Isabelle's POVIt's been a week nung mangyari ang weak na pangingidnap sakin ng Hakashiwara Gang. Hinintay ko pa talaga noon na magising si Lloyd kasi paano kami lalaban kung tulog siya? tss!
It's been a week na rin na hindi ko na siya nakikita. I admit, nami-miss ko na siya. Sino ba ang hindi makakamiss sa ganoong tao? he's good and caring.
Ngayon na rin ang final examination namin, hindi ko alam kung paano ako makakasagot nito kasi buong week, hindi ako nag review. Ngayon lang naman ako naging ganito, feeling distracted talaga ako. Kung bakit kasi hindi pa nagpapakita si Lloyd eh!
Ang ipinagtataka ko lang kasi, hindi manlang nababanggit ni kahit isa si Lloyd ng mga kaibigan ko. Ang tanging narinig ko lang sa office ng President ay naunang mag exam si Lloyd last week pa. Siguro after noong kidnapping.
"Whatever you're thinking right now Q.A, it will turn into a wonderful feeling after all." Sabi ni Margoe habang nakatingin sa malayo. Napatingin ako sa kanya. Double meaning 'yon I think? but I can't figure it out yet.
"What do you mean?" I asked innocently. She just smiled at me sweetly.
"Stop thinking things that can affect your grades, girl. It will just drag you down. You have to forget all the things that's bothering you first. It's exams day today! cheer up! We need to pass the subjects. Come on, think positive. Okay?" Si Daisy naman ang sumagot. Habang sina Jelly at Leigh, ay tumatango lang.
"Ang isipin nalang natin, kapag naging success ang exam, then may magandang mangyayari after! oh di ba, ang saya?" Sabay palakpak ni Leigh. Tss.
"Yeey! sige, review na tayo kahit late na. Haha." Natawa ako sa kanila.
"Palibhasa kasi, may inspirasyon eh!" Biro ni Leigh kay Jelly.
"Tss! si Andrew ba? naku! break muna kami ngayong finals. Aral muna. Haha." Sabi niya.
"May nag bre-break bang masaya? mag-aral na nga tayo! ang ingay niyo!" Sabi ko na ikinatawa lang nila. Ang iingay, mag-aaral na nga lang e,
Natapos ang araw ng examination at sa wakas, nakasagot din naman. Pinaghalong stock knowledge at inaral ko kanina. May isang araw pa para matapos na ang exams. Para sa M-W at T-TH-F. At pagkatapos noon, wala na akong po-problemahin maliban kay Lloyd. So, aral muna talaga.
"Malapit na! dalawang araw nalang. yiii!" Sabay-sabay nilang sabi. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? They're all acting weird talaga since noong isang araw pa.
"Anong ibig niyong sabihin? hanggang bukas nalang ang exam right?" Tanong ko. Kahit naguguluhan parin ako, ay ganoon parin ang expressions ko.
"Oo nga! may party-party kasi tayo after the exam! are you excited girl?" Tanong ni Jelly. Nag make-face nalang ako. Hindi sa ayoko sa parties, hindi ko lang talaga feel ang magsaya.
Pagkatapos din ng drag racing namin ni Janelle, hindi ko na siya
nakita dito sa school. Or maybe, pumapasok siya but she never let ourselves meet again. That's good. I mean, mas mabuti nang hindi kami nagkikita. Atleast, naiiwasan namin ang mag away.___
"Waah! girl, ang galing mo! nakuha mo ang top two sa over all grades for the second sem! We're so proud and happy for you!"Sigaw ni Leigh.
Nandito kami ngayon sa napakalawak na bulletin board ng University at naka-all capital letters pa talaga at naka bold ang mga results ng examinations.
Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan ko sa pagka second ko sa lists. I'm proud of my friends too. They never failed to make me happy. They're very supportive that's why I love them all too.
"Thank you girls, kung hindi niyo naman ako inincourage na mag aral para sa exam, hindi ako makakakuha ng ganoong grades ngayon." Sabi ko. Yay! sana magtuloy-tuloy na ang grades ko para sa susunod pang years.
But of course, sana nandito si Lloyd. I know, magiging happy din siya for me like what my friends did.
"Hep! we have to celebrate it now girls. Tara, may pupuntahan tayo! I am so excited na!" Sigaw ni Leigh na ikinabigla ko. Hindi naman siya masyadong excited? As in ngayon na?!
Tumango silang lahat at sinimulan na akong hilahin.
I don't know where are they taking me but I just know na kanina pa kami nagbyabyahe. Si Jelly ang nag mamaneho, at nasa likod lang kami ni Margoe at Daisy. Sa unahan naman ay si Leigh na katabi ni Jelly.
Mahigit isang oras na kami. Medyo masakit na rin ang pang upo ko sa tagal ko nang kakaupo dito.
"'Yong totoo, saan niyo ako dadalhin?" Hindi ko napigilang itanong. Kanina pa kasi sila tahimik. They're acting really strange again!
"A, e..girl, wait lang ha? five minutes nalang, makakarating na tayo doon. Diba girls?" Tanong ni Jelly. Tumango na naman 'yong tatlo sa kanya. Dala na rin ng pagod ay nakatulog na ako.
Pag gising ko, wala ng ibang tao sa loob ng van na ginamit namin kanina. Ako lang talaga. Agad akong nag panic kasi, paano kung nakidnap silang lahat at ako na tulog, naiwan dito?! Shit!
Nagmadali akong lumabas ng van at iginala ang paningin sa labas.
Ang ganda! nasa isang resort ako. Nasa isang mala-palasyo akong resort, ang ganda talaga!
Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit maraming rose petals sa sahig at naka-line pa talaga. Parang may isang direction na kailangang tahakin.
Ang ginawa ko, tinapakan ko ang mga petals habang naglalakad at sinusog ang daan. Ang sarap sa pakiramdam. It's like walking in a red carpet papunta sa taong mahal mo on your own wedding. Nakakatuwa naman 'to! ang sarap pa ng hangin na dumadampi sa balat ko. Fresh na fresh. Ano kaya kung bilhin ko 'tong buong lugar? napaka peaceful kasi dito. Narerelax ako.
Nag-stop na ang mga petals at napa stop na rin ako sa paglalakad. Nakatungo lang ako kasi, nakatingin lang ako sa mga petals habang naglalakad.
Napa angat ang tingin ko at nakita ko ang isang mesa na sa tingin ko 10 meters away from me. May red carpet papunta doon at isang napakalaking red na heart ang dadaanan makapasok lang papunta sa table.
Wala sa sariling nilakad ko 'yon at parang wala sa sarili din akong nakatingin ng deretso sa may table.
Sa gilid ng table ay may nakatayong pang table na hugis bilog at nakalagay ang isang bouquet of roses. Parang pang date 'to eh! Bakit ba ako nandito?
Nakatingin lang ako sa table na may nakalagay na dalawang kopita, dalawang plates na magkabilaan, dalawang spoon and fork pati bread knife. May table napkin din na naka fold as a rose sa ibabaw ng plates. Ang galing!
Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko ngayon. Pero nagtataka parin ako kung nasaan ako at kung ano ang ginagawa ko rito. Pati na rin, kung bakit may ganito rito?
Kailangan kong hanapin ang mga kaibigan ko!
Aalis na sana ako, nang may magsalita sa likod ko.
"Babe..." Sabi niya at nagulat ako sa boses na 'yon kasi, 'yon ang boses na gustong-gusto kong marinig these past few days.
Lumingon ako sa kung saan nagmula ang boses kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko.
God! how I missed this guy!
BINABASA MO ANG
Miss Nerdy Is A Lost Gangster (Completed)
ActionDisguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies comes in her way that made her fight back after. She met the top gangster leader in Philippines. Bullie...