Chapter 11

3.5K 52 0
                                    


**

Chapter 11 "Jerk"

"Good morning! Big day today!"
Klarong klaro sa utak ko ang narinig kong pagsigaw ni Ruth. Minulat ko ang aking mga inaantok na mata.

"Get up Angel." Lumapit siya sa aking higaan at hinila ang kumot na bumabalot sa akin.

"Ugghhh." Napaungol ako saka tumalikod sa kaniya. Inaantok pa ako.

Pero bigla akong napamulat ng mata ng maalala kong ngayon pala ang unang araw ko sa kolehiyo kaya bumaling akong muli kay Ruth na kasalukuyang pa rin nakatayo sa aking tapat. Mabilis akong bumangon at umupo. Nanlalaki na ang mga mata ko.

"Anong oras na Ruth? Naku. Late na ba ako?!" Natataranta kong sabi.

Tinawanan niya ako saka nagbuntong hininga. Lalong lumiit ang mga singkit niyang mata. Hindi maikakaila na may dugong Hapones ang dumadaloy sa kaniya.

"May isa at kalahating oras ka pa para makapag ayos." Aniya saka na lumabas ng kwarto. Nagkunot na lamang ako ng noo. Bakit ang aga niyang nagising?

Nagstretch ako ng katawan habang nakaupo pa rin sa gilid ng kama at tumayo din agad para magpunta sa bathroom.

Tahimik lang akong naligo, hindi kagaya ng tipikal kong ginagawa na parang nagco-concert na ako sa kakabirit. Kasalukuyang iniisip ko ang mga mangyayari mamaya. Dalawang taon na rin akong natigil sa pag-aaral simula ng mag graduate ako ng hayskul at tumakas sa ampunan kaya hindi ko na talaga alam kung ano nga ba ang mararamdaman ko kapag ganitong unang araw ng pasukan.

Pagkatapos kong maligo at pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang aking uniporme na kanina ko pa inilatag sa aking kama.

Nagbuntong hininga ako at nagsimula na namang mag-isip ng kung ano anong bagay. Hindi na ako makapag hintay..

Kaya naman agad na akong nag-ayos. Dahan dahan kong isinuot ang aking uniporme upang hindi ito malukot. Pinatuyo ko sa tapat ng electric fan ang aking kulay brown na mahaba at diretsong buhok.

"Friend? Hindi ka pa ba tapos?" Si Ruth na pasigaw na nagsalita mula sa kung saan.

"Malapit na!" Sumagot ako ng malakas para marinig din niya.

Tapos na akong magpatuyo ng buhok kaya naman ay agad na akong lumabas ng kwarto. Tumingin ako sa sala pero wala siya doon kaya nagtungo ako sa kusina.

Agad kong nalanghap ang masarap na amoy ng sinangag at nakita ko siyang nakatalikod sa akin, nakaharap sa kitchen counter at naghahalo ng kape. Lumipat ang tingin ko sa aming munting mesa at nakita ko ang nakahaing sinangag, pritong itlog at hotdog.

"Oh tapos ka na pala. Sakto.. Tapos na din akong maghanda ng makakain mo." Muling lumipat ang tingin ko kay Ruth na nakangiti at hawak hawak ang dalawang tasa ng kape. Inilapag niya ito sa mesa.

"Kaen na tayo." Dugtong niya.

Lumapit ako sa mesa kung saan siya naupo.
"Ruth naman, gumising ka ng maaga para ipaghanda ako ng makakain?"
Nakangiti kong sabi.

"Oo naman." Aniya habang natatawa sa reaksyon ko.

"Sus hindi mo naman kailangang gawin to."

Nagbuga siya ng malalim ng hininga.
"Hay nako, at bakit hindi?"

"Eh kasi naman.." Nagkamot ako ng ulo.

"Hindi ba pwedeng mag-thankyou ka na lang?" At napatingin ako sa sinabi niya.

Nagtawanan kami.

"Thank you." Niyakap ko siya.

"What are fvcking friends for???!" Aniya sa nakakatawang tono ng pananalita.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon