Chapter 9

91 4 0
                                    

Chapter 9

*Jhake’s POV*

“What?”sigaw ko ng makita ko ang litrato naming ni Bea sa newspaper.

“Kailan kayo nagkita?”tanong sa akin ni manager.

“Hindi pa kami nagkikita.Kahit ipilit ko pang magkita kami. Napakaimposible na sa ngayon.”sagot ko.

Bata pa kami sa litratong ito. Kasama nito ang litratong buntis na si Bea.

“Hmm..you need to explain this in media. Kailangan na nating linisin ang career mo.”sabi ni manager.

Tumawag si Manager Stephen sa ilang kilalang news reporters para magkaroon ng kalinawan ang lahat.

“Bukas haharapin mo silang lahat at lilinawin mo ang namamagitan sa inyong dalawa ni Bea. Pati ang mga litratong lumabas.”sabi ni Manager.

“Sige.”sagot ko na lang.

Sanay na ako sa intriga pero alam kong hindi sanay si Bea. Kapapanganak lang niya ay nasa gitna agad siya ng intriga. Kailangan ko ng ayusin ito.

“Jhake!”tawag sa akin ni Manager.

“PO?”tanong ko.

“Mag aaral ko ulit.”sabi ni Manager saka kinain ang burger sa tabi ko.

“Ano?”tanong ko.

“Mag-aaral ka sa gusto o gusto mo.napagusapan na naming ng pamilya mo ito.”sabi ni manager.

May magagawa ba naman ako?

“Saan?”tanong ko.

Isang taon na lang naman ay magtatapos na ako.

“Sa lipa. Sa De LaSalle Lipa.”sagot ni Manager.

“Seriously?”tanong ko.

“Yes.Magandang school ang LaSalle Lipa.Hindi tulad dito sa Maynila, doon hindi ka pagkakaguluhan masyado.”sabi ni manager.

“Sige. “sabi ko.

“Huwag kang magaalala.Isang taon na lang naman ay magtatapos ka na din ng pagaaral mo.”paalala ni manager.

Alam ko naman.

“Kailan ako magsisimula?”tanong ko.

“After ng concert mo doon.Para madali na din sa magiging P.A. mo.”sabi ni manager.

“Sino ba ang magiging P.A. ko?”tanong ko.

“Excited?”tanong ni manager.

“Ayoko magkaroon ng P.A.”sabi ko.

“Mabait naman ang P.A. mo. Makikilala mo siya sa araw ng concert mo.”sabi ni manager.

*Jeravi’s POV*

Ngayong araw na ito wala talaga akong gana. Totoo kaya ang balitang iyon tungkol kay Jhake?

Kaninang umaga,naiinis talaga ako sa mga kaibigan ko. Pero naiintindihan ko naman sila. Mga aso sila kaya ganoon umasta.

“Mana sayo.”na isip kong sinabi ni Jihnel. Haay naku naman.

Nasa library ulit ako. Dito muna ako tatambay buong araw.

“Jeravi!”tawag sa akin ni Carla kasama sina Noreen at Owy.

Si Carla kaibigan ko simula noong unang linggo ko sa college. Si Owy naman at Noreen hindi kami close pero alam kong mga loka din sila parang mga kaibigan ko.

“Oh?”sagot ko.

“Badtrip ka?”tanong ni Noreen.

“Medyo.”sagot ko.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon