Isabelle's POV
Nabawi na rin namin ang perang ninakaw ni Daryl sa kompanya namin.
We are currently at the airport para maka-uwi na sa pilipinas. Kasama ko sina Margoe and Daisy together with Lloyd and his friends.
Pagkatapos ng mahabang oras ay nakarating narin kami sa airport. Katabi ko sina Margoe at Daisy sa may unahan at sa likod naman namin ay sina Lloyd.
Dala-dala ni Lloyd ang bag ko habang naglalakad sa loob ng airport.
"Babe, ako na ang maghahatid sa'yo pauwi." Sabi ni Lloyd sakin pero kinuha ko ang bag ko at nilagpasan siya. Hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan na niya ang wrist ko kaya't automatic na napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Stop calling me babe, hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo sakin." Sabi ko. Napa-isip siya at nang maalala niya ang ibig kong sabihin ay nagsalita siya.
"Pero babe, alam mo namang hindi ko ginusto 'yon. Nagulat lang ako sa ginawa niya. Give me a last chance please?" Naka-pout niyang sabi. Ang cute niya! pero hindi dapat ako magpa apekto sa karisma niya, galit ako sakanya!
"I said stop calling me babe! hindi pa kita sinasagot!" I exclaimed. She smirked and said,
"It's fine babe. I'm willing to wait kahit matagal bago mo ako sagutin. Maghihintay ako kahit forever pa." He said kaya't napangiti ako.
"Okay, hindi rin kita sasagutin FOREVER!" Sigaw ko at tumalikod. Itinaas ko ang isa kong kamay bilang pagpapaalam.
Naglakad ako papunta sa sundo kong kotse at nasa loob na pala ang dalawa. Pagkapasok ko ay hinahabol na pala ako ni Lloyd.
"Babe! wait, hey! stop the car! babe, let me explain. Shit!" Sigaw niya habang hinahabol ang kotse na sinasakyan ko. Halos mapatingin na rin ang sino mang makakakita sa kanya.
"You got it, girl!" Sabay sabi ng dalawa at nag apir. Tumatawa sila habang tuwang-tuwa sa nakita. Napailing nalang ako. I smiled at the back of my mind.
___
"Duh?! pa special talaga 'yang babaeng yan. Akala mo kung sino! hello? one week nawala tapos susulpot nalang bigla?! ano 'yon? pag-aari niya ang school?!" Sabi ng babae na halata namang nagpaparinig.
"And take note girl, nilandi niya na nga si fafa Lloyd, pati rin pala ang kaibigan ni fafa Lloyd! Ang kafal!" Sagot naman noong kausap niyang makapal ang make up para lang matabunan ang no space niyang pimples.
Ang dami parin palang Anti-Isabelle hanggang ngayon.
Bigla namang dumating si Janelle kasama ang dalawa niyang mga alipores.
"Hi Isabelle! it's nice seeing you again! akala mo ba, ganun mo lang kadali maaagaw si Lloyd sakin?" She said while giving me her death glare. Hindi na ako nakapag timpi at sinagot ko na siya.
"Unang una, hindi ko siya inagaw sayo, kasi hindi naman siya sa'yo. Pangalawa, gusto ka ba niya?" Sabi ko kaya sasampalin niya sana ako, nang hawakan ko ang kamay niya na ipangsasampal sakin at marahas na ibinalik sa kanya ang kamay niya.
"Don't you dare touch my face." Sabi ko at iniwan siyang nakatulala. Humalakhak naman sina Margoe at Daisy habang papasok kami sa classroom.
Sinalubong kami ng yakap nina Leigh at Jelly.
"Isabelle! where have you been? matagal ka nang hinahanap ni Lloyd--" Naputol ang sasabihin ni Leigh nang siniko siya sa tagiliran ni Jelly. Napatawa nalang ako.
"Na miss namin kayo, sobra!" Sabi nila at buong class hours kami walang sawang nag-usap usap.
When the bell rang ay dumeretso kami sa canteen.
"Alam niyo bang hindi siya nagtext kahit isa manlang? girlfriend niya ako pero three days akong walang balita sa kanya. Ang sakit." Reklamo ni Leigh kasi hindi pala nagpaalam si Eric nung pumunta sila sa China.
Bigla namang dumating 'yong tatlo. Speaking of the Hurricanes!
"Babe, for you." Inabot ni Lloyd sakin ang bulaklak. Tig-isang Red, purple and pink na rose at ang cute kasi nakatali siya sa isang red na ribbon.
"Thanks!" I smiled. Tss ang sweet niya. 'Yan din ang nabago niya at hindi na siya masyadong nagsusungit sakin. Pero sakin lang ata kasi mailap parin naman siya sa ibang kababaihan.
Nakita kong napakamot si Eric sa ulo, hindi siguro niya alam kung paano magpapaliwanag sa girlfriend niya.
Nakaupo kami sa pang walohang mesa kaya't nagkasya kaming lahat.
Nahagip ng tingin ko si Janelle a few meters away from us na masamang nakatingin sa akin.
I excused myself from them at dumeretso sa c.r. Sinalubong naman ako ni Janelle.
"Hey,hey,hey! Isabelle." She said habang naka crossed arms. I just stared at her for a moment. Ano na naman ang gustong mangyari nito?
"Hep! I just want to invite you for a game. Let's have a Drag racing. If you lose, you'll stay away from Lloyd at ibu-busted mo siya. And if you won, lalayuan ko siya." She said, tumango nalang ako.
"It's a deal." I said saka iniwan siya. Hindi ko naman talaga gustong ipusta si Lloyd but this is just the way that I think para tantanan na niya ako.
Bumalik na ako sa mga kasama ko sa table.
Hapon na rin at malayo parin ang iniisip ko. Biglang tumabi sakin si Lloyd.
"Are you okay? ganito nalang, I'll take you somewhere para mawala 'yang iniisip mo." Hindi pa ako nakakasagot at hinila na niya ako palayo hanggang sa nakarating kami sa parking lot.
Nauna siyang sumakay at hindi manlang ako pinagbuksan.
'Yan ang hindi niya mababago!
Padabog akong pumasok sa kotse at pinaandar 'yon ni Lloyd.
Nakarating kami sa isang gate na sobrang taas. Halos hindi ko nga makita ang bahay e. Nakita ko nalang ang itsura ng bahay nang makapasok na sa loob ang kotse.
"Wow!" Yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Napaka refreshing ng ambiance dito.
Nakita ko 'yong pool area nila na may dalawang mini cottages sa gilid. At sa kabilang gilid naman ng bahay ay naroon ang garden nila na makikita ang iba't-ibang bulaklak.
Napaka-ali walas ng ganitong bahay. Pumasok kami sa bahay nila at naka display sa gilid ang family picture nila. Napansin ko ring medyo masungit ang Daddy niya. Nasa gitna si Lloyd at ang isang batang babae. Nasa gilid naman ang Mommy at Daddy nila.
Halatang puro mamahalin ang mga kasangkapan dito sa bahay nila. Halos mas maganda nga ata at mas malaki ang bahay nila kumpara sa bahay ko.
Nawala nalang bigla ang mga iniisip ko nang may babaeng sumigaw sa bandang taas ng hagdan.
"Ateee!" Napatingin ako bigla sa taas. Sabay turo sa sarili ko.
"Yiiii. Ate Isabelle!" Lalapit na sana siya nang harangan siya ni Lloyd.
"Hep. Don't you dare touch her Lewis!" Sabi ni Lloyd habang pinagbabantaan ang kapatid niya. Napa pout naman si Lewis daw. Ang cute niya.
"Kuya! masama bang i-welcome si Ate?" Sabi niya pero inilagay niya lang ako sa likod niya.
Hinablot ni Lewis yong kamay ko at hinila ako papunta sa hagdan.
"Faster ate! kuya is a monster! kyaaah!" Hinihila niya ako habang tumatakbo.
"Lewis, stop dragging her! Lewis!!! humanda ka saking bata ka!" Naiwan namin na nagsisigaw si Lloyd sa baba. Natawa ako sa itsura niya. Parang batang na agawan ng candy. Dinala ako ni Lewis sa room niya at niyakap.
"Yiii. Ate! you're so pretty!" Sigaw niya. Napatakip ako sa tenga ko kasi ang tinis ng boses niya. Pero okay lang kasi ang cute niya, kamukha niya si Lloyd but just different from attitude.
BINABASA MO ANG
Miss Nerdy Is A Lost Gangster (Completed)
ActionDisguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies comes in her way that made her fight back after. She met the top gangster leader in Philippines. Bullie...