Chapter 17

2.8K 45 2
                                    

***

Chapter 17 "Stress Reliever"

"Mag-usap tayo Angge, please." Nagmamakaawa na siya sa tono ng kaniyang pananalita.

Napalunok ako at yumuko. Kailangan kong mag-isip.

Lumipas ang ilang segundo at nagsalita na din si Ruth.

"Paano ba yan? Mukhang ayaw makipag-usap sayo ni Angel."

"Angge please?" Nagmakaawa siyang muli at nararamdaman ko ang pagka-sinseridad ng kaniyang boses.

"Tsk! Angge? Wag mo nga siyang tatawagan na ganon. Ew!" Pinaikot ni Ruth ang mga mata niya kay Ed.

"Ano bang problema mo?" Ani Ed.

"Ikaw!" Agad naman siyang sumagot.

"Please wag mo 'kong piliting pumatol sa babae." Mahinahon na sabi ni Ed.

"Tama na." Pumagitna ako sa kanilang pagbabangayan at nagtikom sila ng bibig.

Sa huli ay pumasok na lamang kami sa apartment. Bigla na lamang bumuhos ang ulan kaya naman wala na kaming ibang nagawa.

Pumayag na akong makapag-usap kami ni Ed. Nakapag isip na ako at pakiramdam ko ay wala naman dapat ikatakot dahil mukhang sincere talaga siya at sa tingin ko din ay kailangan ko ng eksplanasyon sa mg nangyari kanina.

Tahimik lamang kaming dalawa ni Ed habang nakaupo ng magkaharap sa sala. It felt so awkward. Hindi ko pa rin siya matignan ng diretso hanggang sa dumating si Ruth mula sa kusina na may dalang tray na may nakapatong na pitser ng juice at tatlong baso.

"Hindi porke pinaghanda kita ng juice kampante na 'ko sayo." Ani Ruth kay Ed. Ipinatong niya ang isang baso ng juice sa center table at inilapit sa kinauupuan ni Ed.

Tinapunan lang ni Ed ng tingin ang baso ng juice na inalok sa kaniya ni Ruth pero gayun pa man ay malumanay ang kaniyang titig na tila ba wala ng balak patulan ang sinasabi ni Ruth.

Naupo si Ruth sa tabi ko at nagsimula ng magsalita si Ed.
"Angge, yung tungkol kanina.. Uhm, pa'no ko ba uumpisahan?"

"Kumuha ka ng papel tapos isulat mo tapos ipadala mo sa MMK." Pabulong na sabi ni Ruth.

Bahagya akong natawa sa sinambit niya ngunit ng makita ko si Ed na seryoso ang mukha ay napawi ito agad.

"Alam kong pinag-iisipan niyo ko ng masama pero wala naman talaga akong binabalak na ganon." Ani Ed.

"Malay ba namin kung nagsasabi ka ng totoo." Sagot ni Ruth.

"Nagsasabi ako ng totoo. Matagal na 'kong wala sa ampunan."

Nanlaki ang mga mata ni Ruth.
"Tumakas ka din?"

Napangisi si Ed nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Ruth.
"Hindi." At lumipat ang tingin niya sa akin.
"Nakaalis ako sa ampunan nang may mayamang mag-asawa ang umampon sa akin at doon kami naging magpinsan ni Madie. Magkapatid ang dad niya at ang bago ko ina."

Hindi ko alam kung paano ako aasta sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay hiyang-hiya ako sa kaniya dahil agad ko siyang pinag-isipan ng masama. Nakakahiya talaga.

Napatingin ako kay Ruth at nadatnan kong naka-awang na ang kaniyang bibig.

"Kailan pa?" Tanong niya kay Ed.

"Uhm, ilang araw pagkatapos niyong t-tumakas."

Naramdaman kong sumikip ang aking dibdib. Tila hindi ko na naman alam kung paano aasta ng marinig ko ang salitang tumakas. Meron pa rin akong hindi maipaliwanag na nararamadaman kapag bumabalik sa isip ko ang ginawa naming iyon. Napalunok ako at napayuko.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon