Chapter 26

2.3K 48 12
                                    

***

Chapter 26 "Girlfriend"

Sinunod ko ang sinabi ni Marco at pagkatapos ay nanatili lamang ulit ako sa kama.

Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pintuan. Pumintig ang puso ko ng masulyapan ko ang ngiti niya sa akin.

"Marco," Panimula ko sa kaniya ng nilapitan niya ako.

"Mukhang may bisita ka, maghihintay na lang ako dito hanggang makaalis na siya."

Kumunot ang noo niya sa akin.
"You don't have to, Tin. I told you to get dressed para makilala ka niya."

"P-pero.. baka anong isipin niya. Okay lang naman ako dito."

"He already knows you're here. Sinabi ko na rin na girlfriend kita para hindi na siya mag-isip pa ng iba."

"Huh? Ano?"

"Relax, I did that for your own sake. Ikaw na ang nagsabi na baka anong isipin niya, right?"

Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila palabas ng kwarto. I followed as he walked to the living room. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Cous,"

Nakayuko lamang ako ngunit ng umimik si Marco ay napatingin ako sa bisita niyang nakaupo sa sofa. Nadatnan ko siyang nakatingin na rin sa akin at sa isang iglap ay nakaramdam ako ng pagkaba sa aking buong katawan. No fvcking way! Si Ed!

"I would like you to meet Kristine, cous. She's my girlfriend. Tin, he's Edward."

Naghaharumentado na ang aking puso ngayong nasa harapan namin si Ed. Nababalot na ako ng tensyon at pakiramdam ko ay manginginig na ang buong katawan ko ngunit tila mas nakaramdam ako ng pagnginig sa sinabi ni Marco.

Lumipat ang tingin ko kay Marco. Pinisil niya ang aking kamay na kaniyang hawak-hawak.

"Y-your girl? Kristine?"

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Ed. Tinignan niya ako na may pagkabigla sa itsura. Shit! Ano na naman itong pinasok ko? Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Alam kong pwedeng pwede na sabihin ni Ed ang nakita niya kagabi at hindi ko na talaga alam ang gagawin kapag nangyari iyon.

"Yup. Magkakilala kayo?"

Nagpalipat lipat ang tingin ni Marco sa amin. Makapigil-hininga ang sitwasyong ito at para bang gusto ko ng maglaho na lamang na parang bula. Hindi pa rin natatanggal ang mga mata ni Ed sa akin at isang salita lamang niya ay magbabago na ang lahat.

"H-hindi, Ngayon ko lang siya nakita."

Umawang ang aking bibig nang sumagot si Ed. Hindi ako nabibingi. Sinabi nga niya iyon.

"Oh, right." Ngumiti si Marco.

Hindi na ako makatingin ng diretso kay Ed pero gayun pa man ay huminga ako ng malalim sa gitna ng papahupang kaba at tensyon sa aking sarili. Laking gulat ko talaga na hindi siya nagsabi ng totoo.

Nang makaalis na si Ed ay tuluyan na nga akong nahimasmasan. Napaka pormal niya sa aking harapan na para bang hindi niya ako nakikilala at nakikita man lang habang nagkakaroon sila ng munting usapan na sa pagkakaintindi ko ay tungkol iyon sa kanilang mga business.

Napakamot ako ng ulo. Siguradong paniwalang paniwala si Ed kay Marco. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Tsh.

Hinawakan ako ni Marco sa beywang at pinagmasdan niya ang aking itsura.

"Namumutla ka." Mahina niyang sambit.

Napayuko ako ngunit hinawakan niya ang aking baba at muli niyang iniharap ang mukha ko sa kaniya. Inayos niya ang mga takas kong buhok at inilagay sa likod ng aking tenga.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon