Chapter 16

2.6K 42 0
                                    

***

Chapter 16 "Stalker"

"M-mag pinsan kayo???"

"Yah, right cous?" Bumaling ng tingin si Madie kay Ed.

Marahan namang tumango si Ed. Nakakunot pa rin ang noo ko. Paano nangyari iyon?

"How's tita and tito? Hindi ko pa sila nakita since we got home from U.S."

Nagpapalipat lipat pa rin ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Gumugulo ang isip ko sa pag-uusap nila. Paano nangyari ang lahat ng iyon?

"They're fine Mads." Malumanay na sagot ni Ed. Napakabago sa aking pandinig ang pagsasalita niya. Nakakapangilabot dahil hindi ko inaasahan na ang laki pala talaga ng kaniyang pinagbago.

"Oh good. But wait, kayong dalawa, matagal na ba kayong magkakilala?"

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko sa sinabi ni Madie at nagkatinginan kami ni Ed.

Lumunok siya. "Actually-"

Pinigilan ko si Ed sa pagsasalita.
"Actually kanina lang kami nagkakilala." Sambit ko. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-awang ng bibig ni Ed.

"I see." Ani Madie.

"Umh sige, pupunta lang muna ako sa CR." Paalam ko kay Madie saka nagmadaling lumayo sa kanila.

Kinagat ko ang akong labi habang patungo sa Ladies Room. Lahat ng nangyari kanina, lahat ng pag-uusap nila, lahat ng mga narinig ko, isa isang nanumbalik sa aking utak. Napa-iling ako habang seryosong binabagtas ang hallway. Hindi ko na rin namalayan na may nabangga akong estudyante dahil sa pagkakawala ko sa aking sarili.

Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Bakit ba lahat na lang ng makita at makilala ko ay konektado sa isa't isa?

Humarap ako sa salamin. Pinagmasdan ko muna saglit ang aking itsura saka hinilamusan ito gamit ang tubig. Pagdilat ko sa aking mga mata ay nakita ko pa rin ang aking sarili sa salamin. Akala ko ay panaginip lang ang lahat ngunit mukhang nagkakamali ako. Totoo ito. Totoong nandito ako.

Paglabas ko ng CR ay bumungad sa akin si Ed na naka sandal sa pader. Nang magtama ang mga mata namin ay umayos siya ng tayo. Minadali ko ang aking paglalakad at nagkunwaring hindi siya nakita.

"Angge." Nagsalita siya mula sa aking likuran.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglakad habang diretso ang mga tingin.

"Ano yon? Bakit sinabi mong ngayon lang tayo nagkakilala?" Sinusundan niya ako sa paglakad.

Hindi ako umimik.

"Uy, Angge." Hinawakan niya ako sa balikat at dahil doon ay hinarap ko siya.

"Wag mo 'kong hahawak please." Tinanggal ko ang kamay niya sa akin.

Nabigla siya sa inasal ko at natigilan siya. Nagkatinginan kami sandali bago muling lumakad at iniwan siya doon.

Hindi na ako pumasok ng hapon na iyon at nagpasya na lamang na umuwi. Ngayon ko lang naisip na nakakapagod din pala ang sobrang dami ng iniisip. Nagbuntong hininga ako. Wala na akong ibang gustong gawin kung hindi magpahinga na lamang.

Pagdating ko sa apartment ay wala pa rin si Ruth. Wala rin siyang reply sa text ko kanina kaya napaisip tuloy ako. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko at napapikit ako.

Sa huli ay nahiga at nagpahinga na lamang ako sa kama.

Nagkamot ako ng ulo dahil kahit gusto kong matulog ay hindi ako dinadalaw ng antok. Lalo ko lamang naiisip ang nangyari kanina.

Tama lang ang ginawa ko. Ayaw ko siyang lumapit pa sa akin. Paano kung sinabi na nga niya sa ampunan na nakita niya ako sa unibersidad? Paano na kami ni Ruth? Isa pa ang mga hindi ko maintindihang pangyayari kanina. Sila ni Madie, magpinsan? Ibig sabihin ay magpinsan din sila ni Marco Polo? Ewan ko na talaga. Tsk

Sandaling nawala ako sa pagkatulala ng marinig kong bumukas ang gate ng apartment namin. Bumangon ako sa kama upang lumabas.

"Ruth? Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry friend, kasama ko kasi si Ron."

Nakahinga ako ng maluwang. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya. Kitang kita din sa mukha niya na masaya siya.

"Umh, may kasama ka ba sa loob?"

Nagkunot ang noo ko sa tanong niya.
"Huh? Kailan pa ba ako nagdala ng ibang tao dito?"

"Eh.. Bakit may kotse sa tapat ng apartment natin?"

Napatingin ako sa kaniya at parang kusang nagsabay ang mga paa namin sa paglakad papunta sa labas ng bahay.

Pagbukas ng gate ay bumungad sa amin ang isang matangkad at meztisong binata sa harapan namin. Magdo-doorbell na sana siya pero napatingin siya sa amin nang bumukas ang gate. Nalaglag ang panga ko.

"P-paano ka nakapunta dito?"

"Sinundan kita. Naligaw ako pero nang makita ko si Ruth sa daan, siya naman ang sinundan ko." Lumipat ang tingin niya kay Ruth.

"Kilala mo 'ko?" Nanatiling naka-awang ang bibig ni Ruth pagtapos niyang magsalita.

Napayuko lamang si Ed.

"Omg! Is that you Edward asungot?"

Lumapit si Ruth kay Ed at pinagmasdan niya ng maayos ang mukha nito.

Humarap si Ed kay Ruth at nginitian niya ito.

"Teka bakit ka nandito? Don't tell me-" Hindi na natapos ni Ruth ang sasabihin niya nang bigla na lang niyang kinwelyohan si Ed.

"Ini-stalk mo ba kami huh?!" Pasigaw na sabi ni Ruth.

"Hindi ako stalker "

"Ah talaga?" At sinuntok niya sa tiyan si Ed. Napakagat ako ng labi habang si Ed naman ay napayuko at hinawakan ang sinuntok ni Ruth.
"Umalis ka na dito! Kung ano man ang binabalak mo wag mo ng itutuloy!" Hinila niya ako sa kamay at walang kahirap hirap naman akong sumunod sa kaniya.

"Teka.." Hinarangan niya ang aming gate upang hindi ito tuluyang sumara.

"Che! Alis! Stalker!" Pinagtulakan ni Ruth si Ed papalayo sa gate.

"Hindi nga ako stalker sabi eh." Walang binatbat si Ruth sa lakas ni Ed. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ni Ruth at kahit anong gawin ni Ruth ay hindi niya matanggal ang mga ito mula sa kamay ni Ed.

"Bitawan mo 'ko kung hindi sisigaw ako ng rape!"

"Kanina stalker, ngayon naman rape? Magkaklase kami ni Angge. Nagpunta ako dito para makausap siya." Hiningal siya pagkatapos magsalita.

Lumingon sa akin si Ruth habang pinipilit pa rin makawala sa.mga kamay ni Ed.
"Totoo ba yon friend?"

At dahan dahan kong iginalaw ang aking ulo para tumango.

Binitawan na ni Ed ang mga kamay ni Ruth at bumalot sa amin ang katahimikan.

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon