Hi guys. May part akong hindi na-ipublish dito sa chapter 19. Sorry. :(
Basahin niyo ulit guys para hindi kayo maguluhan. Thankyou!***
Chapter 19 "Apron"
Idinilat ko ang aking mga mata at bumangon mula sa gilid ng kama. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakabantay kay Marco Polo.
Lumipat ang mga tingin ko sa kama at wala na si Marco Polo kaya nagmadali akong lumakad palabas ng kwarto.
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad siya sa aking harapan.
"Good morning. Gising ka na pala." Nakangiti siyang bumati sa akin. Pero teka, tama naman ang narinig ko di ba? Good morning? Shit! Umaga na. May pasok pa ako.
"Come on, let's have breakfast." Hinawakan niya ako sa kamay.
"Uhm, Salamat na lang pero kailangan ko ng umalis." At tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Muli akong naglakad pero hinarangan niya ako. Tumingala ako upang tignan siya sa mata. Bakit ba kasi ang tangkad niya?
"I really have to go, Marco Polo." Mahina kong sabi.
Umiling siya.
"Have breakfast with me first, please?"Nagtama ang aming mga mata at sa sandaling iyon ay wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganito kagwapong lalake? Sa mga titig pa lamang ng kaniyang mga perpektong mata ay nadadala na ako.
Tahimik akong nakaupo sa dining table habang pinapanuod siyang naghahanda ng almusal.
Napapakagat ako ng labi dahil pinipigilan ko ang aking ngiti. Ngayon ko lamang kasi siya nakitang nakasuot ng apron at talaga namang napaka-kyut niyang tignan.
"What's funny?" Nahuli niya akong nagpipigil ng tawa.
"Do you really wear apron in kitchen?" Natatawa kong sambit.
Napatingin siya sa kaniyang suot at nakita kong namula ang mga pisngi niya.
"Pangit ba?"Umiling ako. "Kyut nga eh."
"Let's eat." Nakangiti siyang lumapit sa dining table at inilapag niya ang sinangag at adobo.
Sa sandaling iyon ay nagsalo na kami sa hapag-kainan. This guy really can cook. Ang sarap ng niluto niya.
"Paano ka natutong magluto, Marco Polo?"
"Just call me Marco. Marco Polo is too formal."
Tumango naman ako. "Okay."
"I learned cooking by myself. It all started when I got my own condo pero wala naman nakaka-alam except you."
"Bakit naman walang nakaka-alam?"
"I didn't told anyone. Cooking isn't that exciting. It's just a normal talent."
"It isn't just a normal talent. For me cooking is an asset. Some guys really look attractive when they can cook." Sagot ko.
"So, you find me attractive?"
Tinignan niya ako sa mata ng naka-smirk.
"O-oo naman." Umiwas ako ng tingin nang maramdaman kong namula ang pisngi ko.
"Really?" Natawa siya ng bahagya. "Nakaka-attract talaga sa mga babae kapag nakasuot ako ng apron at nagluluto?"
Tumango ako ng nakangiti.
Nagbuntong hininga siya.
"I wish Samantha is like you."Kumunot naman ang noo ko sa kaniya.
"Huh? Bakit mo naman nasabi yan?"
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...