***
Chapter 4 "Common Sense"Ruth's POV
Naikwento na lahat sa akin ni Angel ang nangyari noong isang gabi. Ewan ko ba sa babaeng yon, ang simpleng bagay ay ginagawa niyang komplikado.
Nagalit ako sa kanya dahil kinakausap ko siya pero hindi siya sumasagot. Mukha kaya akong timang! Nang malaman ko ang dahilan ng pananahimik niya ay napailing na lamang ako. Minsan napapaisip tuloy ako kung tao ba talaga siya. May pagka-out of this world kasi eh.
Binigyan siya ng fifty thousand pesos ni Dirty old man. Well, kahit na mayaman siya ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ang cool niya. Duh! Mukha na kaya silang mag-lolo ni Angel. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera ay hindi siya kakapit sa patalim.
"Anong gagawin ko friend?" Tanong ni Angel habang nasa paborito kong restobar.
"Simple lang friend, halika na sa mall magshopping tayo!"
Pero siyempre biro lang yun. Ipinush ko siya na gamitin na yung pera para makapag aral na siya dahil malapit na ang pasukan. Ang sabi ko sa kanya, isipin na lamang niya na kapag nakapag tapos na siya ng pag-aaral ay makakawala na rin siya sa bangungot na ito. Sinabihan ko na magpursige para sa mga pangarap niya at nakinig naman siya. Masunuring bata eh. Kaya nga noong yayain kong tumakas sa ampunan ay agad siyang pumayag."Eh yung lalakeng nakita ko sa parking lot friend? Anong ibig sabihin nun? Bakit ganoon ang reaksyon niya? At bakit parang iba ang naramdaman ko ng makita ko siya?" Tanong ulit ni Angel.
"Friend, alam mo maganda ka sana eh kaso tanga ka bwiset ka! Malamang may mararamdaman kang ganyan. Hiya yan friend! Pasalamat ka nga may natitira pang kahihiyan diyan sa balat mo eh. At siyempre magrereact talaga yun friend. Ikaw ba naman ang makakita ng isang dyosa na may kahalikang halimaw tignan ko lang kung hindi ka talaga magrereact! Baka nga nandiri pa yon at nagsuka eh. And last, pwede ba wag mo ng isipin yun dahil sigurado akong coincidence lang yon!"
Tumango tango siya at nakinig naman ulit. Palibhasa hindi nabiyayaan ng common sense. Pasalamat na lang siya dahil ako ang kaibigan niya. Noong kasing nagpasabog ang Diyos ng common sense ay ako lahat ang nakasalo.Pero pwera biro, mahal na mahal ko siya kahit na tanga siya, Kahit na out of this world siya, at kahit na wala siyang common sense. Si Angel na siguro ang babaeng pinaglihi sa pusong mamon dahil napakalambot ng puso. Ang dali niyang matinag, matakot, mapagod at sumuko. Siguro nga kung hindi niya ako kasamang tumakas sa ampunan ay namatay na siya sa gutom habang pagala-gala sa kalsada okaya naman ay baka hindi naman siya tumakas sa ampunan.
Ako lang naman ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito eh. Kung hindi ko sana siya pinilit na tumakas ay wala kami ngayon sa bangungot na ito. Bangungot na kahit pilitin naming magising ay hindi na kami magigising pa.
Buti na lamang talaga at hindi ako sinisisi ni Angel sa mga nagyayari sa amin ngayon. Siguro hindi pa ngayon pero kailangan kong maging handa kapag napag-isip isip na niya na ako naman talaga ang puno't dulo ng pagiging isang babaeng bayarin namin ngayon.
Pero sa ngayon ang dapat ko munang gawin ay gabayan siya upang maging matapang na babae. Lalo na ngayong mag-aaral siya dahil sigurado akong maraming kaakibat ang pag-aaral niya sa pagkatao niya. Makayanan na lamang sana niya lahat ng pagsubok.***
Saan kami ngayon? Nandito lang naman sa tapat ng malaking unibersidad na napupusuan ni Angel.
"Friend, eh kung wag na lang kaya." Tumalikod siya para lumabas ulit ng gate.
"Gaga! Ngayon ka pa aatras? Tara na! Go na!" Kumapit ako sa braso niya habang binabagtas ang tahimik na hallway ng malaking unibersidad.
Naging maayos naman ang lahat. Nakapag enroll at nakapag bayad na si Angel para sa kabuoang first sem sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Kailangan na lamang maghintay sa pasukan at makakapag-aral na siya.
Pagkatapos noon ay dumiretso kami sa patahian. Sinukatan siya ng mananahi para sa kanyang uniporme na ipapagawa.
Hindi naman kami nagtagal sa patahian. Pinababalik lang kami ulit sa susunod na linggo kapag tapos na ito. Dumiretso kami sa mall. Kumain muna kami sa paboritong fast food ni Angel, ang Jollibee. Parang bata lang eh noh? Namili agad kami ng gamit ni Angel pagkatapos naming kumain.
Sapatos, bag, notebook, ballpen, etc."Hayyy friend napagod ako ng bongga! Salamat huh?" Binitawan namin agad ang mga pinamili namin at sabay kaming naupo sa sofa pagkauwi ng apartment.
"Wala yon basta ayusin mong mag-aral huh?"
"Oo naman!"
"Buti na lamang at wala tayong trabaho mamaya." Aniya."Tama ka diyan. Makakapag pahinga tayo." Sagot ko.
"At sino namang nagsabing magpapahinga tayo?" Napatingin ako sa kanya.
"Gigimik tayo friend! Libre ko wag kang mag-alala." Nagsalita siya ulit at nagtitigan na naman kami.
One,
Two,
Three,
Tumakbo kami ng mabilis papunta sa bathroom upang maligo. Ganyan kaming dalawa, sabay sa lahat ng bagay.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/59488758-288-k889670.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prostitute
RomanceKapag prostitute, masama na agad? Meet Angel, Nabubuhay sa sariling mga paa. Simula nang tumakas sa bahay ampunan na kanyang tinitirhan ay napilitang magtrabaho sa gabi para lang makatapos ng pag-aaral. Pagtungtong ng kolehiyo ay itinago niya ang ka...