Chapter 79

53 1 0
                                    

*Jhake’s POV*

Hapon na pero dagsa padin ang dating ng mga fans ko ngayon dito sa may Market market.

Iniwan ko mag-isa si Jeravi sa bahay ngayong linggo kasama ang kambal para sa mall show ko.

Tinawagan ko siya kanina para kamustahin at sabi niya lang sa akin ay okay lnag siya.

Kasama pa din niya ang kambal dahil hindi pa ito kinukuha ng mga magulang nito.

“Jhake.”tawag sa akin ni Manager Stephen.

“Yes?”tanong ko habang naghihintay ng oras ng paglabas ko sa publiko.

“May tumatawag sayo.”abot sa akin ni Manager Stephen sa cellphone ko.

“Hello.Bakit ka napatawag?Nasa gitna ako ng aking mall show.”sagot ko kay Rojeen na tumawag.

“Help!Help me Jhake.”saad ni Rojeen.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganyan.”sabi ko.

“Look hindi ako nagbibiro.Nandito ako ngayon sa SM,mag-isa ako ngayon para sana abangan sina Iron at Nickel pero wala pa sila.Hindi ko sila matawagan.Jhake,may sumusunod sa akin,anong gagawin ko?”pabulong na sabi ni Rojeen.

“Si Prince?”tanong ko.

“Hindi ko din siya matawagan eh.”sabi ni Rojeen.

“Umalis ka na diyan.Ako ng tatawag kina Prince o sa kambal.Basta huwag mong patayin ang cellphone mo.”saad ko.

End Call.

“Ano daw?”tanong ni manager.

“May sumusunod daw sa kanya.Manager tawagan mo sina Iron,Nickel o Prince,sabihin mo sa kanila na nasa SM ngayon si Rojeen.”sabi ko.

“Sige ako ng bahala.Sumalang ka na sa stage.”utos ni manager.

*Prince’s POV*

Buwisit! Bakit ba walang signal dito ngayon sa Baguio?

Bakit kasi dito pa ang photo shoot namin ni Dustin para sa isang brand na kinuha kaming pareho?

“May signal ka?”tanong ko kay Dustin.

“Wala nga,hindi ko matawagan si Jeravi.”sagot ni Dustin.

“Nagaalala ako.Parang may mangyayari na namang masama.”sabi ko.

“Huwag kang mag-alala.Ganyan ka lang kais hindi mo matawagan ang girlfriend mo.”saad ni Dustin.

“Siguro nga tama ka.Miss ko lang siya.”sagot ko.

*Nickel’s POV*

Shit naman! Nalimutan ko pa ang cellphone ko sa bahay!

“Dala mo ang cellphone mo?”tanong ko kay Iron.

Nasa byahe na kami ngayon papuntang Batangas.

“Oo pero low bat.”sabi ni Iron.

“Nagdala ka pa.”sabi ko.

“At least dala ko.Ikaw?Iniwan mo na naman.Ulyanin ka na talaga.”sagot ni Iron.

Traffic pa.

Sigurado akong naiinip na si Rojeen sa SM.

Usapan kasi namin na sa SM niya kami hintayin.

Malapit na din naman kami.

*Rojeen’s POV*

Napakatagal naman ng kambal na iyon.

Naku pagdating nila dito masasapak ko sila ng tig-isa.

Wait,kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa akin.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon