Chapter 1

552 14 6
                                    

*Jeravi's POV*

I'm Jeravi,isang fan girl ni Jhake Vargas. Kompleto ako sa mga gamit basta may litrato ni Jhake Vargas. Simulan natin sa suot ko. Ang I.D. lace ko tatak Jhake Vargas, ang head band ko puro pangalan niya ang nakasulat,ang sando ko sa loob may picture ni Jhake na katabi ako na pinagawa ko pa sa may SM,ang medyas ko na may cartoon figure ni Jhake Vargas,ang gamit kong pabango ay ang same brand na gamit ni Jhake. Sa bahay naman, lalo na sa kwarto ko punong-puno ng litrato ni Jhake nam ayroon sa dingding,sa album,sa bawat sulok ng kwarto ko.Ang kulang na lang sa buhay ko ngayon ay ang totoong si Jhake Vargas.

"CONCERT?! NEXT MONTH?!"sabi ni Andrea,ang kaibigan ko na mahilig sa KPOP o korean Pop. Halata naman lalo na kung makikita ang facebook account niya,mapa-cover photo o Profile Picture niya puro korean artist.

Nasa North lounge kaming magkakabarkada. Tambay lang habang naghihintay ng susunod na klase.

"Oh my gosh! Darating daw sa isang buwan si Jhake Vargas!"balita ni Andrea.

"Talaga? Kailan?" tanong ko naman. Syempre na excite ako.

"Sa isang buwan nga!"sagot ni Andrea.

"Kailan nga sa isang buwan?"naiirita kong tanong. Ang gulo kausap.

"Sa June 27 na."sagot ni Michelle,ang kaibigan ko naman na parang isa lang ang gusto kundi ang Choco niya. "Chocolate"

"Pupunta ka madam?"tanong ni Rojeen,ang kaibigan ko naman na una kong nakilala at nakasama sa school ngayong college. Mahilig din siya sa KPOP at magaling magdrawing kahit anime lang.

"Oo naman madam.Hindi ako puwedeng mawala doon."sagot ko. Aba!

"May bago nga palang club dito sa school. Sali kayo ha!"sabi ni Rojeen.

"Anong club?"tanong ko kahit hindi ako interesado.

Nginitian ako ni Rojeen."Fans club ni Jhake."

"Paano sumali?"tanong ko. Gusto ko sumali!! Ayan.I'm interested na!

"Magkakaroon ng maikling quiz tungkol kay Jhake Vargas next week.Basta maka 80% ka na tama pasok ka na sa club.Jhakesers ang pangalan ng club.Huwag magalala kasi ang fans club naman ay optional lang sa school at wala silang pakialam sa activities ng fans club."sagot ni Rojeen.

"Naku si Jeravi pa, siguradong perfect niya ang quiz!"saad ni Andrea.

"Dapat seryosohin mo ang quiz kasi ang club na iyon ay libre sa concert ni Jhake.Huwag kang mag-alala madali lang naman yung mga tanong."sabi ni Rojeen.

"Ang dami mong alam ah."sabi ni Michelle.

"Oo naman. Ako kaya ang president."sagot ni Rojeen.

"Weh?"sabay na sabi nina Michelle at Andrea.

"Oo nga. Di ba Everlove?"tanong ni Rojeen.

"Ewan ko."sagot naman ni Everlove,ang ka-major ko at kaibigan na ubod ng hyper.

"Saan gaganapin?"tanong ko. Grabe naeexcite ako at hindi ko mapigilan.

"Sa may MB ground floor."sagot ni Rojeen. Itinago na ni Rojeen ang kanyang laptop at hinarap ako.

"Tip ko lang sayo Jeravi, Kapag na perfect mo ang quiz may get to know ka kay Jhake.Don't worry totoo lahat ng sinasabi ko madam.May kakilala kasi kami na malapit sa manager ni Jhake."sabi ni Rojeen.

Lalo akong na-excite ah.

"Wala namang pupunta sa concert ni Jhake dito sa school. Besides hindi naman iyon concert. Show lang. Not that important. Di ba girls?"maarteng sabi ni Valerie,ang  cheerleader ng school.Kontrabida talaga.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon