Chapter 14

2.8K 49 0
                                    

***

Chapter 14 "Shakehands"

Nagtama ang mga tingin namin pagkatapos kong sabihing gusto ko dito.

Tumango siya ng marahan at unti-unting umaliwalas ang mukha niya.

Paglabas ng kotse ay sinalubog ko ng ngiti ang tahimik at malawak na park. Wala ng masyadong tao dito dahil gabi na at mas maganda itong tignan dahil payapa ang paligid nito.

Naupo ako sa isang bench at nilanghap ang sariwang hangin ng gabi. Pero teka, naalala ko si Marco Polo. Naiwan ko pala siya sa parking lot. Napakagat ako sa aking labi at lumingon sa likuran upang tignan ang dinaanan ko kanina.ngunit muntik na akong tumalon sa gulat ng makita ko siya na nasa harapan ko na pala.

Kumabog ang dibdib ko ng umupo siya sa kabilang gilid ng bench. Malaki pa ang espasyo sa pagitan namin pero hindi ko maiwasang kabahan sa kadahilanan na makilala niya ako.

"Gusto  mo ba talaga dito?"

Tumango ako.

"Talaga?"

"Oo naman." Sagot ko.

"Why?"

Kumunot ang noo ko. Dinala niya ba ako dito para makipag Q&A?

Pero gayun pa man ay sumagot ako.

"Mahilig talaga ako sa park simula pa noong bata pa ako."

Hinintay ko siyang magsalita pero tumahimik lamang siya habang nakatingin sa malayo.

"Eh ikaw.. Gusto mo rin ba dito?" Binasag ko ang katahimikang bumabalot sa amin.

"What do you think?"

At napaisip ako.. Pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya dahil pabago bago ang ugaling inaasta niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Nakatitig ako sa kaniya at muli na naman akong naghintay ng kaniyang sagot subalit nanatili lamang tikom ang bibig niya.

Nagbuntong hininga ako saka pinagmasdan ang paligid. Gusto ko ang lugar na ito pero maiinip lamang ako kung uupo at tatahimik lang din ako kasama siya.

Tumayo ako sa aking kinauupuan.
"Um, maglalakad-lakad lang muna ako." Paalam ko sa kaniya

Hindi ko na siya binalingan ng tingin pagtalikod ko sa kaniya at hindi ko na rin hinintay pa na sumagot siya. Ewan ko ba kung bakit nagbago na naman ang ugali niya. Napaka moody niyang tao.

"I really like here before."

Muntik na akong tumalon sa gulat ng biglang may sumulpot sa tabi ko habang naglalakad.

Napalunok ako nang si Marco Polo lang pala.
"Before?" Sambit ko.

"Hindi ko na alam kung gusto ko pa rin dito ngayon." Yumuko siya.
"That's why hindi ako nakasagot kanina." At humina ang napapaos niyang boses.

Nanatili na naman siyang tahimik.

"Unless may dahilan ka." Dugtong ko.

Nagsmirk ako sa kaniya nang sandaling magtama ang mga mata namin.

"It's just a girl. Let's don't talk about her." Aniya.

"Sino? Si Samantha?" Nakasmirk pa rin ako sa kaniya.

Unti-unting nagkunot ang noo niya sa akin.
"H-how did you know her?"

"Oh, Hindi mo na pala naaalala."

"Yung ano?"

"Tinawag mo lang naman akong Samantha noong huli tayong nagkita."

Sandaling umawang ang bibig niya at nagkunot siya ng noo.
"Hindi ko na maalala."

"Tulog na tulog ka na non kaya siguro napagkamal mo akong si-" Hindi na niya ako pinatapos magsalita ng bigla din siyang umimik.

"Don't say that name again please."

At napatikom ako ng bibig.

Nagpatuloy kaming maglakad nang wala na naman umiimik sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang ma-curious sa sinabi niya. Bakit kaya?

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na may bato pala sa aking dinadaan. Madadapa na sana ako ngunit mabilis na nahagip ni Marco Polo ang aking beywang saka ako napayakap sa kaniyang leeg. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Nagtama ang mga tingin namin at pareho kaming natigilan.

"Umh, salamat." Mahina kong sambit.

Pagkatapos namin maglakad lakad ay bumalik kami sa bench. Lumalalim na ang gabi at kaunti na lang talaga ang mga tao dito sa park. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko at saka tinignan ang oras. Alas-nuebe na ng gabi.

"You're bored, aren't you?"

Napatingin ako sa kaniya.
"Slight."

"Gusto mo ng umuwi?"

"Kung okay lang sayo. Okay lang ba?" Binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

"Syempre hindi." At nginitian niya rin ako dahilan upang makaramdam ako ng pag-init sa aking mukha. Natatawa ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong panay na nasisilayan siyang ganito. Makalaglag panty nga naman talaga ang kagwapuhan ng lalakeng ito.

"H-huh?" Sumagot ako habang pinagmamasdan pa rin ang kaniyang itsura.

Hindi na naman siya nagsalita at sa halip ay tumayo lamang siya sa bench na inuupuan namin at hinawakan ako sa kamay.

Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kamay pero naguguluhan man ay sumunod na lang ako kung saan man niya ako balak na dalhin.

"Wag ka ng tumanggi." Aniya at pagkatapos ay agad siyang bumaba sa kotse at umikot upang pagbuksan ako.

Kung nasaan kami ngayon, Dito lang naman sa pinuntahan naming restaurant kanina at ewan ko ba sa kaniya kung bakit nagbalik pa kami dito.

Napalunok ako pagbukas ng pinto sa tabi ko. Hinihintay niya akong lumabas kaya naman hindi ko na pinatagal pa at lumabas na nga ako. Hindi na lang ako tatanggi at ituturing ko na lang itong pasasalamat dahil sa pagligtas niya sa akin kanina nang muntik na akong madapa.

Pagpasok sa magarang restaurant ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Mabuti na lamang at napigilan ko ang paglaglag ng aking panga sa sobrang mangha. Ngayon pa lamang kasi ako nakapasok sa isang mamahaling restaurant at hindi ko na naman alam kung paano kikilos ng maayos sa loob ng ganitong klaseng kainan.

Tinulungan ako ni Marco Polo sa pag-upo at pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi.

Mabilis kaming natapos sa pagkain. Ewan ko ba, marami naman kaming napag-usapan habang kumakain pero ang bilis pa rin naming natapos.

Inalok niya akong ihatid ako sa tinitirahan kong apartment ngunit tumanggi ako. Sabi ko sa kaniya ay hinihintay ako ni Ruth sa bar kaya naman doon ako nagpahatid.

"Uhm, salamat huh?" Nakarating na kami sa tapat ng bar at nagpasalamat ako bago bumaba ng kaniyang kotse.

Tumango siya at ngumiti. "Salamat din."

Binuksan ko na ang pinto ng kotse ngunit bago pa ako makalabas ay napahinto ako.

"Wait, Kristine."

Liningon ko siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"S-sa.. show-out." Mukhang napaisip pa muna siya.

"By the way, I'm Marco." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Bahagya akong natawa nang magpakilala siya. Kanina pa kami magkasama pero hindi namin nagawang magpakilala sa isa't isa.

"Kristine. Alam mo na di ba?" At inabot ko ang kaniyang kamay na nakangiti saka kami nag shakehands.

"Sige labas na ako."

Sa huli ay pinaharurot na niya ang kaniyang kotse at sinundan ko na lamang ito ng tingin hanggang maglaho na ito sa aking paningin.

***

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon