Chapter 33

1.5K 39 8
                                    

**

Chapter 33 "Roses"

Papasok pa lamang ako sa malaking gate ng unibersidad ay nasusulyapan ko na ang napaka-among mukha ni Ed sa di kalayuan. Nakatitig siya sa akin ng nakangiti. Napalunok ako.. Tulad noong nakalipas na araw sa JS Prom, hindi ko pa rin pala kayang maging komportable sa tuwing magkakasama kami.

"Ed," Ngumiti ako ng maliit.

Tumingin ako sa paligid at yumuko na lamang ng mapansin ko ang mga matang napapatitig na naman sa amin.

"Nakayuko ka na naman," Umimik si Ed.

"Nahihiya ako, Ed."

"Wala naman dapat ikahiya, Angel. Besides, nagpapanggap lang naman tayo."

Tumikhim ako. Oo, isa lamang itong pagpapanggap at pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang ipagpatuloy.

"Yun na nga Ed. Nagpapanggap lang tayo at parang ayoko na.. Masyado na tayong maraming napapaniwala sa sikreto nating 'to."

"Anong sikreto???"

Sabay kaming napatingin ni Ed sa likuran at bumungad sa aming harapan si Madie.

Natigilan ako.

"You guys love to keep secrets huh? Ano 'yong narinig ko na nagpapanggap lang kayo?"

Muli kaming nagkatitigan ni Ed.

"Hindi, Mads. Mali ang narinig mo." Sambit ni Ed.

"No. I heard it clearly, cous. Anong akala mo sa'ken?" Naka-ekis ang kaniyang mga kamay.

Bumuntong hininga si Ed at tumingin siya sa akin.
"Tutal ayaw mo na rin na magpanggap tayo, sabihin na natin sa kaniya."

Nanlaki ang aking mga mata.

"Ang ano???" Kumunot ang noo ni Madie.

Pinigilan ko si Ed.
"Mads, ganito kasi 'yon. Ayoko na kasing magpanggap pa kami.. Aaminin ko na. Uhm, Kami na ni Ed."

Nalaglag ang panga ni Madie at napatingin si Ed sa akin na hindi lubos makapaniwala.

"Oh. my. god. C-congrats!" Yumakap si Madie sa akin.

"Mads, may pakiusap lang sana ako. Kung pwede ay tayo na lang muna ang makakaalam neto."

"Bakit naman? Why don't we just let the whole world know about your relationship?"

"Uh, Pag-iisipan muna namin ni Ed yan. Diba, Ed?"

Tumango na lamang si Ed.

"Okay, If that's what makes both of you happy."

"Thanks, Madie." Ngumiti ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa aming classroom. Lahat kami ay kapwa tahimik lamang hanggang sa masulyapan namin ang dalawang pamilyar na mukha sa di kalayuan.

Tinignan ko si Madie at nadatnan kong nag-iigting na ang kaniyang panga.

"What do he think he's doing?!" Kumunot ang noo niya habang titig na titig kina Marco at Samantha.

Oo, magkasama silang dalawa at hindi ito kapani-paniwala. Everyone knows that she hurted him before. Marami ang tumititig sa kanila na wari ba'y alam nila ang lahat ng tungkol sa kanila habang silang dalawa ay parang may sariling mundo.

Marco held Samantha's hand and I can totally say that they were really inlove with each other..
Napaka perpekto nilang tignan sa isa't-isa.

Biglang bumalik sa aking isipan ang mga pinagsamahan namin noon. Bumuntong hininga ako. Sa kabilang banda ay wala naman kwenta ang mga nangyari dahil alam kong walang espesyal sa mga iyon.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon