Lloyd's POVMedyo malapit na kami sa Zhao hen building at mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang mga putukan. Ang Zhao hen building ay malayo sa City at hindi basta-bastang makikita ng kahit na sino. May isang daan lang papunta doon. At 'yon ay ang secret way nila.
Mas binilisan ko ang pag da-drive ng kotse at medyo nanginginig na rin ang mga kamay ko sa pagmamadali. Si Harrold at Eric naman ay nasa likod ko lang at walang imik. Siguro ganoon din 'yong nararamdaman nila.
I parked my car thirty meters away. May nakita din akong kotse sa may unahan pa. Paniguradong kay Isabelle 'yon. Agad akong bumaba at inihanda ang mga baril ko, ganoon din sina Eric at Harrold.
Pagka akyat ko sa pader ay sumunod na din ang dalawa. Nakipagbarilan na rin kami sa sino mang magtangkang barilin kami. Hanggang sa nakapasok na kami sa building. Nakita ko si Margoe na tumatakbo kaya't sinundan ko siya. Napunta siya sa may fire exit at nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya. Akmang babarilin niya ako nang makilala niya ako kung sino.
Halatang gulat siya sa nakita niya.
"L-Lloyd? what are you doing here? what the hell?!! shit!" Tumakbo siya pa-akyat at sinundan ko lang siya.
"Margoe, wait! where the fck is Isabelle? damn!" Tumakbo na naman siya palayo kaya't sinundan ko pa rin siya. Hanggang sa napunta na kami sa 10th floor. Hawak-hawak ko ang tuhod ko habang habol ko parin ang hininga ko. Nang makita ko si Margoe ay huminto siya nang makita si Daisy na hawak ang natamaang braso niya.
Sabay silang tumingin sa gawi ko nang huminto ako malapit sa kanila. Hindi nagtagal ay lumabas si Isabelle sa isang room habang may sugat sa labi niya.
Dinaanan niya lang kami at nag dire-diretso papuntang elevator. Sinundan ko siya at nagulat siya sa presensiya ko.
"What are you doing here Lloyd?!" Gulat na tanong niya. I looked at her then look away.
"We need to talk." Nakasabay namin sa elevator 'yong dalawa niyang mga kaibigan. Kung titingnan ang mga itsura nila ngayon, mukha silang gangsters. Is Isabelle a gangster too?
Napa-isip ako bigla, kung hindi siya gangster, ay hindi siya basta-bastang makakapasok sa building na'to. Hindi ko akalaing ganito ka lakas si Isabelle. Tatlo lang sila at alam kong basta-basta lang silang pumasok dito.
Si Blue Eagle ang head ng Blue Dragon Gang. At 'yon ang ipinagtataka ko kung asan siya ngayon, kasi hindi niya hahayaang kung sino lang ang makakapasok sa Head quarters nila.
Hindi na rin masyadong marami ang mga tauhan ng Blue Dragon.
"Q.A, we need to hurry up. The mafias are coming to back up as well as their underlings." Pagbibigay balita ni Margoe. Q.A? Anong tawag sa kanya? Q.A? Hindi na ako nakapag isip nang makita ko na ang dalawang ugok na nakita rin kami at lumapit.
"Isabelle? Is that you?!" Sabay tanong ni Eric at Harrold. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at wala sa sariling naglakad lang kasama sila.
"No more questions, we're running out of time. Hurry up!" Said Isabelle na nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Tumakbo na rin kami sa kotse namin at sinundan ang kotse nila.
After one hour of driving, napahinto kami sa isang malaking bahay at pumasok sila sa gate. Sumunod na rin ako, kasi ako ang nagmamaneho ng kotseng gamit namin.
"Isabelle, we need to talk." Sabi ko. Huminto siya at sumunod ako sa kanya hanggang sa napunta kami sa second floor terrace nila.
"What are you doing here Lloyd?" Tanong niya. I know, tinatanong niya kung bakit ako narito sa China at bakit ako napunta sa Headquarter ng Blue Dragon.
BINABASA MO ANG
Miss Nerdy Is A Lost Gangster (Completed)
ActionDisguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies comes in her way that made her fight back after. She met the top gangster leader in Philippines. Bullie...