Chapter 32

87 3 0
                                    

*Jhake’s POV*

Pumasok na ko sa next class.

“Grabe ng swerte nga eh.”Sabi ng babaeng katabi ko sa klase.

“Sobra! Sana nga ako na lang iyon.”sabi naman ng isa pang babae.

Nagumpukan ang mga babae sa gilid ko hanggang sa napansin ako ng isa at lahat na sila ay pinalibutan ako. Hirap ng sikat na gwapo.

“Jhake.”tawag sa akin ni Bea.

“yes?”tanong ko.

“Okay na ba ng sugat mo?”tanong sa akin ni Bea.

“Okay na.”sagot ko. Umupo ito sa tabi ko.

*Jeravi’s POV*

5 hours pa!!

No!!!!! Paano kung tawagin ako ni Jhake?

Makikita niya si Dustin at nakaposas kami nitong lalaki.

“Ang swerte naman ng transferee na iyan.”sabi ng ilang babae. Paulit-ulit?

Ang malas ko nga!

Tapos na ang klase kaya lumabas kami at pumunta sa saan ba ito?

Parang garden sa school. Wow! Student park.Heaven!

Nasa likod kami ng isang puno…  Syempre dahil umupo siya sa damuhan. Napaupo na din ako.

Nagtatago ba kami?

“Buwisit.”bulong ni Dustin. Pinariringgan niya ba ako.

“Sorry ha,hahara-hara ako sa daan.”sabi ko. Guilty lang ako. Kung hindi naman ako naglakad lakad kanina. Hindi naman niya ako mahihila.

Hindi siya sumagot.

*Jhake’s POV*

Nagugutom daw si Bea kaya…

"Kuha mo akong pagkain,please"sabi sa akin ni Bea. Nag-excuse ako sa klase para bumili.

Mukha namang walang pakialam ang teacher kahit palabas-labas ang estudyante.

"Anong pagkain?!"

"Bili mo ako ng tinapay .”sabi ni Bea.

Pumunta ako sa canteen para bumili ng pinabibili ni Bea at bumalik ulit sa kanya.

"Thank you. Ah may nakalimutan ako, Can you go back at ibili mo ako ng tubig? Wala kasi akong inumin."saad ni Bea. Bumalik ako.

Sinunod ko sya at bumili ng tubig. Sumakit ang sugat ko.

"Eto oh!"abot k okay Bea ng bote ng tubig.

"Ah oo nga pala, may nakalimutan pa ako---"dagdag ni Bea.

Ano ba ako ng babaeng ito? Utusan? Kung hindi ko lang mahal ang babaeng ito hindi ko gagawin ang mga inutos niya sa akin.

“Ano pa?”tanong ko.

“Hindi na pala.”sabi ni Bea.

Kinain na niya ang mga pinabili niya. Naisip ko tuloy si Jeravi. Kumain na baa ng babaeng iyon? Malapit ng mag-lunch ah.

*Jeravi’s POV*

*yawn* *blink* *blink*

Nakakaantok!

hindi ba nagsasalita ang lalaking ito?

hello? I'm here!

Hindi niya ko pinapansin kanina pa.

"Kuya gwapo!"tawag ko sa kanya. Paktay! nasabi ko na gwapo siya. kakahiya >//////<

"What?"sagot nito sa akin.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon