***
Chapter 21 "Muntikan Na"
"Angeeeel! Oh my god! Ang galing galing mo!" Tumatakbo si Madie papalapit sa amin at ang lakas pa boses.
Napayuko si Ed at natanggal naman ang tingin ko sa kaniya sabay ngiti kay Madie.
"Anouncement of the new members will be on Monday. Ugh. Can't wait!" Dagdag niya.
Muli lamang akong ngumiti ng maliit.
Nagkunot siya ng noo at pinagmasdan niya ako ng husto.
"Aren't you excited?" Humina ang kaniyang boses.Hindi ko maikaila sa aking sarili ang pagiging ankomportable ngayong malapit si Ed sa akin. Umawang ang aking bibig at bumalik ako sa tamang katinuan.
"Huh? Uhm, s-syempre excited ako."
"Really? Then why you look bothered?"
Parang nagkusa ang aking mga mata at bigla na lamang akong napatingin kay Ed.
"G-gusto ko lang umiwas kay Ed-Edward. Ayaw kong pag-usap pa kami ng mga estudyante."
"What?" Kumunot ang noo niya. "That's not the right solution, Gel. Don't mind them. They're just kinda waste of time kung magpapa-apekto ka, Di ba cous?"
At tumango si Ed ng may ngiti sa labi.
Hindi na ako nagtagal pa sa campus at nagpasya na akong umuwi. Pakiramdam ko ay sobrang pagod ko nang makauwi na ako sa apartment. Nagawa ko na din makaiglip sa sala nang bigla akong gisingin ni Ruth.
Niyuyugyog niya ako ng walang tigil pero ayaw ng mga mata ko na magmulat. I need more rest. Ugh!
"Angel, hinahanap ka ni Marco Polo." Ani Ruth.
Napabangon ako ng mabilis pa sa alas onse. Parang bigla akong nabuhayan ng diwa. Kumabog din ang dibdib ko.
"A-asan siya?" Nanlalaki na ang mga mata ko sa gulat.
"Nasa labas."
Tumayo ako at nagtungo sa may bintana. Bahagya akong luminga sa labas ng apartment at nakita ko nga siyang nakasandal sa kaniyang kotse.
Gaano na ba ako katagal natutulog at bakit nandito na siya at wala na sa unibersidad?
"Ruth, sabihin mo wala ako."
"Huh? Alam niyang nandito ka, Angel." Lumapit si Ruth.
"Eh, sabihin mo tulog ako.. O kaya nilalagnat. Kahit ano basta hindi niya ako pwedeng makita ngayon."
"Pero, Angel.."
"Ruth, baka makilala niya ako."
Nagbuntong hininga na lamang siya at tuluyan na ngang lumabas ng apartment.
Nakadungaw pa rin ako sa bintana habang nag-uusap sila ni Marco. Napakagat ako ng labi habang tinititigan sila. Hindi niya talaga ako dapat na makita ngayon. I don't even wear any make-up. Baka makilala niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang pumapasok sa apartment. Kinabahan ako at kumabog ang aking dibdib.
"Marco, Hindi pwede. Mataas talaga ang lagnat niya. Wag kang papasok." Naririnig ko na ang taranta sa boses ni Ruth habang pinipigilan si Marco.
Nagmadali akong pumasok ng kwarto at isinara ko ang pintuan.
"I just need to see her. Hindi ako magtatagal."
Narinig ko na din ang boses ni Marco at sa sandaling iyon ay bumukas na din ang front door.
Tumalon ako sa kama saka mabilis na ibinalot sa akin ang kumot.

BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...