*Jeravi's POV*
Saan ba ako dadalhin ni Jhake?
Bigla na lang kaming umalis doon sa school.
"Jhake."sambit ko.
Hindi niya ako tinignan.
Heto na naman kaming dalawa.
Soundtrip?
"Paalis na daw si Olly ngayon.Pupuntahan ba natin?"tanong ni Jhake.
Yes! Kinausap din ako.
Ha? Olly? Paalis si Olly?
"Pupuntahan ba natin siya Jhake?"tanong ko.
Hay naku sa tuwing may problema ang mga kaibigan ko involve na din si Jhake.
"Pupunta tayo pero mabilis lang.Magpapaalam lang tayo sa kanya."saad ni Jhake.
On the way pala kami sa airport.
"Masakit ang ulo puwede bang uwi na lang tayo at tawagan mo na lang si Olly?"tanong ni Jhake.
"Sige.Okay lang."sabi ko.
Tatawagan ko na lang si Olly.
Dumeretso uwi na kami.
Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari sa kanya?
Anong nangyari bakit nagkakaganito siya ngayon?
Bakit ang lungkot-lungkot ni Jhake?
Pagdating namin sa bahay ay pumasok agad siya sa kwarto niya.
Sinalubong naman kami ni Manager Stephen.
"Anong nangyari sa lalaking iyon?"tanong ni Manager Stephen.
Napakibit balikat lang ako.
Hindi ko alam eh.
"Baka pagod lang po sir.Hayaan na natin siyang magpahinga."saad ko.
Tumango na lang si manager Stephen.
*Olly's POV*
Ilang oras na lang aalis na kami.
Ni isa sa mga tinext ko walang sumagot.
Okay din sila noh?
Oh baka naman sosorpresahin ako at pupunta sila dito?
"Oliver."tawag sa akin ni kuya.
"Tara na.Pasok na tayo sa loob.Doon na tayo maghintay."saad ni kuya.
"S-sige."sagot ko. Kinuha ko na ang maleta ko at hinila papasok.
Papasok na kami ng...
"Olly!"sigaw ng isang babae.
Ang boses na iyon.
Everlove.
"Oliver !"sigaw ulit ng babae.
Lumingon si kuya pero ayokong lumingon.
Deretso lang ako sa paglakad.
Hindi iyon si Everlove. Hindi. Imposible.
"Olly!"sigaw ulit nito.
"Miss bawal pumasok dito ang walang waiting flight."saad ng guard.
"Oliver.Nandyan ang mga kaibigan mo."sabi ni kuya.
Humarap ako sa kanila.
Nagulat ako syempre. Nasa harapan ko ngayon si Everlove.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
FanfictionAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...