Chapter 81

75 4 0
  • Dedicated kay Jeravi Montales
                                    

*Jhake’s POV*

Jeravi hintayin mo lang ako. 

Darating ako. 

Maghintay ka lang.

“Saan ang alam mong lugar na pwede nilang pagdalhan kay Jeravi?”tanong ko kay Daniel na kasalukuyan kong kasama sa sasakyan.

Hinahanap namin si Jeravi.

“Maraming lugar. Marami silang pagmamay-aring lote o bahay. Kung iisa-isahin natin iyon baka hindi na natin maabutang buhay si Jeravi. Kilala mo si Brent. Kaya  

niyang pumatay kahit walang kalaban laban.”sagot ni Daniel.

“Kahit saan pa iyan, hahanapin ko siya.”saad ko.

“Tutulungan kita.”sabi ni Dan.

“Nasaan ang anak mo?”tanong ko.

“Iniwan ko muna siya sa mga magulang ko. Ayokong madamay siya sa gulong ito.”sagot ni Dan.

“Wala pa din akong tiwala sayo.Pero salamat dahil tutulungan mo ako.Ayokong mawala sa akin si Jeravi. Hindi ko kakayanin. Hindi ko pa nasasabing mahal ko  

siya.”sabi ko.

*ring**ring**ring**ring*

“Hello.”sagot ko.

“Jhake may tumawag dito.”sabi ni Prince.

“Sino daw?”tanong ko.

“Brent. Hawak daw niya si Jeravi.”sagot ni Prince.

“Ano pang sabi niya?”tanong ko.

“Hindi mo na daw maaabutang buhay si Jeravi pag sapit ng umaga. Wala din siyang sinabi kung nasaan sila. Pinutol na niya ang linya.”sagot ni Prince.

“No way! Kung nasaan man iyang baliw na lalaking iyan, hahanapin ko siya. Baka siya pa ang mapatay ko.”sabi ko.

“Sige tatawag na lang kami sayo kapag tumawag ulit siya dito.”paalam ni Prince.

End Call.

“Subukan natin puntahan ang kaibigan kong NBI agent. Baka matulungan niya tayo.”saad ni Daniel.

“Mabuti pa nga.Ituro mo ang daan.”sagot ko.

*Jeravi’s POV*

“Sandali saan niyo ako dadalhin?”tanong ko ng buhatin ako ng isang lalaki pasakay ng isang lumang kotse. 

“Huwag ka na ang maingay kung ayaw mong mapaaga ang pagkamatay mo.”sagot sa akin ng lalaki saka ako hinagis sa likuran ng kotse.

Umaandar na ang kotse.

Saan naman nila ako dadalhin ngayon?

Naduduwal ako sa sobrang hilo. PArang sasabog ang sakit ng ulo ko.

Hindi ko sila maintindihan. Ano baa ng gusto nila sa akin?

Nakatali pa ang mga kamay at paa ko.

Kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas dito.

“Argh!”rinig kong angal ng isang babaeng mukhang nagmamaneho ng sasakyan.

Muli itong tumili. Nababaliw na ata.

Mukhang traffic.

Kailangan ko lang maisilid ang balakang ko sa pagitan ng aking mga braso baka sakaling makawala ako sa taling ito.

Bigalng gumewang gewang ang andar ng kotse.

Balak pa atang magpakamatay ang babaeng ito at balak akong isama sa hukay.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon