Lloyd's POVHinahatid-sundo ko si Isabelle sa school at araw-araw ay binibigyan ko siya ng bulaklak. She likes red roses kasi, kaya't binibigyan ko siya araw-araw. I want her to feel that I love her. And that's the way how I can show her that. My time, my effort and my sincerity.
Nakita ko si Elle na papalapit sa'kin at kumapit sa braso ko.
"Prince, can you accompany me later to the mall? may bibilhin kasi ako eh. Pretty please..." Sabi niya habang naka-pout. I smiled ang cute niya kasi. But to tell you honestly, hanggang friends lang talaga ang pagmamahal ko sa kanya.
"Sorry Princess, ihahatid ko pa kasi si Isabelle later. Alam mo namang nililigawan ko siya, right?" She pouted her lips even more. Hindi ko na kasi siya nakakasama sa school kasi na kay Isabelle na ang atensiyon ko. Hindi ko gustong isipin niya na higit pa sa kaibigan ang meron kami ni Elle.
I also accepted the fact that fairytales doesn't exist in real life. Kasi kung nag e-exist man 'yon, bakit hindi ko na mahal si Elle na dating pinapangarap kong bumalik? Mahal ko kasi talaga si Isabelle. I can feel it.
"Ano ba 'yan, wala ka ng time sa'kin. Magtatampo na ako niyan eh. Pero sige, kung 'yan ang gusto mo, wala naman akong magagawa." She said. I don't like seeing her lonely. She's my friend after all.
I sighed then said,
"Okay, what time?" Biglang nag-iba ang mood niya at parang na enlighten siya."Really? you'll come with me?" She asked excitedly. I just nodded then napipilitang ngumiti. Feeling ko kasi hindi maganda ang mangyayari. Dapat kasi ihahatid ko si Isabelle mamaya. Hindi pa naman niya nadala 'yong car niya. Shit! padalos-dalos kasi ako ng desisyon.
"Yay! thanks." She said happily. Nagulat ako kasi niyakap niya pa ako, only to see Isabelle looking at us. Agad akong bumitaw sa yakap niya na hindi alam ang gagawin.
Linapitan ko si Isabelle at nagpaalam na hindi ko siya maihahatid sa kanila mamaya kasi sasamahan ko si Elle sa mall.
"Okay. Ingat kayo." Tumalikod na siya at lumapit sa mga kaibigan niya. Napakamot ako sa ulo habang naglalakad papunta sa last subject namin ngayong araw.
"Dude, ba't ang tamlay mo? mukha kang talunan. Ang pangit pre, promise!" Said Eric na mangiti-ngiti. Eh paanong hindi magiging masiyahin 'to? eh bumalik na si Leigh sa kanya. Ang laswa, bitter na kung bitter pero abot tainga talaga kung maka-ngiti. Sarap upakan eh, parang na-iinsulto ako kasi hindi pa ako sinasagot ni Isabelle at posible pang ma-basted ako kasi sa mga ginagawa ko na naman ngayon.
"Dude, walang basagan ng trip, baka mukha mo ang basagin ko." Bulong ko sa kanya. Natawa naman si Harrold na katabi ko rin. Dinig niya kasi ang sinabi ko.
"Bitter." Bulong na sagot naman ni Eric. Naiiling naman si Harrold. Hindi ko na sila pinansin at nakinig nalang sa Professor namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gawain ang makinig sa guro. It just suddenly came na hindi ko na kayang matulog sa klase at magpaka-late masyado. Baka mapahiya kasi ako sa harap ni Isabelle, which is new parin kasi wala naman akong pakialam sa ibang tao.
Nagpapa-good shot lang siguro ako kasi baka kunutan lang ako ng noo ng babaeng mahal ko.
Pagkatapos ng klase ay nilapitan ko muna si Isabelle,
"Babawi ako sa'yo bukas, kailangan ko lang talaga siyang samahan ngayon, okay? I'll call your butler to fetch you." Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan ko 'yong butler niya nong ibinaba niya 'yong cellphone na hawak ko.
"No, I'm fine. You know Daisy, Margoe and I are living in the same roof right? So, makikisakay nalang ako sa kanila." She said and gave me a reassuring smile so I nodded.
"Call me if you need anything okay? I'll be there." I said. She smiled then waved her hand, saying goodbye.
Pinuntahan ko si Elle na kasalukuyang naghihintay sa akin sa tapat ng kotse niya malapit sa parking lot.
She smiled widely when she saw me. She hugged me nang makalapit na ako sa kanya.
Isabelle's POV
"Girl, is that Lloyd and Elle?" Jelly asked while pointing the two hugging each other at the parking lot.
Wala naman yatang masama sa magkaibigang nagyayakapan, so why bother be jealous?
Wait, I felt something's hurting inside me. Am I really jealous? because if yes, hindi dapat ako magselos. Kakabati palang namin at may tiwala ako kay Lloyd. I really trust him sa kahit anong bagay.
"What if sundan natin sila? hindi naman nila tayo makikita kung sundan man natin sila ngayon." They all nodded but I interfered.
"Hayaan niyo na nga sila. Nagba-bonding din naman kahit paminsan-minsan ang magkaibigan and matagal na silang friends. Natural lang sa kanila ang maging sweet sa isa't-isa."
"What? we can do that. I am bored too, I want something thrilly." Sagot naman ni Margoe. Nagsakayan na sila sa kotse then sumunod nalang ako.
"I am not saying a yes yet girls." I said habang sinasamaan sila ng tingin. Natawa naman silang lahat.
"Well, I think you have nothing to do with this Q.A. You followed us." Natawa na rin ako. Sige na nga, basta't siguraduhin lang ng mga 'to na hindi kami mahuhuli nung dalawa.
Baka pag nakita nila ako, sabihin nila na possessive akong nililigawan.
Sinundan namin 'yong kotse na sinasakyan ngayon nila Lloyd. At tumigil nga iyon sa mall. Nagpa-huli lang kami ng mga two minutes bago bumaba sa kotse na sinakyan namin.
Sinundan namin sila at napunta sila sa National Bookstore.
"Siguraduhin niyong hindi tayo mahuhuli ni Lloyd kundi, lagot kayo sakin." Kinakabahan kong sabi sa kanila. Nauna kasing pumasok si Margoe sa Bookstore kaya't napasunod kami sa loob.
"Of course girl, unless sumigaw ka diyan at tawagin ang future boyfriend mo at makuha ang atensiyon niya." Jelly rolled her eyes. Napa 'tss' naman ako at tumingin sa dalawa.
Kung maka-kapit naman 'tong si Elle, parang aagawan ng boyfriend. Eh hindi naman sila. Wait, why am I so affected? at nainis ako bigla kay Elle. May gusto ba siya kay Lloyd?
Siniko ako ni Leigh sa may tagiliran at tinignan siya.
"Kung maka asta 'yang lintang 'yan parang pag-aari niya si Lloyd ah!" Nakita kong napatingin si Lloyd sa may direksiyon namin. Hinila ko sila para magtago.
That was close! muntik na kaming makita.
Lumabas kami ng Bookstore nang mapansin namin na babayaran na nila ang books na pinili ni Elle.
Nag hintay kami sa labas five meters away from the Bookstore. Naglakad sila papunta sa isang mamahaling Restaurant at pumasok kami sa may bandang likod nila na hindi kami mapapansin. Ang hirap pala ng ganito. Parang lalabas 'yong puso ko sa kaba.
"Umuwi na nga tayo, nakakahiya kayo eh." Sabi ko at tinaasan lang nila ako ng kilay.
"Anong kami lang? kasama ka don girl! hahaha" Sabi naman ni Jelly.
"Yeah, we better finish what we had started. And I think, I am enjoying the view. Look!" Nakangusong sabi ni Margoe, pointing Lloyd and Elle.
Nagulat ako at medyo na inis sa nakita ko.
Sinusubuan ni Elle si Lloyd! What the hell?
BINABASA MO ANG
Miss Nerdy Is A Lost Gangster (Completed)
Hành độngDisguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies comes in her way that made her fight back after. She met the top gangster leader in Philippines. Bullie...