Chapter 35 (The full chapter)

2.3K 26 24
                                        

***

Chapter 35 "Kailangan"


Hinihingal.. Pagod na pagod.. Hinahabol nila akong lahat. Alam kong kilala ko sila ngunit tila hindi ko na matandaan ang bawat pangalan nila. Kumaripas ako ng takbo upang hindi nila ako tuluyan na maabutan. May nakatalikod na lalake. Dalawa sila..

Si Edward at si Marco.

Nakaabang silang dalawa sa akin at nakalahad ang kanilang kamay. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit. Hindi ko alam kung kanino ako sasaklolo. Malapit na nila akong maabutan!

Mabilis akong napabangon. Hinihingal pa rin ako at pawis na pawis. Huminga ako ng malalim at noon ko pa lamang napagtanto na panaginip lamang iyon. Isang napaka samang panaginip. Hinahabol nila akong lahat. Hindi ko natatandaan ang mga pangalan nila ngunit sigurado ako na sila yung mga lalakeng nakakasama ko noong nagtatrabaho pa ako sa bar.

Nagsipag-tayuan ang aking mga balahibo habang naaalala ang mga panahong iyon. Lumunok ako at napailing na lamang. Di wari'y minumulto na ako ng aking nakaraan kaya ganoon ang aking panaginip. Lahat ng mga nangyari noon.. Lahat ng aking nagawa.. Hindi ko lubos maisip na darating ako sa puntong magsisisi ako ng ganito.

Bumaling ako sa aking tabi at dito ay mahimbing na natutulog si Marco. Muli akong napalunok. Ramdam pa rin ng aking katawan ang mga pangyayari kagabi. Damang-dama ko kung paano niya ako haplusin ng dahan-dahan na para bang puno ng lambing at pag-iingat. At kung panaginip man iyon, ayaw ko na sanang magising.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Marco. Hinding hindi ako nagsasawa sa kaniyang itsura. Napangiti ako. Kung sana ay alam niyang ako si Kristine ano kaya ang gagawin niya?

I think I want you..

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinambit na ito ni Marco kagabi..

Nagharumentado ang aking puso. Ngayon ay napapaisip na naman ako sa aking mga ginagawa. Tama pa ba ito? Siya lamang naman si Marco. Ang kapatid ni Madie na aking kaibigan at itinuring ako na parang tunay na kapatid. Sa lahat ng kagandahang loob na ibinibigay ni Madie ay bakit ko nagawa ito? Puro lihim at kasinungalingan ang mga naisusukli ko at gayon din kay Ed. Napalunok ako at pakiramdam ko ay napakasama ko ng tao. Ng dahil sa aking mga pang sariling kagustuhan ay nagagawa ko ang lahat ng ito sa mga taong malalapit at nagpapahalaga sa akin.

Sumikip ang aking dibdib. Muli akong sumulyap kay Marco na mahimbing pa rin ang tulog. Kailangan ko ng umalis. Hindi tama ito. Hinding hindi!

Mabilis akong nagsuot ng damit at dahan dahang naglakad upang hindi makalikha ng ingay at baka magising si Marco. Ng marating ko ang pintuan ng kaniyang kwarto ay bigla lamang itong bumukas at lumantad sa aking harapan si Samantha.

Tila pareho kaming nakakita ng multo. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat. Maraming tanong ang aking nababasa sa kaniyang mga mata ngunit alam kong nakagawa na siya ng konklusyon sa kaniyang isipan. Wala siyang ibang nagawa kundi mapa-takip na lamang ng bibig at lumipat ang kaniyang mga mata kay Marco na biglang napatayo sa higaan ng makita din si Samantha.

"Samantha.." Nalaglag ang kaniyang panga at hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Nanatili ang pagtakip ni Samantha sa kaniyang bibig. Umiling siya ng ilang beses at humakbang paatras habang ako ay tila bato pa rin sa kinatatayuan.

Tumayo si Marco at mabilis na pinulot ang kaniyang puting t-shirt na pakalat kalat sa sahig. Agad niya itong isinuot at lumapit siya sa akin. Napaka bilis ng mga pangyayari at noon ko pa lamang napagtanto na nasa harapan ko na pala siya. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa aking braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon