Chapter 48

67 2 0
                                    

*Jeravi's POV*

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Dustin na sabihin sa akin na mahal niya ako at gusto niya akong ligawan.

Ewan ko din kay Jhake kung bakit siya nanghihimasok sa love life ko.

Pero grabe kinikilig ako sa ginawa ni Jhake.

Gusto niya ba ako?

Imposible.

Mahal na mahal niya si BEa.

Ako? P.A. lang niya ako.

Ang dakilang P.A.

Haaaaaaaaaaaaaaaay hindi ako makatulog.

Pero paano kaya kung pumayag ako kay Dustin?

Siguro magiging kami pa.

Hindi naman artista si Dustin kaya lang sikat pa din dahil sa gwapo siya at anak mayaman pa.

Kaya argh! imposible din kami magkatuluyan!

"Oh gising ka pa?"tanong sa akin ni Jhake na nakaupo padin sa kamang hinihigaan ko.

"Hindi kasi ako makatulog."sagot ko.

Kung alam mo lang Jhake kung bakit. Haaaaaaaay.

"May gusto ka ba?"tanong pa sa akin ni Jhake.

Ahhhhh! Inaalagaan niya ako!

Kinikilig na naman ako.

"W-wala."sagot ko.

"Nakakahiya naman sayo.Ikaw dapat ang inaalagaan  ko pero paliktad ata ngayon."saad ko.

"Tsk.Naisip mo pa iyan ha.Okay lang iyon sa akin.Kasalanan ko naman kung bakit nandito ka ngayon.Kung hindi kita dinala sa mall na iyon hindi sana nangyari ito sa 

iyo."sagot ni Jhake na umupo na sa sofa.

Ngayong araw na ito.

Napakarami ng nangyari.

Pero sa lahat ng nangyari, wala akong pinagsisisihan.

Masaya ako ngayon.

Ngayong kasama ko si Jhake.

At kahit papaano nararamdaman kong concern siya sa akin.

"Hindi ka pa din makatulog?Gusto mo tabi tayo?"biglang sabi sa akin ni Jhake.

"Ha?"sambit.

"Ah hindi kasi ako makatulog kapag nasa ospital ako.Patulugin mo ko."sabi ni Jhake.

"Ha?P-pa-paano?"sabi ko.

Yaaaay!

"Tabi nga tayo.Malaki naman iyang kama."sabi ni Jhake.

"Sige."sabi ko.

Yaaaaaaay! Tabi kami matutulog!

Tumabi nga sa akin si Jhake.

Pero syempre nakatalikod kami sa isa't isa.

After 2days

Nakauwi na ako.

Syempre sa bahay ni manager Stephen.

Okay na kasi ang pakiramdam ko.

Halos dalawang araw din pala ako sa ospital.

At si Jhake ang nagbabantay sa akin.

"Oh Jeravi okay na ba ang pakiramdam mo?"tanong sa akin ni manager.

Sumaludo ako sa kanya. Wala lang para mukhang hyper.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon