Chapter 21

118 3 0
                                    

*Jeravi's POV*

Ahhh ang sakit ng ulo ko!

Napainom kasi kagabi eh. Kung hindi ako pinilit ni Ehly uminom hindi sasakit ngayon ang ulo ko.

Nasa tapat ako ngayon ng GMA network na building. Hindi ko kasi naabutan sina Jhake at si manager sa bahay kaya sumunod na lang ako. May dala akong

pagkain. Niluto pa ito ni inay kanina para sa akin. Binaunan pa ko ng saging.

Lunes ngayon pero hindi ako pumasok.

Pinatigil kasi ako ngayon sa pag-aaral. Kahit scholar ako.

Kailangan eh. Lumaki ang utang namin sa bangko.

Sinabi ko na din kina inay na nagtatrabaho ako bilang P.A.

Sa aming magkakapatid, ako ang tumigil.

Ayoko kasing patigilin ang mga kapatid ko.

Kung susuwertihin, kapagnagkaroon ako ng sapat na pera.

Pagaaralin ko ulit ang sarili ko pero sa ngayon priority ko ang mga kapatid ko.

*flash back*

Papunta ako sa ospital ng tumawag si inay sa akin at pinapauwi ako.

Pag-uwi ko, "Jeravi lumaki na ang utang natin sa bangko.Naloko kami ng tatay niyo sa negosyo. kaya.."sabi ni inay.

"Ano po?"tanong ko.

"Pwede bang tumigil muna kayong magkakapatid sa pag-aaral?"tanong ni Inay.

"Pero scholar ako inay."sabi ko.

"Ikaw ang panganay Jeravi.Ikaw ang inaasahan naming magtatrabaho.Pero panandalian lang naman ito nak.Sana maintindihan mo."sagot n Inay.

Naiintindihan ko. Pumayag na din ako.

*end of flash back*

"Manong papasukin niyo na ako. P.A. nga po ako ni Jhake!"sabi ko sa guard.

Ayaw ba naman ako papasukin.

"Please!Kailangan niya ko ngayon."Sabi ko.

"Miss ilang beses na ako naloko sa ganyang palusot niyong mga fans."sagot ni manong guard.

"Manong totoo naman ang sinasabi ko!"saad ko.

"Bawal.Umuwi ka na sa inyo!"sabi ni manong guard.

Hayyyy mukhang hindi talaga ako papapasukin ni manong guard.

kailangan kong gumawa ng paraan.

"Sige na nga.Alis na ko."sabi ko.

Dali-dali kong pumunta sa may ukay-ukay at bumili ng pang madreng damit.

Bumalik ako sa harap ni manong guard.

"Excuse po.Kailangan ko pong pumasok sa loob."mahinhin kong sabi.

"Naku sister ano namang gagawin ninyo sa loob?hindi po ito simbahan"tanong ni manong guard.

"Ganoon ba?Nasa loob kasi ang mga kasama ko.Ito ang address na sinabi nila."sagot ko.

"Sorry sister pero hindi po ako nagpapapasok."sabi ni manong guard. WALEY!

Umalis ulit ako at bumalik sa ukay-ukay.

Hmm...ano kaya?

Pang nurse?

Pang doktor?

Pang manang?

Pang katulong?

Pang ...............ARTISTA!

Haaay paano kaya yung pang artista eh lahat ng napasok doon ay may kotse ang artista.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon