Chapter 4

153 5 1
                                    

Chapter 4

*Jeravi's POV*

Going home...........

Kakatapos lang ng interview pero hindi ko ramdam ang pagod. Inabot na kami ng gabi.

"Anong pinagusapan niyo madam?"tanong ni Rojeen. Pauwi na kami ni Rojeen. Kakatapos lang kasi ng interview namin kay Jhake.

"Mahal na niya daw ako."sagot ko.

"Weh?"sabi ni Rojeen na may kasama pang hampas.

Hirap talaga kapag kinikilig nanghahampas.

"Wala naman kaming napagusapan ng ayos. Puro tungkol sa mga new shows niya. Iyon lang. Para ngang nabobored siyang kausap ako kasi wala na kami mapagusapan maliban doon."saad ko.

Ang totoo ang pinagusapan naming ay tungkol sa ex niya. Hindi niya sa akin sinabi ang pangalan pero dinescribe niya ito.

*flash back*

“She’s living with her grandparents, She loves to travel everywhere. She loves spending her time with her family in Church and friends. That’s why you can see her everywhere in her place. She’s kind of a girl that is showy but shy.”saad ni Jhake.

Ouch ang sakit sakit!

“Mahal mo?”tanong ko.

“Hanggang ngayon? Oo.”sagot ni Jhake.

Ang sakit! Sobra!

*end of flash back*

"Alam mo madam payo ko lang sayo. Mahirap mahalin ang isang artista. Hindi mo alam kung mamahalin ka niya ng totoo o ipaglalaban ka sa mga taong humahadlang sa pagmamahalan niyo."sabi ni Rojeen. Nalungkot ito sa kanyang mga sinabi.

"May problema ba?"tanong ko.”Ang lalim nun ha.”

"Gusto ko si Trevor. Noon. At matagal ko na siyang kilala bago pa siya sumikat. Hindi naging kami pero naging malapit kami sa isa's isa."kwento ni Rojeen.

"Eh bakit umalis ka bilang president ng fan club niya?"tanong ko. bakit kaya?

"Kasi naisip ko, hindi kami para sa isa't isa.Hindi ko pa siya ganoon kakilala at hindi niya kayang ipagpalit ang trabaho niya bilang artista.Kung magmamahal ka

madam sa isang artista dapat kilalang kilala mo siya,makikilala mo siya kapag lagi kayong magkasama."sabi ni Rojeen.

"Makikilala ko siya kapag lagi kaming magkasama?"tanong ko. Hmm naisip ko kapag magkasama kaya kami ni Jhake, mas makikilala ko siya??

"Oo. makikilala mo kasi ang isang tao kung lagi kayong magkasama lalo na sa araw-araw o sa bahay. Depende."sagot ni Rojeen.

Naimagine ko tuloy,,naging kami ni Jhake tapos naging housemate kami tapos.........waaaaaaaaaaaahh kinikilig na ako!

“Kayo ni trevor,anong pinagusapan ninyo?”tanong ko para maiba naman.

“Wala.Wala naman kaming dapat pagusapan.”sagot ni Rojeen.

“Pero bakit parang meron naman.”sabi ko.

Napabuntong hininga naman si Rojeen.

“Gusto niya daw ako maging kaibigan ulit pero ayoko.”sabi ni Rojeen.

“Bakit ayaw mo? Swerte mo nga eh artista magiging kaibigan mo.”sabi ko naman.

Aba! Ang swerte kaya!

“Mahirap pakisamahan ang isang artista na simula pa ng hindi siya sikat kilala mo na.”sabi ni Rojeen.

“Tama ka.”sabi ko.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon