*Rojeen's POV*
"CONCERT?! SA SATURDAY?!" naitapon ko yung cellphone ko sa table ko ng hindi oras, "HINDI NGA?!Wow concert ulit ng chicser."masaya kong sabi.
Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko sa malakas kong sigaw, pasensya naman ganto lang talaga ako kaadik sa Chicser eh.
Naka-DM ko nga minsan sina Oliver at Ranz :)
Balitaan ba naman ako ni Samantha,anak ng pinsan ko na may concert sa sabado ang chicser.
Crush ko pa naman ang Posadas brothers at si Ullyses. Isama na din si Ranz.
"Tara bhe manood."aya ko kay Prince.
"May photo shoot naman ako nun.Pasama ka na lang sa iba.Sorry bhe."sagot ni Prince.
Hindi na niya ako first priority T____T
"Alam mo namang nagtatrabaho ako para sa future natin."biglang banat naman ni Prince.
Future agad?
Yaaaaaaaaay kinikilig ako. HAHAHA >//////////<
SATURDAY
Concert Day
Nagpasama na lang ako kay Jhake.
Ngayon pang alam kong pupunta din sina Jeravi at Dustin. :)
*Jhake's POV*
Wala akong taping ngayon.
At hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa Araneta para manood ng concert ng Chicser.
Naging instant driver ako ni Rojeen.
"Bakit ba ako pa ang sinama mo imbis na si Prince?"tanong ko.
"Busy ngayon si Prince eh may photo shoot na naman."sagot ni Rojeen na may bitbit na light stick na nakalagay ay isang malaking sign ng Chicser na letter "C".
"At sa tingin mo hindi ako busy?"tanong ko.
-______-
"NAndito din si Jeravi at Dustin,"sabi ni Rojeen.
Anong connect sa tanong ko?
WHAT?
Nagde-date ba ang dalawang iyon?
"Ano namang pakialam ko?"sabi ko.
"Haaaay gusto ko kasi makita kung paano makipagdate si Jeravi at si Dustin.Parang kayo dati ni Jeravi.So I can compare."saad ni Rojeen.
"Ang sabihin mo gusto mo lang makita ang Chicser na iyan."sabi ko.
"Isa na din iyan sa reasons ko."natatawang sabi ni Rojeen.
Sabi na nga ba.
"Magugustuhan mo ang gagawin ko mamaya.Talk to her.Sana maging okay na kayo."sambit ni Rojeen na nakangiti sa akin.
*Rojeen's POV*
"Dustin!"sigaw ko.
Lumingon naman ito agad.
Medyo maingay na din kasi sa loob ng Araneta.
Lum.apit sa akin si Dustin kasama ni Jeravi.
"Dustin pwede ba tayong magusap?Yung tayong dalawa lang."sabi ko.
Tinignan ni Dustin si Jeravi.
Tumango naman si Jeravi bilang pagsangayon.
Lumabas muna kami ng Araneta.
Siksikan nga. Buti nakalabas kami ng ayos.
Sinadya kong ilabas si Dustin para siya na ang makasama ko maghapon at magkasama naman si Jeravi at Jhake.

BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
Hayran KurguAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...