Chapter 18

107 3 0
  • Dedicated kay Michelle Fruelda
                                    

*Jeravi’s POV*

“Askal dahan-dahan sa pagtitig. Baka matunaw iyan,”panunudyo ni Jihnel sa akin.

Ngayon ang unang araw ni Jhake sa school at may barkada agad siya. Sino pa ba eh di si Trevor at Prince.

Sandali kailan pa naging close ang mga artista kay Prince?

“Anong pinagsasabi mo?”tanong k okay Jihnel.

“Huwag mo itanggi! Gusto mo bang sa susunod na mabuking ka naming ay tumutulo na ang mga laway mo?”sabad ni Rojeen. Aba! Bumabanat na din.

“Bakit ba kayo ang naging kaibigan ko? Tuwid naman ang takbo ng isip ko. Bakit ang sa inyo,parang zigzag?”umiiling na komento ko.

Tinawanan lang nila ang sinabi ko.

“Kailan pa sila naging close tatlo?”tanong ko.

“Si Trevor close na talaga sila ni Jhake dati pa. Si Prince, kanina ko lang siya pinakilala sa dalawa.”sagot ni Rojeen.

“Bilang boyfriend mo?”tanong ni Jihnel.

“Hindi ah!”saad ni Rojeen.

“Tanggi ka pa!”sabi ni Jihnel.

“Oo na nga.”sabi ni Rojeen. Sumuko din. Haahahahahaha.

“Eh kayo na?”tanong ko.

“ah..eh…Oo pero ..”sabi ni Rojeen.

“Blackmail..iyon ang dahilan.”saad ni Michelle.

“Tama.ikakalat daw niya picture naming nung niligtas niya ko sa pool noong nalulunod ako. Nung Nag-CPR siya sa akin.”sabi ni Rojeen.

“Ang sama naman.”sabi ko.

“Okay lang.Gwapo naman ng boyfriend ko.”nakangiting sabi ni Rojeen. Hay naku talandi din pala.

“mana sayo madam.”sabi ni Andrea. Fortune teller k aba Andrea? Naririnig niya ang nasa isip ko. Ay nababasa pala.

“Hindi ako fortune teller noh!”angal ni Andrea.

“Wala akong sinabi ah!”sabi ko. Tinignan ko ulit si Jhake.

Galit pa kaya siya sa akin?

:3

*Michelle’s POV*

“Blackmail..iyon ang dahilan.”sabad ko sa usapan nina Jeravi. Jihnel at Rojeen.

“Si choco!”bulong sa akin ni Andrea.

Pag tingin ko sa may gilid ng North Lounge ay nakita ko nga si choco. Maybe you are all wondering kung sino si choco. Siya yung laging nililink sa akin. Minsan nga choco na din ang tawag nila sa akin. Pero he’s not my type.

May kasama itong babae.

Nothing. Wala akong naramdaman. Asa naman na magselos ako.

I like someone else.

*Jeravi’s POv*

“Si Everlove?”tanong ko.

“Ewan. Ilang araw ko na siyang hindi nakakasama.Sa klase lang.”sagot ni Rojeen.

“Oo nga.Ano bang problema nun?”tanong ni Jihnel.

Yung love life ko hindi pa umaasenso.

Baka pati love life ni Everlove kaya ganoon siya ngayon. Parang laging wala sa mood.

Biglang dumating si Olly.

"Nakita niyo ba si Everlove?"tanong ni Olly.

"Hindi. Anong ginawa mo sa kanya ha?"pagalit na tanong ni Rojeen.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon