Chapter 41

87 3 0
                                    

*Jeravi's POV*

"Ui bakit ba ang lungkot - lungkot mo?"tanong ni Kurt sa akin.

Haaaaaaaaaaay sasabihin ko ba? Baka lokohin lang ako nito eh.

"Ano?"tanong ni Dem.

Napatingin ako kay Dem. Katakot baka ma-knock down ako.

"Si Jhake kasi.Kasama niya si Bea."sagot ko.

"What? Ano namang bago doon?"saad ni Dem.

"Ah sabi na nga ba.Gusto mo si Jhake Vargas."sabi naman ni Kurt.

"Masama ba?"tanong ko.

"Hindi naman masama.Mahal mo na ba?"tanong ni Dem.

Tumango lang ako.

"Patay tayo diyan.Mahirap magmahal ng artista."sabi ni Kurt.

"Alam ko."sabi ko. "Alam na alam ko."

Mahirap talaga.

"Ano palang sinabi sayo ni Dustin?"tanong ni Dem.

"Nanliligaw na ba?"tanong naman ni Kurt.

"Anong sagot mo?"tanong ni Dem.

"Siya na lang ang mahalin mo."sabi naman ni Kurt.

"Oo nga.Gwapo na mabait pa.Suplado nga lang."ssabi naman ni Dem.

"Ano?"tanong ni Dem.

"Ang sabi?"tanong ni Kurt.

Daming tanong.Anong uunahin ko?

"Haaaaaaaaa ewan ewan."naiinis kong sabi.

Bakit naman manliligaw sa akin si Dustin?

Ang bilis naman kung manliligaw sa akin iyon.

Tsaka hindi ako kagandahan para magustuhan ng isang gwapong tulad niya.

"Jeravi!"tawag sa akin ni Jhake.

"Ayan na ang love of your life."sarkastikong bulong sa akin ni Kurt.

Tuamyo ako at nilapitan si Jhake.

"Bakit?"tanong ko.

"Uwi na tayo."biglang sabi ni Jhake

Anong nangyari sa kanya?

Kanina lang ang saya ng lalaking ito kasi kasama niya mamimili si Bea ng gamit ng baby nito.

"Pero may klase pa."sabi ko.

"Please.akong bahala sayo."sabi ni Jhake.

Ano bang gagawin ko?

Hay naku. Kinuha ko na ang bag ko.

"Kurt at Dem asabi naman sa teacher natin na absent ako ngayon.May emergency lang."paalam ko kina Kurt.

"Okay."sagot ni Dem.

Lumabas na ako ng room at sumama kay Jhake.

Ano kayang problema ni Jhake?

*Everlove's POV*

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Olly.

Nasaan na ba iyon?

"Anong iniisip mo diyan Bulldog?"tanong ni Jihnel.

"Siguro buto noh?"saad ni CJ.

"Anong buto?"tanong ko.

"ah hotdog pala."bawi ni CJ.

Hotdog??

"Nakita mo na si Olly?"tanong ko.

"Sabi na hotdog nga!"saad ni CJ.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon