Chapter 24

2.3K 39 4
                                    

***

Chapter 24 "Misteryosong Tingin"

Angel's POV

Kanina ko pa napapansin ang mga misteryosong titig sa akin ni Ed habang nagkakape kami kasama si Ruth.

Pagkatapos kong maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa ni Marco ay nag-inom ako. And it was really fun.

Nagkaroon kami ng munting kasiyahan at iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama naming uminom si Ed. Hindi niya kami iniwan habang lasing at hanggang sa pag-gising ko kinaumagahan ay nadatnan ko siyang natutulog sa kabilang sofa sa sala.

Nararamdaman ko pa rin ang pagsakit ng aking ulo. Hindi ko inakalang malalasing ako ng ganoon. Shit.

Nilingon ko si Ed at nahuli ko siyang nakatitig na naman sa akin. Masyado na akong naiilang sa kaniya kaya umimik na ako.
"May gusto ka bang sabihin sa'ken?"

Umawang ang kaniyang bibig.
"Uhm, w-wala.. Actually meron pala, magpapaalam na sana akong umalis."

"Sure, you can go now. The door is open." Sumingit si Ruth at pilyo siyang ngumiti kay Ed.

Walang imik na napatingin si Ed kay Ruth.

"Joke!" Nakangiti pa rin siya at nagpeace sign kay Ed.

"Hatid na kita sa labas." Sambit ko.

Tumango siya at ngumiti ng maliit.

At umalis na nga siya nang sandaling iyon.

Napailing ako ng maalala kong bigla ang napanaginipan ko kagabi. Seriously? Anong ginagawa ni Marco sa panaginip ko?

"Hoy, bakit ba parang tanga ka na naman dyan na umiiling-iling mag-isa?" Sambit ni Ruth.

"Ruth naman eh." Kinamot ko ang aking ulo.
"Naalala ko lang yung panaginip ko."

Tinitigan niya ako na parang hinihintay akong magkwento.

"Nandito siya sa apartment at hinalikan ko siya pero tinanggal niya yon na parang ayaw niya. Madami din akong sinabi sa kaniya pero hindi ko na matandaan."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ruth.

"Bakit pala si Ed na ang kasama mo kahapon pag-uwi ko?"

Nagbuntong hininga ako.
"Dumating kasi siya pagkaalis ni Marco."

"Eh bakit kayo nag-iinuman?"

"Kase tapos na ang problema ko kay Marco. Maayos na ang lahat, Ruth. Makakahinga na 'ko ng malalim." Nginitian ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sa akin na panay pa rin ang pagkunot ng noo.

"Pinag-isipan ko talaga yon ng mabuti noong isang gabi sa bar. Mabuti na rin ang lumayo na ako habang maaga pa."

Sinagot niya ako ng ngiti at lumapat ang mga kamay niya sa akin.

"Susuportahan kita dyan."

Naramdaman ko na naman ang pagkailang sa pagitan naming dalawa ni Ed. Hanggang ngayon ba naman sa unibersidad ay misteryoso pa rin siyang tumitig sa akin?

Lunes pa man din at hindi ko magawang makapag concentrate sa klase dahil sa kaniya.

Kinamot ko ang aking ulo dahil natapos ang una naming subject na wala man lang akong natutunan.

Paglabas sa classroom ni Sir Arceo na prof namin ay may agad din namang pumasok. Nilingon ko ang bumukas na pintuan at kumabog ang dibdib ko ng tumambad sa akin ang perpektong mukha ni Marco.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon