruth at hindi na rin niya ako sinundan.


Dahan-dahan kong binuksan ang gate upang hindi ito lumikha ng ingay at tulad ng inaasahan ko ay nasa tapat siya ng gate.

Umawang ang kaniyang bibig ng sandaling makita niya ako.


"A-angge.." halata sa kaniyang boses ang pagkagulat.


Pinilit kong tignan siya ng diretso.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon