Chapter 22

97 4 0
  • Dedicated kay Jeravi Montales
                                    

*Jeravi's POV*

Nasa dressing room padin kami.

Bakit ba nandito ang babaeng iyan?

"You look familiar."sabi sa akin ni Bea.

"I'm a nun.Of course I look familiar."sagot ko. English yun! taray!

"Really?"tanong ni Bea.

"Bakit may madre dito?"tanongni Jhake kay Manager.

"That's Jeravi."sagot ni manager.

Yeah right.

"Nice."sabi ni Bea.

Plastic.

"Oo nga pala Jeravi,ililipat ko ng school si Jhake.Gusto ko kung nasaan siya nandoon ka din."sabi ni manager.

"Eh manager,pwede ko ba kayo makausap,yung tayo lang dalawa?"tanong ko.

"Sure."sagot ni manager. Lumabas kami at nagusap.

"Hindi na po kasi ako mag-aaral.Kailangan ko magtrabaho para sa pamilya namin."saad ko.

"Then akong bahala.Magaaral si Jhake sa isang international school para malapit na din dito.Magaaral ka doon."saad ni manager.

"Pero wala nga po akong..."saad ko.

"I'll pay for it.Basta gawin mo lang ang sinasabi ko."sabi ni manager.

"Yes sir!"saludo ko kay manager. Tumawa ito.

"hindi bagay sa madre ang sumaludo Jeravi."sabi ni manager.

*Bea's POV*

Nasa dressing room kami ngayon ni Jhake. Lumabas ang dalawang asungot.

"Jhake I need to talk to you.Gusto ko lang naman ng dadamay sa akin.Ikaw kasi ang una kong naisip."saad ko.

Hinawakan ako ni Jhake sa kamay. Nagaalala ang mga tingin niya.

"Bakit? May problema ba?"tanong ni Jhake.

“Meron.Nagiging Malabo na ang pagsasama naming ni Dan.”sabi ko.

“Anong ginawa niya sayo?”tanong ni Jhake.

“Can we talk about it later? Sa condo ko.”sabi ko.

“later?Pwede naman ngayon na Bea.”sabi ni Jhake.

“Please, baka kasi may makarinig.”sabi ko.

Pumayag naman ang baliw na si Jhake.

Tinabihan ko si Jhake sa kanyang upuan. maliit lang ang space nito pero nagkasya naman kami.

Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.

Niyakap niya din ako.

"Make me happy Jhake."sabi ko. Tinignan ko siya.

"How?"tanong ni Jhake.

"Later in my condo.Makinig ka lang sa mga sasabihin ko.Sa mga kwento ko."sabi ko.

Tumango siya.

Biglang pumasok si Jeravi kaya tinulak ko palayo sa akin si Jhake.

Buwisit talaga ang P.A. niyang ito. 

"Si manager Stephen?"tanong ni Jhake na kinuha ang bote nito ng tubig.

"May meeting daw siyang kailangan puntahan."sagot ni Jeravi na masama ang tingin sa akin.

Looks like na may gusto si Jeravi the P.A. kay Jhake.

"Jhake painom."sabi ko.

Pagkainom ni Jhake ay inabot niya sa akin ang bote.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon