Chapter 10

113 4 0
  • Dedicated kay Prince Chale Cruz
                                    

*Prince’s POV*

I’m  Prince. I’m from Paris, France.

“Dude ang boring naman sa villa mo.”sabi ni Bri, ang kaibigan ko from Paris.

“Wala bang chicks?”tanong naman ni Aldous.

“Oo nga.Wala ka bang magandang pinsan man lang?”tanong ni Bri.

“Nagrereklamo ba kayo?”tanong ko.

Kainis! Bakit kasi sumama pa ang mga kabarkada kog ito?

“Dude naman.”sabi ni Aldous.

“Sinabi ko ba naman sa inyo na sumama kayo sa akin dito?”tanong ko.

Nasa Pangasinan na kami. Pinauwi ako ng kuya ko para umattend ng kasal niya.

“Dude totoo bang dito ka na daw titira?”tanong ni Bri.

 On the way palang kami.

“Hindi. Sa villa namin sa Batangas.”sabi ko.

Kagagaling lang naming sa villa naming sa Batangas.

“Mamimiss ka namin dude.”sabi ni Aldous.

“Nandito na tayo.”sabi ko.

Sinalubong kami nina kuya.

“Bakit ngayon lang kayo? Reception na lang ang naabutan ninyo.”sabi sa akin ni Kuya King.

“Sorry kuya.Naabutan kami ng traffic sa NLEX.”sabi ko.

Dumeretso na kaming magkakabarkada sa reception hall sa Summer Park.

“Hi.”bati ko sa asawa ni Kuya na si Phoebe. Maganda ang napangasawa ni kuya.

“Kain na kayo.”sabi ni ate Phoebe.

“Tara dude. Gutom na ako.”sabi ni Aldous.

“Sige.”sabi ko.

Kumain na kaming tatlo ng lapitan kami ng ina ni ate Phoebe.

“Hijo ipapakilala ko kayo sa pamangkin kong babae. Baka sakaling isa sa inyo eh mapangasawa niya.”sabi ni tita.

“Tara dude. Sayang baka kasing ganda ni ate Phoebe mo.”sabi ni Aldous.

Mga chicboy talaga.

Lahat kami single pero marami ng babae ang dumaan sa amin.

“Sige po.”sabi k okay tita.

*Rojeen’s POV*

Hindi ako pumasok ngayong araw na ito. Nasa Pangasinan ako ngayon para bisitahin ang mga kamag -anak ko doon at may ikakasal akong pinsan doon. Isinama ako ng mga tita ko doon.

“We’re here.”sabi ng tita ko.

Kakagising ko lang kaya siguro mukha akong haggard.

“Hija baba na.”sabi ni tita.

Bumaba na kami at dumeretso sa reception hall.

“Ikaw si Rojeen? Napakalaki na ng batang ito.”bati sa akin ng ilang mga tao dito. Sa totoo lang hindi ko sila kilala pero alam ko kamag anak ko sila.

“Hijo, buti nakarating ka.”sabi ng tita ko sa isang wow gwapong lalaki J

Makapang chics nga. Hahaha. Bawal baka kamag –anak koi to.

“Ito nga pala si Rojeen ang pamangkin ko.”pakilala ni tita sa akin sa binate. “Rojeen this is Prince,kapatid ni King ang asawa ng pinsan mong si Phoebe.”

“Hi.”bati ko. Tumango lang sa akin si Prince.

Suplado ito.

*Jeravi’s POV*

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon