Chapter 69

63 2 0
                                    

*Jeravi's POV*

FRONT PAGE:

"Isang P.A. Isang CELEBRITY HOOKER?"

May mga nakalagay na litrato dito at,,,"Ako iyan ah!"sigaw ko.

"Ikaw nga,ang CELEBRITY HOOKER."sagot naman ni Bea.

"Pe---pero...Hindi naman ako CELEBRITY HOOKER."sabi ko.

Sa lakas ng usapan namin ni Bea ay lumapit sa amin si Jhake at ilang staffs.

"Ano iyan?"tanong ni Jhake.

Lumapit na din pati si Manager Stephen.

Kinuha ni Jhake ang news paper at binasa ang nakalagay sa front page nito.

Tinignan din ni manager Stephen.

"Isang P.A. Isang CELEBRITY HOOKER?"basa ni manager Stephen sa nakalahad sa diyaryo.

Tinignan nila akong lahat.

Parang nanghuhusga ang mga tingin nila.

Hindi naman ako CELEBRITY HOOKER!!!

T_____T

"Jeravi,isa kang ---"saad ni Jhake.

"Hindi ako CELEBRITY HOOKER Jhake!Kilala mo ako di ba?"sabi ko agad.

"Hindi mo siya ganoon kakilala Jhake.Tignan mo ang mga litratong iyan.Kahit boyfriend na ng kaibigan niya pilit niyang inaakit.Such a bitch."sabad ni Bea.

"Hindi iyan totoo!"sigaw ko.

Huwag kang maniwala sa kanila Jhake.

"Huwag mong sabihing naniniwala ka sa babaeng iyan kaysa sa akin Jhake?"tanong ni Bea kay Jhake.

"Jhake?"tawag ni manager kay Jhake.

"Oo naniniwala ako sayo Bea."nakayukong sabi ni Jhake.

Ano?

Pero hindi ko naman iyon magagawa.

"Pero Jhake--"saad ko.

"Out!"sigaw ni Jhake sa akin.

"Umalis ka na dito.You're fired!"sigaw ni Jhake.

"Manager?"tinignan ko si manager Stephen pero iniwas niya lang sa akin ang tingin niya.

I have nothing. Wala na.

Tumakbo ako palabas ng lugar.

*Iron's POV*

Ilang araw at gabi ko na ding pinagisipan ang sinabi ni Nickel sa akin.

"Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni Nickel.

"Kakausapin ko lang si Carla."sagot ko.

Umalis na ako at pupuntahan ko sa kanila mismo si Carla.

After lang ng ilang minuto ay nasa tapat na ako ng bahay nina Carla pero hindi agad ako lumabas ng kotse ko.

Nakita kong pumasok sa bahay nina Carla si Oliver.

"Boyfriend iyon ni Everlove di ba?Anong ginagawa niya dito?"sambit ko.

*Jeravi's POV*

CELEBRITY HOOKER?

Ako pa ang naging CELEBRITY HOOKER?

Sigurado akong si Bea ang may kinalaman dito.

Palabas na ako ng subdivision na pinagkukuhanan nina Jhake ng pelikula.

"Siya yung Jeravi na Celebrity hooker di ba?"bulong ng babaeng nakasalubong ko sa kasamahan nito.

"She's pretty naman."sabi naman ng kasama nito.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon