Chapter 39

85 4 0
                                    

*Jeravi's POV*

Back to school.

"Hey Jeravi you'll know kung sino ang tumawag sayo!"paalam ni Drake sa akin.

Naalala ko tuloy yung lalaking tumawag sa akin noong nakaraang araw.

*flash back*

*ring**ring**ring**ring*

"Sagutin mo na."utos ni Drake.

Sinagot ko ang tawag. Unknown number.

"Hell---"sabi ko pero biglang nagsalita yung nasa kabilang linya. Ang totoo?

"Hi."sabay na naman naming sabi.

--_____________________________________--

"Ako muna."sabi ko. "Sino ito?"

totototottotototot...

Aba! binabaan ako!

"Sino daw?"tanong ni Drake sa akin.

Binulsa ko na ang cellphone ko.

"Binabaan ako."sabi ko. napa-pout tuloy ako.

"Tawagan mo gamit itong cellphone ko.Sasagot iyan."abot sa akin ni Drake ng cellphone niya.

"Bakit nga pala cellphone ni Jhake ang gamit mo?"tanong ni Drake ng mapansin ang gamit kong cellphone.

Kinuha ko phone ni Drake.

"Ah luma na naman niya daw ito eh kaso nga lang pahiram lang."sabi ko habang pinipindot na ang number ng tumawag sa akin kanina.

"You need to have your own phone.Bili kita."sabi ni Drake.

“Huwag na nakakahiya naman sayo.”sagot ko.

“Bahala ka.”sabi niya.

*ring**ring**ring**ring*

“Hello”sagot ng lalaking tumawag sa akin.

“Hi.”sagot ko.

“Sino ito?”tanong ng lalaki sa kabilang linya.

“Sabihin mo your secret admirer.”bulong sa akin ni Drake.

“Your secret admirer.”sabi ko nga.

“Hindi ako nakikipaglaro sayo.”galit na sabi ng lalaki.

“HOY IKAW ANG UNANG TUMAWAG SA AKIN!”sigaw ko din.

“What?”tanong ng lalaki.

“Ako ito si Jera----“tinakpan ni Drake ang bunganga ko!

“Shh..”bulong ni Drake sa akin.

End call.

*end of flash back*

Sino kaya iyon?

“Jeravi!”irit ni Dem.

Sakit sa tenga.

“Bakit?May problema ba?” tanong ko.

Tumango tango si Dem pero ngiting-ngiti ha. Mukha ba itong may problema o may sayad lang talaga ang babaeng ito?

“Saan mo ko dadalhin?”sabi ko bigla ba naman akong hilain ni Dem.

“Sa classroom.”sagot ni Dem sa akin.

Hindi naman ako makapalag dahil mas malaki sa akin itong si tabang Dem. 

Hay bakit ba kailangan niya pa akong hilain eh doon din naman ako pupunta.

Excited lang?

Ano bang mayroon at nakatingin silang lahat sa akin o paranoid lang ako?

Ang totoo?

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon