Chapter 6

5.2K 78 5
                                    

***

Chapter 6 "DOM"

Isang linggo na rin ang nakakalipas at ito ang araw na kukunin ko na ang unipormeng pinagawa ko kaya papunta na kami ngayon ni Ruth sa patahian.

Pagkakuha namin ay agad din kaming umuwi.
Binuksan ni Ruth ang supot na pinaglalagyan ng uniporme ko. Kinuha niya ito saka inihagis sa akin.
"Sukat mo na dali!" Aniya.

Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang unipormeng hinagis sa akin ni Ruth.
"Excited Ruth?" Ngumisi ako.

"Hays! Dali na!" At tinapik niya pa ang kaniyang hita at ginulo niya ang kaniyang buhok. Hindi naman halatang atat siya di ba?

"Okay ito na oh. Ito na." Tumayo na ako sa inuupuan kong sofa hawak ang uniporme.

Humarap ako sa salamin at itinaas ang uniporme sa akin harapan. Pinagmasdan ko muna ito saglit saka nagbuntong hininga. Hinubad ko ang aking pang-itaas at ang shorts kong suot saka sinukat ang uniporme.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Kumabog ang puso ko sa naramdaman kong pagka-excite. Totoo na talaga ito. Makakapag-aral na ulit ako.

"Wow friend bagay na bagay sayo!" Linapitan niya ako habang pumapalakpak na tuwang tuwa saka niya ako pinaikot sa kaniyang harapan.

"Naalala ko tuloy noong nasa bahay ampunan pa tayo. Hayskul pa tayo noon at kapag marumi na lahat ng uniform ko ay gagamitin ko ang sayo." Sambit niya.

Bumaling ako ng tingin sa kaniya. Maaliwalas ang kaniyang mukha habang ngumingiti. Nakakatuwa talaga kapag inaalala ang mga nakaraan.

"Oo nga tapos napapagalitan ka kay sister Norma kasi lagi niyang napapansin yung name cloth ng suot mo ay pangalan ko ang nakalagay." Sagot ko.

At nagtawanan kami ng malakas.

Dalawang taon na rin ang nakalipas noong tumakas kami sa bahay ampunan. Hindi ko maiwasang mapaisip kung kamusta na kaya sina Sister Norma at Sister Jossy. Napabuntong hininga ako.

Hinawakan ako ni Ruth sa aking magkabing braso. Pinagmasdan niya pa muna ako saka hinawakan ang mga kamay ko.

"This is it Angel. Malapit na. Malapit mo ng maabot ang mga pangarap mo." Aniya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.
"Yes. Yes. Ito na nga 'yon Ruth, malapit na."

Nagtama ang mga tingin namin at sa sandaling iyon ay nagyakap kami. Ilan segundo din kaming magkayapan. Hindi ko na napigilang maging emosyonal at tumulo na nga ang luha sa aking mata.

"Ano ba iyan. Ang drama natin." Natatawa ako habang nagsasalita at pinupunasan ang luha sa aking mata.

Pumiglas kami sa pagkakayakap at nakita ko si Ruth na nagpupunas na din ng luha niya.

"I'm so happy for you friend." Aniya na medyo gumagaralgal na ang boses.

This is the first time I saw my best friend cried. Alam kong isa siyang napaka tapang na babae dahil ni minsan ay hindi siya umiyak kahit na ang sama sama ng mundo sa amin. Salamat na lamang sa diyos at nakikita ko ngayon ang aking matalik na kaibigan na lumuluha ng dahil sa kasiyahan.

"Ting.. ting."

Sandaling nasira ang moment naming magkaibigan ng narinig kong tumunog ang aking cellphone.

Kinuha ko ito sa center table. Nakita ko ang message ay galing kay Dom. Napaupo muna ako sa sofa.

Dom

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon