Isabelle's POV
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ng room ko. Hindi ko parin mapigilang hindi maalala ang naging date namin ni Lloyd. Whenever I remember that night, hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Nang makita ko ang oras sa wall clock ko ay napabangon ako sa kama at tumakbo sa c.r ko. I'm going to be late for school, shit!
After kong magbihis at mag ayos ng sarili ko ay pumunta na ako sa parking lot ng bahay ko at sumakay sa kotse ko.
Pagkarating ko sa school ay nakita kong papalapit si Harrold sa gawi ko. Medyo pawala na rin ang mga studyante kasi nagsisimula na ang klase.
"Isabelle, can we talk?" Sabi niya. Nagtataka akong napatingin sa kanya kasi bakit niya ako gustong kausapin? wala naman ata kaming importanteng dapat pag usapan. Pero dahil kaibigan siya ni Lloyd,
"Okay, what time?" Tanong ko sa kanya.
"After class nalang sa University Garden. Is it okay with you?" He asked then I nodded.
"Okay then, sabay na tayong pumasok sa school." He said, I felt stranged about him. He look so sad habang kinakausap niya ako. But when he started his sense of humor, napatawa na ako kasi, sino ba namang mag aakala na kakausapin ako ng isang Harrold Ethan Lim?
Well, except sa kaibigan niya kasi mahal ako nun. Pero agad din naman akong naging comportable sa kanya. Ang sarap niya kausap.
Napalitan 'yong malungkot niyang mga mata ng masaya. Ang galing nga eh, mas gwapo pa pala siya kapag nakangiti?Nakarating kami sa may pintuan ng room namin. Hinawakan niya ang braso ko bago kami pumasok.
"Are you sure, papasok pa tayo? baka kasi pagawain tayo ng research ni tanda. Mahirap na, baka ako ang matambakan." Natawa nalang ako sa sinabi niya. Pinalo ko siya sa braso at sinamaan ng tingin.
"Ano ka ba? pasok na tayo dali! wala namang ibang magawa e." Itinulak ko siya paloob at sumunod ako na nakangisi. Bigla akong napatahimik nang matahimik din ang klase pati ang nagsasalitang professor namin.
"Ms. Lorenzo and Mr. Lim, you're fifteen minutes late." The professor said, kinalabit naman ako ni Harrold at kinindatan ako.
"I told you..." Sabi ni Harrold.
"Meet me at my office before lunch, I'll give you a project." Wth?! ano daw, project?
"But Sir, hin--" Naputol 'yong sasabihin ko ng agad nagsalita si Prof.
"No buts Ms. Lorenzo, I do not allow late in my class. It's better if not to attend in my class if you already know you're late because there's a consequences. So, take a seat to the both of you, you just had wasted my five minutes of teaching." Napa-upo nalang ako sa seat ko. Nakakainis 'tong matandang panot na'to! Tss. So, kanina pala pinigilan ako ni Harrold but I did not listened to him. Akala ko kasi joke 'yon. Haaist.
Nang maka-upo ako sa seat ko ay nandoon na pala si Lloyd. At tinawanan lang ako? mas domoble pa 'yong inis ko. Badtrip!
Nakita kong umiling lang si Harrold. Si Eric naman ay parang wala lang. Magkakatabi kasi kaming apat sa last seats.
Natapos ang klase ngayong umaga na badtrip parin ako sa prof. namin. I am with Lloyd walking at the hallway papunta sa Cafeteria ng University.
"Bakit na late ka kanina? Ayon tuloy nagkaproject ka. But it's okay, tutulungan ka naman ng kaibigan ko. He is more helpful kesa sa amin ni Eric." Tumango nalang ako. Nagpunta kasi kami ni Harrold kanina sa office ni Prof. Enriquez.
"Here, basahin niyo 'to then make a research about it. You have to make a book of it. No copy-paste. I need an original of it. You can rely on the internet but you have to make it on your own. You'll pass it next month. You can go." Sabi ng prof. namin. Pagkalabas namin ng office room ay agad na nagsalita si Harrold.
"Isabelle, ako nalang ang gagawa nito. I can handle this." Sabi niya, pero tumutol ako kasi kasalanan ko naman lahat but I just insisted na pumasok parin.
"No, we'll do it together. In fact, ako naman ang may kasalanan kung bakit tayo nagkaproject." Tumango nalang siya.
So, ayon. Magtutulungan kami sa project na'yon.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa Garden dito sa school. Naupo ako at naghintay sandali. Naramdaman kong may papalapit sakin at nang makita ko siya ay tumayo ako agad.
"So ano 'yong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya bago magsalita.
"Isabelle, I know it's fast but for me it's not kasi matagal na 'to and ngayon ko lang sasabihin." Sabi niya nang hinay-hinay. Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Okay, so what are you trying to point out?" I asked. Dineretso ko na siya.
"I like you, since the time na bago ka palang dito, naunahan lang ako ni Lloyd. Kaibigan ko siya kaya't nagparaya ako. But, hindi ko na kasi kaya. Nasasaktan lang ako eh, hangga't hindi ko nasasabi sa'yo. I am not asking you to like me back kasi alam kong mahal niyo ng kaibigan ko ang isa't-isa. I just want you to let me like you, no. Let me love you kahit siya ang gusto mo." Hindi ako nakapag salita agad sa sinabi niya. Mahal niya ako?
"Y-you love m-me?" Tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.
"I love you okay? kahit sa malayo lang ako nakatingin sa'yo, I was contented kasi alam kong hindi ako ang makapagpapasaya sa'yo. So let me just love you even without loving me back. Please." He said. Naramdaman ko nalang na nasa lupa na si Harrold habang hawak-hawak ang kanang pisngi niya.
"I trusted you Harrold, pero anong ginawa mo? kaibigan kita for God's sake!" Si Lloyd ang sumuntok sa kanya!
Lloyd's POV
Pagkatapos ng klase ay hinanap ko ka agad si Isabelle but she was not around. Habang palinga-linga ay nakita kong palapit na si Janelle sa'kin.
"Are you looking for your Isabelle? oh! hindi pa pala siya sa'yo kasi pwede pa siyang mawala sa'yo. Lalo na ngayon kasi may kalandian siyang iba. You better find it out by yourself." Sabi niya. What is she trying to say?
"Pumunta ka sa Garden ng University baka maabutan mo pa ang hinahanap mo." I don't know but parang naniwala ako sa sinabi niya. Iniwan ko na siya at tumakbo na papunta sa Garden.
Nakita ko si Isabelle na nakatalikod at nakaharap naman si Harrold sa direksiyon ko. Lumapit pa ako at narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"I love you okay? kahit sa malayo lang ako nakatingin sa'yo, I was contented kasi alam kong hindi ako ang makapagpapasaya sa'yo. So let me just love you even without loving me back. Please." Sabi ni Harrold kay Isabelle. Nag init agad ang paningin ko. Hahawakan na sana niya ang kamay nito nang sinuntok ko na siya sa mukha hanggang sa matumba siya.
"I trusted you Harrold, pero anong ginawa mo? kaibigan kita for God's sake!" Galit na galit na sabi ko. Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. Pinunasan niya ang dugong umagos sa bibig niya.
"Hindi ko siya planong agawin sa'yo dude. I am just telling her what I feel para matutunan ko na siyang i-let go." Sabi niya na seryoso sa mga sinasabi.
"At sa tingin mo mapapaniwala mo ako? Alam mong mahal ko siya pero ano 'to? aagawin mo ang kasiyahan ko ng patago? the fck!" Bulyaw ko sa kanya. Lumapit si Isabelle sakin.
"Lloyd stop it! walang nang aagaw at walang inaagawan. Hindi niyo ako pag-aari, and stop hurting him. Wala siyang kasalanan!" Tumakbo na siya palayo.
Tinawag ko siya pero hindi niya ako sinagot at iniwan niya kami.
Fckng Shit!
BINABASA MO ANG
Miss Nerdy Is A Lost Gangster (Completed)
ActionDisguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies comes in her way that made her fight back after. She met the top gangster leader in Philippines. Bullie...