Chapter 25

2.5K 45 3
                                    

***

Chapter 25 - "Eat Me"

"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Balisang tanong ni Ruth sa akin.

Panay pa rin ang panunuyo ng lalamunan ko. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig.

Kumunot ang noo ni Ruth at sa huli ay idinala na lamang niya ako sa loob ng aming dressing room.

Pinainom niya ako ng tubig upang ako ay mahimasmasan. Wala rin siyang tigil sa paghaplos sa aking likuran at mabuti naman ay unti-unti ng nawawala ang aking pagkatulala.

Hindi niya ako iniwan at matiyaga siyang naghintay hanggang sa makayanan ko ng magsalita.

"Ruth," Mahina kong banggit sa pangalan niya.

Mabilis siyang tumingin sa akin. "Okay ka na ba, friend?"

Dahan-dahan akong tumango.

Bumuntong hininga siya at bahagyang napangiti. Nang dahil sa nangyari ay nagawa tuloy niyang mag-alala ng sobra sa akin.

"Ano bang nangyari sayo?"

Lumunok ako upang mawala ang pamamaos ng aking lalamunan.
"Si Ed.. Alam na niya. Nakita niya ako habang si Mr. Romero." Malumanay akong nagsalita upang hindi ko siya masyadong magulat at baka siya naman ang matulala.

Nalaglag ang kaniyang panga sabay nanlaki ang kaniyang mga mata.

"A-ano?! Anong.. sabi niya sayo noong nakita ka niya?"

Umiling ako.
"Wala siyang sinabi. Bigla na lamang siyang nawala."

Napakagat siya sa kaniyang labi at nagkamot siya ng ulo.

"Sorry, Ruth. Hindi ko inaasahan na nandoon siya."

"Ayos lang sa akin iyon, Friend. Ikaw ang inaalala ko. Paano na ngayon? Paano ka? Ito na nga ba ang kinatatakutan ko."

Natahimik ang aming paligid ng ilan lamang sandali at dumating si mama Liza upang tawagan si Ruth. Ayaw man niya akong iwan ay wala siyang magagawa dahil mayroong customer na gusto siyang makasama.

Habang nag-iisa sa dressing room ay hindi ko maiwasang maalala si Ed. Dumating na ang araw na pinaka kinatatakutan namin. Alam na niya ang tunay kong pagkatao at batid kong wala na akong magagawa upang itago pa ito.

Sumisikip ang aking dibdib at bumibigat ang aking pakiramdam kapag sumasagi sa isipan ko ang reaksyon ni Ed kanina.

Tila hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Ang pag-igting ng kaniyang panga at ang pagkunot ng kaniyang noo sa akin ay sariwa pa rin sa isipan ko. Ang mga mata niya ay blangkong nakatitig sa akin ngunit para bang punong puno ito ng mga salitang gustong kumawala at ibato sa akin.

Napailing ako. Alam kong mangyayari ito ngunit hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan pa. Hindi ako handa. Hindi ko alam kung paano pa haharap kay Ed gayong sa pakiwari ko ay diring diri na siya ngayon sa akin.

Dumating ang iba kong kasamahan sa trabaho at nadatnan nila akong nakatulala.

"Kristine," Bungad sa akin ni Julia.
"Bakit ka tulala dyan?"

"Oo nga," ani naman ni Maey.

"Uhm, W-wala lang.." Pinilit kong ngumiti sa kanila.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Birthday ko at mag-iinuman kami mamaya pagkatapos ng trabaho." Si Maey ulit.

"H-hindi ata ako makakasama diyan Maey. Happy birthday na lang."

"Naku, Ang Kj naman." Sambit naman ni Julia.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon